NAUNA akong pumasok ng bahay pagkabukas. Kasunod ko si Orion at siya na rin ang nagsarado ng pinto. “Pagpasensiyahan mo na si Mama. She’s having a hard time after your father’s death. Umiiwas lang siguro siya sa mga bagay o sa mga tao na makakapagpaalala sa kaniya sa Papa mo.” Tumango ako. Hindi ‘yon kailangang sabihin pa ni Orion dahil iniintindi ko naman talaga ang nararamdaman ni Mama Rowan. Sana lang ay hindi magtagal na gano’n ang sitwasyon dahil nami-miss ko ang dating kami. Lalo ngayong iniwan kami ng tatay ko. Kay Mama Rowan ko sana gustong alalahanin ang mga huling sandali na masaya si Papa. “Do you want something to eat? Napansin kong hindi ka gaanong nakakain kanina.” Umiling ako. Sino bang gaganahang kumain kung talo ko pa ang hangin sa paningin ni Mama Rowan? Hindi niya a