Marcos kumusta na ang pamilyang umampon sa 'yo? Dalawang buwan na ang nakalipas, pero hindi mo pa rin ako dinala sa kanila. Gusto ko silang pasalamatan dahil niligtas nila ang buhay mo. Baka sabihin ng mga tao na wala tayong utang na loob." "Mommy, hindi ko na po matandaan ang lugar na iyon, at ayaw na rin ni Vanessa na balikan ko pa ang lugar, kung nasaan ako napadpad ayaw niya ring magkita pa kami nang babaeng nagsabing asawa n'ya raw ako." seryosong turan ni Marcos sa kaniyang ina. "Asawa? Ang ibig mong sabihin ay habang meron kang amnesia ay nagkaroon ka ng asawa? Marcos posibleng nagkaanak kayo ng babaeng iyon. Sa loob ng tatlong taon na magkasama kayo ng babaeng iyon imposibleng hindi kayo nagkaanak." saad ni Marcela natuwa siya nang marinig na nagkaroon ng asawa si Marco. "Mommy