CHAPTER 6

1258 Words
Wala nang magawa pa ang ama ni Savanna. Pinakasal silang dalawa ni Sherwin simpleng kasal lang at ang malapit na kamag-anak lang ang kanilang iniimbitahan. Nagpatuloy pa rin sa pag-aaral si Savanna kahit buntis siya. Ayaw n'yang biguin ang kanyang ama sa ikalawang pagkakataon. Masaya silang namumuhay ni Sherwin hanggang sa manganak siya nang batang lalaki. Mas lalong minahal siya ni Sherwin dahil meron na silang anak lumipas ang dalawang taon ay lumaki na rin ang kanilang resorts mas marami pa ang kanilang customer nadagdagan na rin ang kanilang mga cottages at mas pinaganda pa nila ang kanilang hotel. Attractive na ito sa mga taong hilig mag-outing at magbakasyon. Mas dumagsa ang mga turista. Naging turist guide na rin si Sherwin para dagdag ng kanilang income . "Babe, huwag mo nang gawin 'yan hindi na kailangan marami naman tayong ipon saka mas gusto ko dito ka lang sa tabi ko alam mo namang hindi pa bumalik ang memory mo 'di ba? Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang takot." "Okay babe, ayokong mag-alala ka sa akin. Kaya lahat nang sasabihin mo ay susundin ko." Nakangiting wika ni Sherwin at hinalikan n'ya si Savanna sa labi. "Ang sweet naman ng asawa ko. Kaya mahal na mahal kita eh. Kasi lahat nang mga sinasabi ko ay sinusunod mo." wika ni Savanna habang yakap-yakap si Sherwin. Kinabukasan ay inutusan ni Savanna si Sherwin na bumili ng gatas ni Enzo. Naubusan kasi ito ng stock. Bago umalis si Sherwin ay lumapit siya kay Enzo at niyakap n'ya ang bata. At humalik siya sa labi ni Savanna. "Babe, mag-ingat sa pagmaneho ha. I love you babe." wika ni Savanna at niyakap n'ya si Sherwin. "I love you too babe. Mag-ingat ako para sa inyo ni Enzo." pag-alis ni Sherwin ay pumasok na si Savanna sa opisina. Sumapit ang hapon ay hindi pa rin umuwi si Sherwin nagtaka siya dahil malapit lang naman ang grocery. Pero hindi pa rin 'to bumalik. Tinawagan n'ya ang cellphone nito pero hindi ito nagri-ring. Nataranta na si Savanna at lumapit siya sa kanyang ama na kasalukuyang nag nabilang ng pera. "Daddy nag-alala na po ako hindi pa bumalik si Sherwin. Bumili lang po siya ng gatas ni Enzo naubusan kasi ng stock at wala si yaya kaya si Sherwin ang inutusan ko. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." natarantang turan ni Savanna habang pabalik-balik nang lakad. "Anak relax baka nasiraan ng kotse teka lang ha, may utusan akong sunduin si Sherwin. " Tinawag ni Eduardo ang kanyang driver at siya na mismo ang sumama para sunduin si Sherwin. "Anak, dito ka lang ako na ang bahalang magsundo kay Sherwin. Baka nasiraan 'yon. Bago umalis ang kanyang daddy ay meron tumawag sa cellphone ni Savanna. Nagulat ang kanyang ama nang nabitawan ni Savanna ang cell phone at sunod-sunod na pumatak ang mga luha nito. "Anak, anong problema? Bakit ka umiyak?" nagtakang tanong ni Eduardo. "Daddy samahan n'yo po ako puntahan natin si Sherwin sa ospital. Nadisgrasya siya dad, bumangga ang kotse n'ya." "Ano? Halika na puntahan natin siya. Tawagan ko lang si yaya para alagaan si Enzo." Hindi mapakali si Savanna nag-alala siya sa kanyang asawa. Nang dumating sila sa ospital ay diretso sila agad sa emergency. Nagulat sila nang yaka-yakap si Sherwin ng isang doctor. Lumapit siya at tinanong n'ya kung kumusta ang kanyang asawa. "Doc, kumusta na po ang asawa ko? Sherwin babe okay ka lang ba? Umiyak si Savanna at yumakap siya kay Sherwin pero nagulat siya dahil hindi na siya nakilala nito. "Babe, okay ka lang ba? Anong nangyari sa 'yo? May masakit ba sa 'yo? " umiiyak na turan ni Savanna. Pero tinitigan lang siya ni Sherwin na parang hindi siya kilala nito. Nang yakapin n'ya si Sherwin ay nagulat siya nang tinulak siya nito. "Sherwin anong nangyari sa 'yo bakit mo tinulak ang anak ko? Alam mo bang hindi 'yan mapakali iyak nang iyak dahil nag-alala sa 'yo tapos ganyan ang gawin mo sa kanya?" turan ni Eduardo kay Sherwin, nagalit siya dahil nasaktan siyang makitang tinulak ang kanyang anak. "Hindi Sherwin ang pangalan ko. Ako si Marcos Sebastian. Sino po ba kayo hindi ko kayo kilala. Honey sino sila?" tanong nito sa doctor na nag-alaga sa kanya. "Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis, alam ba ninyo kung sino si Marcus? Siya ang pinaka-popular na businessman at isang maimpluwensyang tao. Pero bakit ninyo siya tinago? Halos tatlong taon kaming nagluluksa ang akala namin ay patay na siya, pero tinago lang pala ninyo?" galit na wika ng doctor. "Niligtas namin siya ni daddy, bumagsak ang helicopter sa lugar namin at ako ang nakakita sa kanya, nagkaroon siya ng amnesia at hindi n'ya alam kung ano ang pangalan n'ya at kung sino siya. Paano namin siya ibalik sa 'yo ni hindi kita kilala!" "Hindi kayo tumawag ng pulis? At pinaalam na meron kayong nakitang tao sugatan at sunog ang katawan? Hindi ba ninyo iniisip na may pamilya ang taong nakita ninyo? Oo malaki ang utang na loob namin sa inyo dahil binuhay ninyo siya, at inaalagaan. Pero hindi makatarungan ang ginawa ninyo sa kanya tinago ninyo siya. Kung ayaw ninyong ipakulong ko kayo huwag na huwag na kayong magpakita sa boyfriend ko. Ako si Vanessa halos mamatay ako sa sobrang sakit nang mawala si Marcos alam ba ninyong dapat ikasal na kami kaso na-crush ang helicopter na sinasakyan n'ya?" nagulat si Savanna sa kanyang narinig at lumapit siya kay Sherwin. "Babe, ako si Savanna nagmamahalan tayo. Mahal na mahal mo ako eh. Tingnan mo ako babe, titigan mo ang mga mata ko baka sakaling maalala mo ako." niyakap ni Savanna si Marcos pero sa ikalawang beses na tinulak siya nito. At muntik pa siyang bumagsak sa sahig, mabuti na lang ay nahawakan siya ng kanyang ama. "Maraming salamat po sa pag-alaga ninyo sa akin sir, pero I'm sorry wala akong maalala sa inyong dalawa. Sana mapatawad ninyo ako. Utang ko sa inyo ang pangalawang buhay ko hayaan po ninyong pasalamatan ko po kayo nang buong puso. Miss I'm sorry kung ano man ang meron tayo kalimutan mo na 'yon meron akong fiancee at ikakasal na kami bago pa ako maaksidente. Patawarin mo ako miss. Sana maintindihan ninyo kung uuwi na ako sa totoong pamilya ko." Wika ni Marcos, nakaramdam siya ng awa kay Savanna pero kahit konti ay wala siyang maalala. Humagulgol nang iyak si Savanna at lumapit siya sa doctor at nakiusap. "Maawa ka sa akin. Puwede bang akin na lang si Sherwin? Mahal na mahal ko siya. Siguro sa loob ng tatlong taon ay naka-move on ka na 'di ba? Sigurado akong burado na siya sa puso mo? Baka nga meron ka nang ibang mahal. Kasi ang sabi mo, ang akala ninyong lahat ay patay na siya kaya alam kong burado na siya sa puso mo." "Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin 'yan!" isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Savanna. Nagulat si Eduardo sa ginawa ng doctor kaya dinuro n'ya ito. "Wala kang karapatang saktan ang anak ko! Naintindihan kita pero wala kang karapatang manakit dahil wala ka sa posisyon ng anak ko! Nasaktan siya dahil hindi na siya kilala ng lalaking una n'yang minahal!" halika na anak. Hinila ni Eduardo si Savanna para lumabas na sa emergency room. Humagulgol nang iyak si Savanna pero wala na siyang magawa dahil hindi na siya kilala ni Marcos. Hindi siya makapaniwalang wala na siyang puwang sa puso nito. Saksi ang kanyang ama kung gaano siya kamahal ni Marcos, hindi man lang n'ya nasabing meron silang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD