Chapter 28

1244 Words
James Halos gumuho ang mundo ni Ivy ng mawala ang pinakamamahal niyang ama.Hindi ko rin sukat akalain na matatapos ang buhay ng matanda sa ganong paraan.Huling pagkikita na pala namin kahapon sa opisina,napahinga ako ng malalim naawa ako kay Mr.Faustino. Inambush ang sasakyan nila habang pauwi sila at ang masaklap sinadya ang pag patay sa kanya.Tinamaan sa ulo ang matanda kaya hindi na ito umabot sa hospital.Kung ano man ang motibo ng kalaban iyon pa ang aalamin ko.Lihim kong pina-imbistiga ang pagkamatay ni Mr.Faustino. Kumilos rin si Samuel para malaman kung sino ang kalaban ng ama nito. Hinaplos ko ang buhok ni Ivy limang araw na nakaburol ang daddy niya at bukas ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan."Ivy tahan na hindi masaya ang daddy mo kapag nakikita ka niyang ganito."Inilapag ko ang pagkain sa tabi niya ilang araw na rin siyang hindi kumakain.Isinantabi ko muna ang galit ko kay Ivy,dahil sa nangyayari.Ngayon ko lang nalaman na wala pala silang kamag-anak,puro mga malalapit na kaibigan ang dumalo sa burol.Ivy wala na ang daddy mo kailangan mong magpakatatag. "Ngayon mag-isa na lang ako hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay.Bakit mo ako iniwan Daddy?Ang daya mo sabi mo gusto mo makita na ikakasal ako. Madaya ka kung alam ko lang na ganito sana hindi na lang ako humiling sa'yo."Nag-uunahan ang mga luha ni Ivy habang yakap ang kabaong ng ama. Ivy,tama na iyan nandito ako para samahan ka."Diba ayaw mo rin sa akin?"Hikbi niyang wika,napatingin ako sa mukha niya na puno ng luha. Pasensya ka na sa akin huwag mo ng isipin iyon ang mahalaga nandito ako. Niyakap ako ni Ivy ng mahigpit at humagugol siya sa bisig ko,kaya gumanti na rin ako ng yakap. Kinabukasan matapos naming maihatid si Mr.Faustino sa kanyang huling hantungan,sinamahan ko si Ivy sa condo.Dito muna siya titira habang nag iimbistiga pa ang mga pulis sa pagkamatay ng Daddy niya. Kahit gusto ni Samuel na doon si Ivy sa condo nito pero umayaw ang dalaga. Naisip ko rin na sa akin hinabilin ni Mr. Faustino si Ivy kaya minabuti ko na sa condo ko muna siya titira.Sinama ko na rin ang kasambahay nila para kahit papano may makasama si Ivy.Tulala parin ang dalaga at palagi siyang umiiyak. "James okay na ako puwidi mo na akong iwan." Ivy I'm sorry!"Wala kang dapat ihingi ng sorry James hindi kita mapipilit kong ayaw mo sa akin,alam kung ginagawa mo ito dahil kay Dad." Huwag muna natin pag-usapan ang bagay na iyon ang mahalaga ngayon ligtas ka. Hindi na siya umimik ilang minuto ang lumipas narinig kong humihilik na ang dalaga.Hinayaan ko muna siyang makapag pahinga inayos ko ang ulo niya kinumutan at pinatay ang ilaw. Walang ingay na lumabas ako ng kuwarto,pagdating ko sa sala nakasalubong ko si Manang Mila,nakayuko ito sa harapan ko. "Hijo,kumusta si senyorita Ivy?"Nakatulogan niya ang pag-iyak Manang,aalis ako may pupuntahan lang kapag magising si Ivy pakisabi na umalis ako sandali. "Sige Hijo,ako na ang bahala kay senyorita." Nang maka-alis ako tinawagan ko si Sandro,papunta na rin ako ng opisina ngayon.Ilang araw na rin akong hindi pumasok,pagdating ko sa opisina masayang mukha ni Sandro ang sumalubong sa akin. "Bossing ang g'wapo natin ngayon may nangyari ba sa inyo ni Ivy?"Nakakalukong tanong ni Sandro sa amo nito.Sandro masamang biro iyan baka may makarinig sayo at sabihin nila na may ginagawa kami.Napabuntong hininga ako hindi ko napansin ilang araw na hindi nagparamdam si Eliza sa akin.Naging busy rin ako kaya hindi ko na siya natawagan. "Bossing kumusta si Eliza?"Dagdag pa ni Sandro.Nainis ako sa tanong ni Sandro alam naman niya na hindi kami nag usap."Baka nalaman niya ang ginawa mo kaya hindi ka na niya kinausap?"Taas kilay pa nitong wika,na para bang baliwala sa kanya ang pagdilim ng mukha ng amo. Nagpanting ang tainga ni James sa narinig.Sandro please lang huwag mong dagdagan ang iisipin ko ngayon,hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko tapos ito pa sasabihin mo sa akin.Mahinahon pero may diin ang bawat salita ni James,huminga naman si Sandro ng malalim."Ang sa akin lang Boss anong gagawin mo kapag nalaman ni Eliza?Kailangan ihanda mo ang sarili mo sa mga mangyayari." Ako naman ngayon ang bumuntong hininga,nakayuko ako habang hawak ko ang aking cellphone.Tatawagan ko sana si Eliza ng bigla naman tumawag si Ivy."Love nasaan ka?"Malambing nitong bungad kay James.Nasa opisina ako,Ivy kumusta ang pakiramdam mo?"I'm fine huwag ka mag-alala nandito lang ako sa condo hindi ako lalabas.Tama ka baka iyong mga taong pumatay kay Dad nasa paligid lang."Napatayo ako!Ivy?What you mean?"Nakausap ko ang mga pulis possible raw na kilala ni Daddy ang pumatay sa kanya papunta na ang mga pulis rito sa condo mo,may ibibigay raw,may nakita silang ebidensiya sa opisina ni Dad."Ganun ba? Sige pakisabi sa kanila hihintayin ako. Ivy naka-usap mo na ba si Samuel?Ilang minuto bago niya ako sinagot.Ivy?"Oo pinipilit niya akong tumira sa condo niya"Huminga ako ng malalim at nagpaalam kay Ivy,nagtataka ako kay Samuel pumunta siya sa burol ng Daddy niya pero sandali lang siya doon hindi ba siya gumawa ng paraan para mahuli ang pumatay sa Daddy nila? Tumayo ako at nag paalam kay Sandro, Aalis muna ako ikaw na ang bahala dito,hindi ko na hinintay ang sagot ni Sandro nagmamadali na akong lumabas ng opisina. Sunod-sunod naman ang tunog ng cellphone ko.Hindi ko ito pinansin,nang makarating ako sa aking sasakyan agad kung tiningnan ang mensahe. "Kindly tsek your E-mail!"Nalilito ako sa taong nag mensahe sa akin,unknown number.Anong mayro'n sa e-mail ko?Napahawak ako ng mahigpit sa manubela.Nanginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang e-mail lumantad sa akin ang sweet moment nila Eliza at Samuel.Parang may bumara sa lalamunan ko,kaya ba hindi na tumatawag si Eliza dahil palagi silang magkasama ni Samuel?Damn that bastard.Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Eliza ito habang wala ako.Hindi nadala ang gagong Samuel na iyon sa ginawa kong pambugbog sa kanya. "Mapapatay kita Samuel!"Kumuyom ang kamao ko sa galit dahil pinag samantalahan niya ang kahinaan ni Eliza.Ang buong akala ko pa naman exam ng dalaga bakit ngayon magkasama sila ni Samuel. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan, dumiritso ako sa bahay nanginig ang buong katawan ko sa galit. Pabalibang kong hinagis ang aking cellphone kanina pa ako tumatawaga kay Eliza hindi ito sumasagot. "Hello Ben nasaan ka?"Oh,kuya James napatawag ka?Hindi pa umuwi si ate Eliza kanina pa nga ako naghihintay wala pa siya hindi rin niya sinagot ang tawag ko." Okay Ben subukan ko ulit siyang tawagan,binabaan ko na si Ben dinayal ko ulit si Eliza nakahinga ako ng maluwang dahil sa wakas sumagot rin. "Salamat sa paghatid Samuel,mag-ingat ka."Parang dinurog ang puso ko sa narinig,nagseselos ako gusto kong murahin ang dalaga pero hinihintay ko ang paliwanag nito."Hello Babe?"Bakit kasama mo si Samuel?Galit kung tanong na may kasamang sigaw. Ganitong oras ba u-uwi ang matinong babae?Anong oras na,kanina pa nag alala ang kapatid mo sa'yo mas inuna mo pa ang sumama kay Samuel kaysa umuwi ng maaga?"James pagod ako please lang,kung mainit ang ulo mo sa akin bukas ka na lang tatawag at kausapin ako".Fuck pagod siya.Saan?Eliza!Malakas kung sinipa ang isang malaking flower vase dito sa sala.Eliza baby I'm sorry natauhan ako sa masamang salita na lumabas sa aking bibig.Kahit anong dayal ko sa phone niya naka switch off na ito pinatayan pala ako dalaga. Napasabunot ako sa sariling buhok,I'm sorry baby hindi ko sinasadya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot.Takot kay Eliza na baka nalaman na niya ang totoo. Napatulala ako nakatanaw sa labas,kanina pa tumutunog ang cellphone ko,si Ivy tumatawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD