30

1211 Words
hello sa mga nabasa na ang kwento ni Dustin ("Night with the CEO") exclusive na siya sa dreame/ yugto mababasa ang mga nangyari detailed ng kidnapping nila Lira, dria so meaning dito pahapyaw ko lang i kwento. Follow me there para mabasa nyo. story ni Dustin Humpkins Lira is an OFW who work hard abroad para makaahon sa hirap kagaya ng karamihan sa mga nag ofw. Naghahanda na rin siya para sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancee. Isang araw binigyan siya ng kanyang boss ng vacation with pay. Then she caught her fiancee cheating with her best friend, sa galit at inis uminom siya. She drink as if its her last, she got wasted and woke up naked with her boss at nagbunga ang isang gabing pagkalimot niya ngunit kinakailangan niyang itago dahil nalaman niyang ikakasal na ang boss niya sa iba. Nasa dreame na po siya ha. completed pwede kayong magbasa ng mga free stories to earn coins. continue.. Di gaya kanina mas kalmado na ang dalawang babae. Malamang naisip ng mga ito na di makakatulong sa kanila ang paiyak iyak. Isa lang naman ang malinaw sa ngayon iyon ay ang katotohanan na nasa panganib ang mga buhay nila. Isang cottage ang pinagdalhan sa kanilang tatlo ngayon. Habang tolog ang mga ito ay abala siya sa pag iisip ng paraan kung paano sila makakatakas. Ngunit mas kailangan niyang unahing mapatakas si Jam iyon ang napagkasundoan nila ni Lira kanina. kung may mas higit siyang gustong iligtas iyon ay si Jam dahil nagdadalang tao ito. Mabuti at may training siya sa mga ganitong pagkakataon na magagamit niya. "Ito ang pera Jam, pilitin mong tumakas kailangan na ligtas kang makakauwe kay Kuya Yael ka tumuloy dahil mapoprotektahan ka nya!" bilin ko dito. Kahit pa nga nag aalangan siyang baka mapahamak ito sa daan ngunit mas mahihirapan silang tumakas kung sabay sabay silang tatlo. Sila ni Lira pwede silang tumakbo ngunit paano ito? di nila maaaring ilagay sa panganib ang buhay nito. Kaya magpapaiwan sila upang di ito habulin ng mga kidnapper. Lagi siyang may pera sa kanyang bra sa tuwing may party. Nakaugalian na niya iyon lalo dahil narin siguro sa trabaho niya sa mga emergency cases na kinakailangan nila ng pamasahe pauwe pag tumakas sila sa party. Nang hapon na iyon ay may nakita akong lighter sa gilid ng lababo. Nakatago iyon kaya marahil ay di napansin kahoy lang ang dingding sa bahaging iyon ng cottage. Lumang flywood at medyo sira na din ngunit ng tinangka kung iangat ay matibay pa. Kakailanganin niya ng martilyo upang matanggal ngunit wala sila nun. Nasa may pintoan na banda si Jam para oras na buksan ng mga dumukot sa kanila ang pinto ay agad agad itong makakatakbo. Kinakailangan nilang mapalaki ang apoy upang masunog din ang dingding na flywood nang maging sila ay makatakas din. Di sapat ang maliit na butas para kumasya sila ni Lira masyadong makipot kung bata pwedeng makalabas pero kung malaking tao. Malamang ay hindi kakasya lalo at pawang sementado ang malaking bahagi ng cottage. Matitibay ang mga grills kaya napakahirap para sa kanya ang gumawa ng paraan. Agad na kumuha siya ng mga lumang damit sa ilalim ng aparador, mga papel papel at may alcohol din siyang nakita. Inipon niya ang mga iyon sa isang tabi bago ibinuhos niya ang alcohol sa dingding na kahoy at inihagis maging ang kurtina saka sinindihan. Maya maya pa ay lumaki na ang apoy. "Sunog! sunog!" sabay na sigaw naming tatlo. "Tulong! sunog!" patuloy kami sa pagsisigaw maya maya pa ay bumukas ang pinto. Tumango ako kay Jam, iyon na ang hudyat ng pagtakas nito nang makapasok ang mga kidnaper ay tumakbo na si Jam. Siya naman ay kabilaang gilid sila ni Lira sa makikita ng mga kidnapper upang di mapansin agad na nakalayo na si Jam. "May apoy pa!" sigaw ng isa ng makitang maging ang isang upoan sa gilid ay nadamay. "Buhusan mo pa ng tubig gago! lalong liliyab yan!" singhal ng isa sa pagkataranta kasi ng isa ay ang damit nito ang ginamit sa pagpatay ng apoy. Maya maya pa ay unti unti nang namatay ang apoy. Pawis na pawis ang mga ito at pawang may dala dalang mga timba at tabo. "Ano ba ang nangyari bakit nasunog?" tanong ng isa sa akin. "Di ko po alam e nagising kami kanina na umaapoy na." sagot ko. Iniwasan kong maglikot ang mga mata ko baka mabuko akong nagsisinungaling ako. "Pambihira akala ko natusta na ang mga bihag natin! o teka bakit dalawa nalang kayo? nasaan ang isa?" tanong sa akin ng kalbo. "Malay ko! ikaw ang bantay e!" katuwiran ng isa. Malamang sa mga sandaling ito ay nasa may kalsada na si Jam. Panigurado ay bibilisan nito ang pagtakbo sana lang ay ligtas na ito sa mga sandaling ito. "Nakalayo na kaya siya?" untag ni Ate Lira. Nakalabas na ang nagsisihan na mga dumukot sa kanila. "Sana, para makaligtas sila ng baby nya." sagot ko dito. Balak nilang hintayin ang pagdating ng mga mastermind sa pagdukot sa kanila. Gusto niyang malaman kung sino ang nasa likod ng mga ito, although may ideya na siya ngunit mas maigi na makita mismo ng kanilang mga mata. Nang sumunod na araw ay dumating ang utak ng pandudukot sa kanila. Ang socialite na si Precy kilala ito bilang anak ng bilyonaryo. Bilyonaryong durogista kilala bilang isa sa nagmamay ari ng malaking produksiyon ng droga sa boung Asya. Ipinagpapasalamat niya na hindi gaanong napabalita ang kaugnayan niya kay Kairo. Kasi kung malalaman nito na asawa din siya ng isa sa pinakamayamang negosyante at hotelier sa Asia malamang baka doblehin ang bantay nila. Mas mahihirapan silang takasan ang mga bantay di naman sila pinabayaan sa pagkain. Kaya naman ay may lakas sila upang makatakas mula sa mga ito. Kinagabihan ay nagpasya na kami ni Ate Lira na isagawa ang pagtakas namin mula sa kamay ng mga kidnapper namin. Sa tulong ng butas na ginawa ng sunog ay nagawa namin na makalabas mula sa maliit na butas kahit pa nga marami ang uling di nila iyon alintana ang tanging mahalaga sa kanial ay ang kagustohan nilang matakasan ang mga taong dumukot sa kanila. Medyo nag aalala ako kay Ate Lira dahil alam niyang di ito sanay na tumakbo. "Ate Lira, di tayo tatakbo lakad lang ng mabilis upang di tayo agad na hingalin." sabi ko dito. "Oo, I think malayo na din naman tayo." sagot nito. Masukal ang daan patungo sa pump boat na namataan niya kanina pagdating ni Precy at ng ina nito. Mataas ang tubig sa bahaging iyon ngunit di siya takot sa tubig she has a training in water. Ang inaalala niya ay ang hipag lalo at alam niyang di ito marunong lumangoy. "Itutulak natin to Ate Lira, para lumutang!" mahina kung sabi dito. Agad naman naming itinulak at dahil mataas na ang tubig ay malapit lang ang pinagtulakan namin. Nagsagwan lang kami palutang lutang nang ilang metro na ang layo namin sa nagkakasayahang mga bantay ay muli kaming lumingon. Walang nakapansin sa aming ginawang pagtakas. Nakahinga siya ng maluwag alam niyang makakaya na nila ang makasurvive. Bumaba kami sa mataong lugar na tila fiesta natabunan pa ako ng bangka nh tangkain kung itaob upang isipin ng mga dumukot na patay na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD