"IF you're going to stay for a few more days here in Manila, I would love to offer you my house. Ipapahanda ko agad ang guest room para sa pagdating mo." Narinig ko ang sinabing iyon ni Mama Rowan sa kausap. Unica hija si Kristine Teng ng pinakamalaking customer/buyer ng Dominguez Textiles na si Mr. Edward Teng. Pagdating namin kanina sa mesa ay ipinakilala agad ni Mama Rowan si Orion sa mag-anak. "Great idea!" sang-ayon ni Mrs. Teng. "Mas makakampante ako kung sa bahay mo siya titigil." "Oh, it's not necessary, Mom... Miss Dominguez. Maraming salamat, pero okay lang po ako sa hotel. Kasama ko rin po kasi ang nanny ko since I was a baby." "What's the problem with that? Welcome din sa bahay ko kahit sino o ilan pa ang kasama mo," giit ni Mama. May ilang minuto na rin sila na nag-uusap.