"Savanna, anong plano mo ngayon?" tanong ni Eduardo nakita kasi niya si Savanna na pabalik-balik ng lakad habang nakatingin sa malayo. Habang hawak nito ang baso na meron laman na wine. "Daddy, wala meron lang akong iniisip. Ngayong malaki na ang profit ng ating business ay mas maganda siguro kung maghanap ako ng mga investors para mas lumaki pa ang ating business." nakangiting wika ni Savanna sa kaniyang ama. Alam ni Eduardo ang attitude ni Savanna, kapag may hawak itong wine ay meron itong tinatagong sakit at plano sa puso nito. "Anak, maganda ang plano mo. Kaso ang gusto ko ay saka na natin gawin iyan kapag tuluyang maghilom na ang sugat diyan sa puso mo. Sana lang balang araw ay makita ko na ang totoong mga ngiti mo." malungkot na wika ni Eduardo. "Huwag kang mag-alala daddy, dar