Chapter 27

1154 Words
James Dalawang araw hindi ko nakita si Ivy hindi ko rin alam kung nasaan na siya ngayon.Basta ko na lang kasi itong iniwan sa condo nong nakaraan gabi. Binili ko ang condo para sa sarili ko minsan kasi gusto kong mapag-isa. Inisip ko rin kapag umuwi na si Kamila sigurado ako na sa bahay niya dadalhin ang mga kaibigan niya. Kaya nagpasya akong bumili ng condo,napahinga ako ng malalim inabot ko ang aking cellphone. Napabalikwas ako ng bangon si Eliza tumatawag pala,s**t naka silent ang phone ko kaya hindi ko narinig ang ring nito. Nakahiga pa ako,tinawagan ko si Eliza isang ring palang sinagot na niya. "Hello Babe!Good morning,kumusta ka na kagigising mo lang ba?" Masayang bungad sa akin ng dalaga huminga ako ng malalim bago nagsalita. Im fine baby I miss so much! "I miss you more babe.Bakit parang malungkot ka,may sakit ka ba?" I love you baby wala akong sakit,I just missing my baby so much. "Hmm... Binubola mo na naman ako,I'm sorry sobrang busy ko this week promise babawi ako.Next month bakasyon na namin kaya makakapag-usap tayo ng maayos." Malambing nitong saad,gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero wala akong lakas na loob,natatakot ako baka iiwan ako ni Eliza.Napatingin ako sa pintuan si ate Rose kumakatok. "Hijo,may naghahanap sa'yo dito sa labas." Baby,tatawagan kita ulit may bisita yata akoI love you."Okay babe I love you more!" Pinatay ko na ang tawag at tumayo,naglakad ako papunta sa pintuan.Pagbukas ko galit na mukha ni Ivy ang sumalubong sa akin. "Kaya pala hindi ka na umuwi sa condo dahil dito ka na pala tumira,hindi mo man lang ako tinawagan para hindi ako mag alala sa'yo?Kung saan-saan na kita hinahanap nandito ka lang pala." Lumabas ako at sinara ang pinto ng aking kuwarto.Mahigpit ko siyang hinawakan sa kamay,hinila ko siya pababa ng hagdan at pumasok kami sa library. Pabalibag ko siyang pinaupo sa sofa.Wala kang karapatan na sigawan ako sa sarili kong pamamahay,kung gusto mong respitohin kita,respitohin mo rin ang desisyon ko Ivy. Sumabog na ako sa galit kung hindi lang bawal ang manakit ng babae binugbog ko na ang babaeng ito. "Kaya ba nandito dahil may tinatago ka sa akin?"C'mon Ivy kung may tinatago man ako sa'yo,none of your business. Bahay ko ito kaya malaya kong gawin ang gusto ko. Bakit hindi ka na lang manahimik para magkasundo tayong dalawa.Ito ang tandaan mo hindi tayo mag asawa para alamin mo ang lahat ng lakad ko. Besides ito naman ang gusto mo diba?Ikaw ang nag desisyon nito hindi ako. "James?Ano ba ang dapat kung gawin sabihin mo sa akin." Just leave me alone,iyon lang ang solusyon para mamuhay tayo ng tahimik. Ikaw ang nakaka alam kung anong gusto ko Ivy,huwag mong sagarin ang pasensya ko.Oras na maubos ang pasensya ko sa'yo tapos na ang lahat ng pinaghirapan mo tandaan mo iyan. Tumayo siya at matapang akong hinarap! "Alam mo rin James kung anong kaya kong gawin oras na tumanggi ka sa kasal natin." Huwag mo akong takutin Ivy!"Bakit James natatakot kaba?" Umalis ka na sa pamamahay ko habang may natitira pa akong respito sa'yo. Nanginig ang kalamnan ko sa galit nakangisi naman si Ivy sa akin pero nakikita sa mga mata niya ang takot. "Hindi mo ako matatakot James nangako ka kay Daddy na pakakasalan mo ako" Umalis ka na!Malakas kong sigaw sa kanya,nakita ko tumulo ang luha niya at nagmamadaling umalis.Napahawak ako sa aking sintido sumasakit ito. Buong araw nagkulong ako sa library hindi ko maiwasan mag isip dahil oras na malaman ni Eliza ang lahat hindi ko alam kung anong mangyayari sa relasyon namin. Napatingin ako sa aking cellphone sinagot ko ito ng hindi inalam kung sino ang tumatawag."Kuya James!Totoo ba ang balitang kumalat ngayon?"Galit na bungad ni Kamila sa kabilang linya. "Bunso magpapaliwanag ako."Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Kamila. "Alam na ba ito ni Eliza Kuya?"Kamila please ako magsasabi sa kanya. "Habang busy ako sa pag a-aral marami na palang nangyayari sa'yo diyan."Ni hindi mo man lang sinabi sa akin kung anong dahilan ang lahat ng ito. Malungkot niyang saad."I'm sorry bunso ipapaliwanag ko naman sa'yo ang lahat, huwag ka mag alala hindi ko hahayaan na masira ni Ivy ang pangalan ko. "Hindi ako nag alala sa'yo kuya si Eliza ang ina-alala ko paano kong malaman niya ang totoo,masasaktan iyon?" Ang mabuti mong gawin ngayon tulongan mo ako kausapin mo siya. "Okay,mag-ingat ka kuya tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong."Salamat bunso bye. Kinabukasan maaga pa lang nasa opisina na ako."Excuse me po,Sir James may bisita po kayo. Napatingin ako kay Girly na ngayon nakatayo sa harapan ko."Si Mr.Faustino raw po."Agad akong tumayo!Girly papasukin mo. "Good morning Hijo."Nakangiti si Mr.Faustino habang papalapit sa akin. Good morning po Mr.Faustino,inabot ko ang kamay niya at iginiya sa malaking sofa para maka-upo. "Maraming salamat.Hijo nandito ako para mailipat na sa pangalan mo ang kompanya alam kong busy ka kaya ako na mismo ang nagpunta dito." Ngumiti ako sa kanya at magalang na tumango,kasama nito ang kanyang Abogado,inisa isa ni Attorney Baltazar ang mga dapat kong gawin. Nang matapos kami agad na rin silang nag paalam.Pero bago umalis ang matanda nakiusap ito sa akin. "Hijo ikaw na ang bahala sa anak ko,kung dumating man ang araw na mawala ako sana huwag mong ipagkait sa kanya ang pangarap niya na makasma ka,alam kong mabait kang bata maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa amin lalo na sa anak ko."Naguluhan ako sa ibig sabihin ni Mr.Faustino. Magsasalita sana ako ngunit mabilis na inalalayan ng kanyang mga security guard palabas ng opisina ko. Napahinga ako ng malalim at naupo ulit sa swivel chair.Sa ilang taon namin nagsama sa negosyo napamahal ako kay Mr.Faustino masasabi kong mabuti siyang tao. Tinuring ko siyang ama,naalala ko noong nagsisimula pa lang ako siya ang gumagabay sa akin,hindi niya ako pinabayaan.Hindi ko namalayan ang oras hapon na pala nag doble tsek ako sa mga sales habang naghihintay sa oras. Busy si Sandro sa pag-asekaso ng Kamila's Hotel kaya ako lang mag isa dito sa opisina ko. Gusto kong tawagin si Eliza kaya lang pinangunahan ako ng takot.Napasabunot ako sa sariling buhok kanina pa ako naghihintay sa tawag ni Erick,malalim na ang gabi kaya nagpasya akong umuwi na.Sobrang tahimik ng kalsada kaya mabilis lang akong nakarating sa bahay. Nag ring ang cellphone ko,dinampot ko ito at sinagot. "Good morning Sir James nagawa ko na ang utos mo,wala na kayong dapat alalahanin."Huminga ako ng malalim,maraming salamat.Erick,i will send you the payment now in your account. Pinatay ko na ang tawag at nagbihis ng pantulog,kabababa ko lang ng phone ko tumawag naman si Ivy. Napamura ako sa inis,hindi ko ito sinagot.Ayaw naman tumigil sa kakaring ang cellphone ko,ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito. Ivy,gabi na kung may sasabihin ka puwidi ipagbukas mo na lang? "James,si Daddy!"Napatayo ako umiiyak si Ivy sa kabilang linya. Ivy,what happend?"Si Daddy James iniwan na niya ako."Umiiyak niyang saad,Ivy huminahon ka papunta na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD