Hindi na kumakain si Savanna, nagkulong siya sa kanyang kuwarto kahit ang anak niya ay pinabayaan niya na. Ayaw niyang pakinggan ang mga sinasabi ng kaniyang ama. Dalawang buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin siya naka-move on kay Marcos.
"Anak tama na 'yan, baka nakalimutan mo ang mga sinasabi ko sa iyo noon. Hindi ako nagkukulang sa pagpaalala sa iyo, na baka may pamilya ang lalaking iyon! Ngayon magmukmok ka lang ba diyan? Imbis na alagaan mo ang anak mo at ang business natin, pero para kang nawawala sa sarili mo. Kalimutan mo na si Marcos wala ka nang karapatan sa kaniya!"
"Daddy meron akong karapatan lalo na ang anak kong si Enzo! Siya ang ama ng anak ko dad."
"Pero burado na kayo sa alaala niya. Hindi ka nga niya naalala 'di ba? Anak tapos na ang panaginip mo gumising ka na, isipin mo si Enzo kailangan ka ng anak mo! Bumangon ka at ipakita mo sa lalaking iyon na kaya mong mabuhay kahit wala na siya. Anak matanda na ako, nag-alala ako sa inyong dalawa ni Enzo. Gamitin mo naman ang utak mo kalimutan mo na si Marcos!"
"Tulungan mo ako daddy, puntahan natin siya, kahit na magmakaawa ako sa kaniya para bumalik siya sa atin. Miss na miss ko na siya eh. Hindi ko kayang tuluyang mawala siya sa akin."
"Tumigil ka na Savanna wala ka na sa tamang pag-iisip alalahanin mong meron kang anak. Alagaan mo siya dahil siya lang ang magbibigay sa 'yo ng totoong pagmamahal! Ikakasal na si Marcos sa girlfriend niya. Kung ako sa 'yo kalimutan mo na siya."
"Hindi siya puwedeng magpakasal dahil kasal kami sa simbahan. Puwede ko siyang ipakulong kapag pakasalan niya si Vanessa. Daddy hindi ako magpatalo mas may karapatan kami ni Enzo dahil legal ang kasal namin!" galit na wika ni Savanna tumayo siya at lumapit siya ky Enzo na kasalukuyang naglaro sa crib nito.
"Anak, bawiin natin ang daddy mo. Tayo ang may karapatan sa kaniya anak sa oras na tanggihan tayo ng ama mo, humanda siya sa akin. Hindi ko hayaang maging masaya siya kasama ang malditang Vanessa na 'yon! Ipaglaban ko ang karapatan mo anak. Dugo niya ang dumadaloy diyan sa katawan mo, kaya hindi siya puwedeng magtago sa atin." Seryosong wika ni Savanna, pinunasan n'ya ang kanyang luha at humarap siya sa salamin.
"Anak ano ang plano mo? Sana lang sa gawin mo ay hindi mapahamak ang anak mo! Mayaman tayo anak, may pera ka mas mayaman ka pa nga kay Marcos dahil kasama mo ang anak mo."
"Daddy, gusto kong bawiin si Marcos. Gusto ko siyang bumalik dito sa isla. Akin lang siya daddy. Kasal kami may karapatan akong maghabol sa kanya."
"Hindi kawalan si Marcos anak, sa gawin mo maaaring maraming madamay. Maraming masaktan at hindi ka bulag nakita mo naman siguro na ang pangit ng ugali ng fiancee n'ya. Paano kung saktan ka ng babaeng 'yon? Paano kung kasuhan ka n'ya dahil tinago natin si Marcos dito sa isla?
"Labanan ko sila daddy. kahit saang korte pa kami magkita hindi ko sila aatrasan."
"Sana anak makinig ka sa akin ama mo ako natatakot ako sa plano mo. Manahimik ka na lang at alagaan ang anak mo. At ang resorts natin. Balang araw makilala na tayo sa buong mundo, at hindi mo na kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking iyon, hayaan mong hanapin ka niya. Darating ang araw na ma-realize ni Marcos na meron kulang sa pagkatao n'ya." seryosong wika ni Eduardo habang nakatitig kay Savanna.
"Paano niya ako hanapin daddy kung nakabantay ang bruhang babaeng iyon! Alam kong masama ang ugali ni Vanessa imposebling hindi siya nagkaroon ng boyfriend."
"Anak tatlong taon siya dito sa isla maalala niya rin balang araw ang mga bagay na nakasanayan niyang gawin dito sa isla. At ikaw ayokong yumuko ka sa kanila turuan mong maging matigas ang puso mo dahil 'yan ang higit mong kailangan ngayon. Huwag na huwag kang magmakaawa nang kahit na sino para mahalin ka. Tandaan mo anak nag-iisang anak lang kita. Nang namatay ang ina mo ay wala akong ibang ginagawa kong 'di ang ibigay sa iyo ang atensyon ko."
"Daddy alam ko naman eh. Kaso hindi ko maturuan ang puso ko daddy eh. Hinahanap-hanap po n'ya si Marcos." turan ni Savanna habang tinuturo n'ya ang kanyang dibdib.
"Hindi kita hinayaang saktan ng iba. Inaalay ko sa 'yo ang buhay ko, at hindi ako nag-asawa ng iba dahil natatakot ako na baka saktan ka nila. Kaya kahit matagal na akong mag-isa sa buhay na walang kasamang mag-alaga sa 'yo lahat nang iyon ay tinitiis ko. Kasi masaya ako eh. Dahil kasama ko ang kayamanan ko ang aking nag-iisang prinsesa. Alam mo ba anak kung nasaktan ka dahil iniwan ka ng lalaking mahal mo. Ako ang mas higit na nasaktan eh. Kasi sayang lang ang mahabang panahong minahal at inaaruga kita pero isang lalaki lang pala ang nagwasak ng puso mo. Kahit lamok ay hindi ko pinayagang dumampi diyan sa balat mo tapos isang lalaki lang ang dahilan para sirain mo ang kinabukasan mo. Anak siguro naman matalino ka 'di ba?"
"Daddy nasasaktan po ako. Siya lang ang lalaking minahal ko. Nahihirapan akong mag-move on kasi nasanay na akong mabuhay na kasama si Marcos." umiiyak na wika nito.
"Nasasaktan ka lang pero hindi niya bitbit ang puso at utak mo. Kung hawak mo pa ang puso mo anak, hanapin mo kami ng anak mo kung nandiyan pa ba kami sa puso mo. Kasi kung nandiyan pa kami, kailangan mong lumaban para sa aming dalawa ni Enzo. Kasi kung iniwan ka ni Marcos kami ng anak mo hindi ka namin iiwan nandito lang kami sa tabi mo. Huwag mong hayaang pati kami ay mawala sa 'yo. Mahalin mo ang mga taong kasama mong umiiyak at kasama mong nagdurusa. Huwag mong bigyang pansin ang taong iniwan ka na." umiiyak na turan ni Eduardo. Saka natauhan si Savanna lumapit siya sa kaniyang ama at niyakap niya ito ng sobrang higpit. Humagugol siya nang iyak sa balikat ng kanyang ama.
"Daddy. I'm sorry po. Nakalimutan ko ang sakrapisyo ninyo sa akin, patawarin niyo po ako dad kung nagpokus ako sa taong nanakit sa akin. Nakalimutan kong nandito pa kayo ni Enzo na nagmamahal sa akin. Pagmamahal na hindi kumukupas at hindi mabubura. Pagmamahal na hindi maagaw nang kahit na sino." wika ni Savanna habang umiiyak.Tinapik ng ama n'ya ang kaniyang likod pinalakas ni Eduardo ang loob ni Savanna, dahil nakita niyang muntik na itong nawala sa sarili. Ayaw niyang gumawa ng masama si Savanna dahil natakot siyang madamay si Enzo.
Pumasok si Savanna sa banyo para mag-shower gusto niyang burahin sa kaniyang utak si Marcos.
"Humanda ka sa akin Marcos. Hindi ako papayag na maging masaya ka samantalang ako ay nagluluksa! Hanapin kita at durugin ko ang puso mo!" bulong ni Savanna sa kaniyang sarili.