Kabanata 30

1617 Words

NAGMAMADALI akong lumakad patungo sa kinaroroonan ni Jenny. Galing ako sa opisina ng Dean. Dahil malapit ang building nina Jenny ay naisip ko na ring dumaan. Sakto naman na vacant niya at nakita ko siyang naglalakad sa corridor kasama ang dalawa niyang kaklase na nakilala ko na kahit paano. "Jen!" tawag ko sabay tapik sa balikat niya. Madalang na madalang na nga kaming magkita. Sobrang busy kasi ng lahat nitong nakaraang mga linggo dahil sa dami ng requirements para sa sem bukod pa sa katatapos na examination week. Nilingon ako ni Jenny at nagtaas ng mga kilay. "O, ikaw pala. Kumusta?" aniya, Nabawasan bigla ang ngiti ko. "O-okay lang..." sagot ko. Tumikhim ako at sumulyap sa mga kasama niya. "May... klase ka ba ngayon? Gusto sana kitang yayain magkape. Kahit diyan na lang sa paborito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD