James
Parang kaylan lang nasa Pilipinas ako ang bilis ng araw isang buwan na ako dito sa US.Namiss ko si Eliza buong araw hindi ko siya naka usap.
Exam ng dalaga kaya hindi ako tumawag sa kanya ayokong maistorbo siya.Masaya ako dahil nagsusumikap si Eliza sa pag-aaral.Sa panahon kasi ngayon bihira na lang ang mag seryoso sa pag-aaral.
Baby,balang araw makakamit mo rin ang mga pangarap mo sa buhay bulong ko sa saril ko.
Napabuntong hininga ako ang hirap ng Long Distance Relastionship ang araw nagiging taon na.Kanina pa ako nakatulala hindi mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Mr.Faustino. Napasabunot ako sa sariling mukha hindi ko alam kung tama ba ang magiging desisyon ko.
"Boss,mamaya na iyan magpahinga ka muna."Saway ni Sandro sa akin simula kaninang umaga hindi pa ako tumayo dito sa kina u-upuan ko.Marami akong tinatapos na paper work's hindi rin ako maka fucos sa trabaho dahil sa mga bumabagabag sa isip ko.
Tinawagan ko si Girly para ipagtimpla ako ng kape,maya maya lang pumasok siya."Sir,kape n'yo po."Sabay ngiti niya tumango ako at nagpasalamat.
"Have a good day!" Hindi ako tumingin sa taong kakapasok lang alam ko na kasi kung sino."I miss you Love." Napahinga ako ng malalim sabay lapag na hawak kong kape.Anong kailangan mo?Masyado pang maaga para sirain mo ang araw ko.Tiim bagang kong wika.
"Dumaan ako dito para ibigay sayo ito!"
Inabot niya sa akin ang isang invitation card,napa-angat ako ng tingin kay Ivy
hindi ko tinanggap ang card,kaya inilapag niya iyon sa mesa."Be ready tonight,kailangan ka ni Daddy."Nakangiti si Ivy bago umalis sa harapan ko,nang maka-alis ang dalaga binuksan ko ang invitation card.Kaarawan pala ni Mr.Faustino ngayon,walang nabanggit ang matanda sa akin.
Sandro,may pupuntahan tayo mamayang gabi maghanda ka ng regalo para kay Mr.Faustino.
"Okay Bossing!"Nakangiting saad ni Sandro sa amo nito.Alas dose na kaya nagpasya kaming kumain muna ni Sandro."Boss kailan ka bibisita sa Kamila's Hotel."Basag ni Sandro sa katahimikan,masyado kasing seryoso ang kanyang Boss kaya naghanap siya ng paraan para maging masaya ang paligid.
Pakisabihan ang mga tauhan this week,marami pa bang kulang sa Hotel Sandro?"Sa tingin ko Boss mas makakabuti kong ikaw mismo ang pupunta para alam mo kung ano ang dapat mo pang idagdag."Magalang na sagot ni Sandro kanina pa niya napapansin na balisa ang amo pero nanatili siyang tahimik.
"Salamat Sandro!"Hindi alam ni Sandro kung ano ang bumabagabag sa amo. Makikita ang sobrang lungkot sa kanyang mata kaya nabahala siya. Malapit na ang birthday ni Kamila kailangan matapos natin ang lahat.
Nagpunas na ako ng labi at tumayo agad,bumalik na kami sa opisina nag messeges ako kay Eliza na tatawagan ako kapag free na siya.
Hindi na ako nagsayang ng oras dahil may lakad pa kami ni Sandro."Make sure na kompleto ang dadalhin natin please paki doble tsek."Utos niya.
"Yes Bossing kompleto na ang lahat."
Eksaktong alas sais nasa venue na kami pagdating namin doon marami ng bisita. Karamihan sa mga bisita mga matatandang negosyante.Wala pa si Mr.Faustino kaya hinanap namin ang table na naka reserve sa aming dalawa ni Sandro.
Talagang pinag-handaan nila ang kaarawan ng matanda."Boss kahit nakasimangot kayo ang lakas parin ng dating mo."Nakangiti si Sandro panay kasi ang tingin ng mga kababaihan sa gawi nila."Hey,James you look handsome tonight darling."Sabay halik ni Leticia sa aking pisngi.Nailang naman ako dahil lahat sila nakatingin sa amin.
May edad na si Leticia pero malakas parin ang s*x appeal nito.Napalunok ako ng sumagi sa balat ko ang malaking dibdib nito.
"Hijo?"Nabitawan ko si Leticia agad naman lumapit sa akin si Ivy at niyakap ako ng mahigpit.Hindi pa siya nakontento hinalikan ako sa labi.
Masayang nakangiti si Mr.Faustino sa amin,biglang umiba ang awra nito ng makita si Leticia.Nakatitig si Mr.Faustino kay Leticia nagbabanta ang kanyang mga mata sa may edad na babae.
"I love you Love!"Hawak ni Ivy ang braso ko at nakatingin sa daddy niya,panay naman ilaw ng kamera sa harapan namin."Hijo ikaw na ang bahala kay Ivy,may emportanteng tao lang akong kakausapin."
"Sure Mr.Faustino!"Nakangiti ako sa matanda,tinapik niya ang balikat ko hawak niya sa kamay si Leticia at sabay na silang umalis.
Tinungo nila ang mesa kung saan maraming bisitang naka-upo.Agad ko naman tinanggal ang kamay ni Ivy na nakahawak sa akin."James gusto mo ng wine?"Napailing ako masyado pang maaga para maglasing,bumuga ako ng hangin sa sobrang inis kay Ivy.
Sandro huwag kang lalayo dito ka lang sa tabi ko.
"Masusunod boss huwag ka mag-alala"
Napatingin si Mr.Faustino sa gawi namin kaya ngumiti ako.Nagsimula na ang party,masaya nilang binati ang matanda hindi halata na(70) Si Mr.Faustino dahil sa taglay nitong kakisigan.
"Mr.Kao James nice to meet you here?"
Tumayo ako at kinamayan si Mr.Chao ang chinese na sikat rin sa larangan ng negosyo."Nice to meet you too Mr. Chao."Wow this is amazing,ito na ba ang mapapangasawa mo?"Yeah I'm Ivy Celine,James fiancee."Napakuyom ako ng kamao,dahil sa ginawa ni Ivy nag-ingay ang mga tao sa paligid. Lumapit na rin ang media at kinunan kami ng litrato."You look good together!"Dagdag pa ng intsik."Thank you so much."Nakangiti si Ivy,huminga ako ng malalim hindi ako makahinga sumisikip ang dibdib ko.
Matalim kung tiningnan si Ivy habang abot tainga ang ngiti nito.Nakaupo na sa harapan si Mr.Faustino,nagbigay siya ng maiksing mensahe at nagpasalamat sa mga taong dumalo sa kaarawan niya.
Lahat ng bisita nakinig sa kanyang nakaka-antig na mensahe.
Matapos niya magsalita nakita kong nagpahid ng luha si Mr.Faustino.Agad naman dinaluhan ng anak ang matanda at hinimas ang likod nito.
Napakasuwerte ni Ivy,dahil may ama siyang mapagmahal.
Lumapit na rin ako dahil tinawagan ako ni Mr.Faustino,umupo ako sa tabi ng matanda inalalayan ko itong makatayo.
Inabot ng matanda ang kamay ko at pinahawak sa kamay ni Ivy nagulat ako hindi ko ito ina-asahan.
"Sa lahat ng mga taong nandito gusto kong ipaalam sa inyo na si Koa James William na ang hahawak sa lahat ng negosyo ko.Kilala ninyo si James hindi kayo magsisi,mapagkatiwalaan siya."
Nakangiti si Mr.Faustino habang nagsasalita ramdam ko ang lungkot ng matanda.
Inabot ko ang kamay niya at pina-upo nanginig kasi ang tuhod nito."Hindi ako nagmamadali kung kailan ninyo balak magpakasal ang mahalaga nalaman ng buong mundo na ikakasal kayo."Mahina niyang saad sa akin.
"Congratulation Mr.James and Mis Ivy Celine"
Lahat sila sumang-ayon sa disisyon ni Mr.Faustino,hindi ako nakapagsalita,napako ang binti ko sa kinatatayuan ko ngayon.
Mabilis akong nag paalam sa kanilang lahat."Hijo maraming salamat sa lahat, mag ingat kayo,ingatan mo ang anak ko."
Nang maka-alis na kami sa lugar mabilis na pinatakbo ni Sandro ang sasakyan.
Sandro sa condo tayo!"Okay Bossing!"
Pumikit ako dahil sumasakit ang ulo ko,kanina ko pa hawak ang aking cellphone pero walang tawag o mensahe galing kay Eliza.
Ilang segundo dumating na kami sa condo."Love akala ko ba sa bahay mo tayo tutuloy?"Ivy please hindi ka puwidi sa bahay dahil sa susunod na buwan darating ang kapatid kong babae."Okay nagtatanong lang ako,hindi ka ba masaya ikaw na ang may ari ng kompanya ni Dad?"
Hindi ako kumibo bumaba na ako at iniwan sila ni Sandro sa loob ng sasakyan.Mabilis akong pumasok sa geust room at naligo,pagkatapos kong magbihis dumiritso ako sa mini bar. Inabot ko iyong pinakamatapang kong alak,naglagay ako sa baso at nilagok iyon.Gumapang ang pait sa lalamunan ko pero binaliwala ko lang.
Gusto kong maglasing ngayon gabi f**k this life sumigaw ako ng malakas at napaluhod sa sahig.
"Boss?Dahan-dahan lang masusunog ang baga mo."
Sandro!Si Ivy nasaan?"Pumasok na sa kuwarto mo!"
F*CK!Sinira ng babaeng 'yan ang pangalan ko.