Chapter 29

1222 Words
Eliza Last day ng exam ko ngayon kaya ramdam ko ang sobrang puyat at pagod. Ang bilis ng araw one week na pala kami hindi nag u-usap ni James.Bumuntong hininga ako,kahapon tumawag si ate Kamila,nagtanong kung nag-usap ba kami ng kuya niya. Napangiti ako dahil puro kalokohan ang mga pinagsasabi niya sa akin.Mas open ako kay ate Kamila kumpara kay ate Aila. Kahit sabihin natin na mahiyain akong babae pero nahuli ni ate Kamila ang kiliti ko.Kinukulit pa niya ako kung namiss ko ba raw ang kuya niya.Sinabi ko sa kanya ang totoo,tatlong buwan na kami magkalayo ni James wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang mga larawan naming dalawa. Minsan tinatabi ko na ito sa pagtulog, ganun ko ka mahal ang binata.Nitong nakaraan araw lang tiniis kong hindi siya tawagan o kausapin dahil may exam ako. Tinawanan ako ni ate Kamila dahil sa pagtapat ko sa nararamdaman ko kay James.Kinuwento ko rin sa kanya na binilhan ako ng kuya niya nang mga libro. Natawa ako dahil naalala ko iyong mga panty na binili ni James para sa akin, t-back pala iyon.At hindi ko alam kung paano susuotin hindi naman kasi masout dahil sobrang kulang sa tela. Mabuti na lang nag search ako,hindi naman talaga ako pamilyar sa ganong panty dahil ibang brand ang sinusuot ko. Ngayon natuto na ako dahil kay James,hapon na pala kaya mabilis akong naglakad papunta sa sakayan ng dyip. "Eliza?"Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likod. Samuel? Nagulat ako dahil bigla na naman siyang sumulpot ilang araw hindi ko siya nakikita.Inabot niya ang kamay ko at pinasakay sa magarang sasakyan na nakaparada sa labas."Let's go ihahatid na kita!" Mahinahon niyang wika,tumaas naman ang leeg ng mga kaklase ko dahil sa pagsundo ni Samuel sa akin. Agad akong sumakay dahil nakaka-abala kami sa daan,mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan.Sobrang bango at ganda ng sasakyan ni Samuel,nong nakaraan ibang sasakyan ngayon iba ulit. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kalsada,napansin ko malungkot si Samuel kaya hindi ako nakatiis nag tanong ako. "Samuel nag-away ba kayo ni ate Kamila?"Mabigat siyang bumuntong hininga sasagutin niya sana ako ng biglang tumunog ang phone niya. "Honey kumusta ka na I love you!"Malambing na boses ni ate Kamila sa kabilang linya."Hon,kasama ko si Eliza ihahatid ko muna siya sa kanila,I love you and I miss you so much mamaya tatawag ako."Okay Honey bye! Kinilig naman ako sa dalawa ngayon ko lang kasi narining ang sweet words nila sa isa't isa.Napangiti ako.Samuel,puwidi ba kuya na lang ang itawag ko sa'yo?Nahihiya kung tanong."Oo naman Eliza walang problema sa akin kung saan ka komportable."Salamat po kuya Samuel!Nalungkot ako sa nalaman na namatay pala ang daddy ni kuya Samuel kaya pala sobrang lungkot ng kanyang awra. Marami kaming napag usapan ni kuya Samuel,kaya hindi ko namalayan nasa bahay na pala kami. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin.Bumaba muna ako bago ko ito sinagot,si James ang nasa kabilang linya.Nagpaalam muna ako kay kuya Samuel bago ko kina-usap si James."Hello babe?"Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng sumigaw ito sa kabilang linya. Nagulat ako sa binata dahil ito ang unang pagkakataon na tinaasan niya ako ng boses.Hindi na ako nag paliwanag sa kanya,buong araw akong pagod dahil sa exam tapos ganito ang ibebentang niya sa akin?Napahinga ako ng malalim kusang namatay ang phone ko lowbat na pala.Nang maka alis si kuya Samuel umakyat na ako sa aking kuwarto, nasaktan ako sa sinabi ni James pero binaliwala ko na lang.Na miss ko si James pero galit siya sa akin,kaya minabuti ko na lang magpahinga. Nagising ako sa ingay at malakas na halakhak,minulat ko ang aking mata.Masayang mukha ni ate Kamila ang sumalubong sa akin,niyakap niya ako ng mahigpit gumanti rin ako ng yakap sa kanya.Umaga na pala?Gulat kong saad.Nakita ko kinuha ni ate ang mga damit ko sa closet, inisa-isa niya itong inilipag sa kama. Ate,anong ginagawa mo?Nagtataka kung tanong."Get ready aalis tayo!"Nakangiti nitong wika,saan tayo pupunta?"Basta maghanda ka dahil dalawang buwan tayong mawawala."Lumaki ang mata ko dalawang buwan?"Ayaw mo bang sumama sa akin?"Nakataas kilay nitong tanong.Hindi naman po sa ganun,pero hindi ako papayagan ni Mama,napatingin ako sa pinto pumasok si Mama."Kamila,hija bumaba na kayo kakain na,anak sige na mamaya na iyan baka lalamig ang pagkain."Sige po magkasabay naming sagot,tinalian ko lang ang aking buhok at nag bihis ng mahabang damit.Sabay na kaming bumaba ni ate,napansin ko mas lalo kang gumanda,komento ko sa kanya. Napangiti naman siya,pagdating namin sa dining nakaupo na silang lahat kami lang pala ang hinihintay nila.Nandito pala si kuya Samuel,binati ko siya bago umupo sa harap nila. Napapasulyap ako sa gawi nila,sobra pala mag asekaso si kuya Samuel kay ate Kamila.Nakaupo lang si ate na parang rayna,samantala si Kuya busy sa palalagay ng pagkain nito sa plato. Makikita sa mata ni ni kuya Samuel ang sobrang pagmamahal nito kay ate. Bigla kong na-alala si James ganito rin siya sa akin pati pagkilos ko iniingatan niya.Nanibago ako sa dalawang magkasintahan dahil ngayon ko lang sila nakitang magkasama.Pagkatapos kumain nag pasalamat si kuya Samuel kay mama nasarapan ito sa luto niya. Ma,okay lang ba sa inyo na sasama ako kay ate Kamila magbakasyon?"Basta mag-ingat ka doon hindi ako mag-alala dahil si Kamila ang kasama mo." Nakangiti niyang wika,halos tumalon naman ang puso ko sa sinabi ni Mama ibig bang sabihin pumayag po kayo?"Alam kong puro pag-aaral ang inaatupag mo,anak tama ang papa mo kailangan mong magpahinga muna. Maluha-luha akong lumapit kay mama at niyakap ko siya ng mahigpit.Maraming salamat po Ma,ito ang unang pagkakataon na pinayagan ako ng pamilya ko.Hindi kasi basta basta pumayag si mama ayaw nga niya na doon muna ako kay ate Aila dahil katwiran niya hindi pa ako tapos sa pag -aaral. Ngayon nakakapanibago,nakangiti ako habang nagliligpit sa kusina,pagkatapos kong magligpit umakyat na ako sa kuwarto,tatapusin ko ang paglagay ng mga damit sa trolley bag na pinahiram sa akin ni ate Kamila. "Eliza kapag tatawag si kuya huwag mo munang sagutin."Napalingon ako kay ate kakapasok lang niya sa kuwarto ko."Gusto kong surprisahin si kuya alam kong nagtataka iyon dahil ilang araw hindi ako nagparamdam sa kanya.Nakangiti si ate Kamila habang naka upo sa kama ko at naka de- k'watro."Lumaki naman ang mata ko,ibig bang sabihin,napatakip ako ng bibig."Yes Eliza pupunta tayo ng US.dadalawin natin si kuya total bakasyon naman ngayon. "Talaga po ate?"Kumislap ang mga mata ko,hindi ako makapaniwala.Basta 'yong bilin ko huwag mong sagutin si kuya,ayaw ko malaman niya na magkasama tayo at ang kuya Samuel mo." P-pero baka mas lalo lang siya magalit sa akin."Ako na ang bahala huwag ka mag-alala."Okay po ate!Talagang ayaw ni James kay kuya Samuel,mabuting tao naman siya?Hindi ko parin nabanggit kay James ang tungkol sa relasyon nila ni ate at kuya nangako ako sa dalawa na hindi malalaman ni James ito. Alas tres ng hapon kami naka-alis,sport car ni kuya Samuel ang gagamit namin siya rin ang magmamaneho papuntang Manila. Kaya pala narito si kuya Samuel sa baryo namin dahil sinusundan niya si ate Kamila,bumili siya ng bahay dito malapit sa amin para lang makita si ate Kamila. Napapailing ako sa kuwento ng dalawang ito,masaya at exiting.Malayo na ang narating namin,hindi ako natulog dahil gusto kong makita ang paligid,marami naman pagkain dito sa loob ng sasakyan kaya hindi kami nagutom sa biyahe.Exited akong makita si James,walang mapaglagyan ang saya sa aking puso dahil makakasama ko na ulit ang mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD