ANG bigat ng dibdib ko habang pababa ng taxi. Nagtatalo ang isip ko kung dapat bang umalis ako basta o mas dapat na hinarap ko si Orion. Mas nangibabaw kasi sa'kin ang sama ng loob kaya imbes na dumirecho ay pumasok ulit ako sa taxi. At kung hinarap ko man si Orion, anong sasabihin ko? Hindi ko inaasahan ang nakita ko kanina. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nitong mga nagdaang araw, nawala sa isip ko ang tungkol sa girlfriend niya. Hindi pa ako sigurado kung ito nga ang nakita kong kahalikan ni Orion, pero posibleng ang babae nga na 'yon ang kasintahan niya na nasa ibang bansa. Malamang na dumating na ito. Ang mas ikinasasama ng loob ko, nagawa ni Orion na makipagyakapan at makipaghalikan dito sa lugar kung saan maraming nakakakita sa kanila. Ibig sabihin, hindi niya itinatago ang rel