GULAT na nagtaas ng tingin si Drei pagkatapos kong tabigin ang clipboard na hawak niya at bumagsak sa sahig. Agad sumiklab ang apoy sa mga mata niya nang makita ako. “What the hel-” Lumipad na ang kamao ko sa mukha niya bago pa niya ako mamura. He lost his balance, pero saktong dumaan ang ilang tauhan ng warehouse nila kaya may mga brasong sumalo kay Drei bago pa siya bumagsak. Nag-panic ang mga warehouse crew sa pagtayo sa boss nila. “Bitiwan n’yo ‘ko!” sigaw ni Drei sa mga tauhan. "Magsibalik kayo sa trabaho!" Napilitan siyang bitiwan ng mga ito at dali-daling umalis pagkatapos akong tignan. Mabagsik na lumingon sa akin si Drei nang maitayo na muli ang sarili. “Explain that to me, Dominguez!” utos niya. I maintained my calmness. “Hindi na kailangan. Alam kong alam mo kung para s