"I NEED this fixed today. Sa pagkakaalam ko, ilang oras nakalubog sa tubig itong phone ko. I doubt if my sim card would still function, but I need the same number. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Tumango si Michelle. "Tatawagan ko po ang kakilala ko sa service provider ng phone mo, Sir. Baka matulungan niya tayo." "No. Ayoko ng baka. Gusto ko ng sigurado. I need my old phone number so do everything you can." "Sige, Sir." Kinuha niya ang cellphone ko at itinago. Ibinigay naman niya sa akin ang pinabili kong unit. "Mauna na po ako." Tumango lang ako. Hinintay kong makaalis muna si Michelle bago ako bumalik sa loob ng bahay. Hindi ako pumasok sa opisina sa araw na 'yon. Siguradong hindi rin ako makakapagtrabaho nang maayos sa kakaisip kay Victoria. Hindi ko alam kung nasaan na siy