CHAPTER 4: Geanne Casty

1523 Words
SIYA si Geanne Casty, mula sa pamilyang hindi mayaman. Noon pa man ay pera na ang pangunahing problema ng kaniyang mga magulang. Sa kabutihang palad ay nakatanggap siya ng scholarship noon dahil sa kaniyang talino, at dahil doon ay nakapagtapos siya sa kursong HRM. Hindi siya nagdalawang-isip na makipagsapalaran sa bayan upang mapahinto na ang kaniyang mga magulang sa pagtatrabaho. Doon ay namasukan siya bilang housekeeper sa isang hotel, ngunit 'di siya nagtagal. Namasukan din siya bilang bartender sa isang bar na ngayon ay nagsara na. Walang swerte sa buhay ni Geanne, kahit na may diploma pa siya. Magmula no'ng manirahan siya sa bayan, tila nawalan na rin ng saysay ang kaniyang mga pinag-aralan. Sabi nga no'ng supervisor nila sa hotel noon, hindi raw diploma ang kailangan nila, ang kailangan nila ay sipag. Kung sipag lang ang kailangan nila, maraming ganoon si Geanne. Subalit, kung nalaman niya nang maaga na ganito pala ang perspective ng mga tao sa bayan, edi sana hindi na lang siya nag-aral. Sana matagal na niyang napahinto ang mga magulang niya sa pagtatrabaho. Sana matagal na siyang nakatulong sa mga magulang niya. "Paano na tayo ngayon? Magsasara na ang bar na ito," nakangusong tanong ni Jelly, kaibigan ni Geanne, habang ito ay nag-pa-pack ng mga baso. Ka-dormmate rin ito ni Geanne. "Edi dating gawi, maghahanap na naman ng trabaho." Binuhat ni Geanne ang karton na may lamang water goblet at ipinatong ito sa trolley. "Wala naman tayong choice, hindi ba?" Ngumiti siya nang mapakla at humarap sa kaibigan, "Ipinanganak tayong mahirap, eh." Napabuntong hininga na lamang si Jelly, "Sana may mayamang CEO na mai-in love sa akin. Sa ganoong paraan ay mairaraaos ko sa hirap ang aking pamilya." Wika nito habang nakatingin sa kawalan. Ito ay nagpapantasya na naman. "Hay nako, Jelly, gumising ka nga sa katotohanan," napakamot si Geanne sa ulo, "Sa korean drama lang nangyayari ang mga ganiyan. Ano ka ba?" Iritado niyang tanong saka muli nang bumalik sa pagpa-pack ng mga baso. "Malay mo," napanguso si Jelly nang ibaling nito ang tingin kay Geanne, "Wala namang impossible, ah. Tsaka, maganda naman ako." Confident nitong bigkas sabay tapon ng isang nakakalokong ngiti, bagay na ikinatawa lamang ni Geanne, "Oh, bakit tumatawa ka? Napapangitan ka ba sa akin?" "Hindi, bawal bang tumawa?" Tanong niya sa kaibigan niya. "Naku, 'wag mo 'kong ginaganyan, alam ko ang ibig sabihin ng mga tawang 'yan." Nagpatuloy na si Jelly sa pagpa-pack ng mga baso. "Pahingi naman ng confidence 'teh!" si Geanne ay patuloy na tumatawa, at patuloy rin naman sa pagpa-pack. "Osige, exchange tayo. Sayo na confidence ko, akin na ang ganda mo." "Manahimik ka nga d'yan," binato ni Geanne ang hindi pa nagagamit na basahan sa mukha ni Jelly, "Anong ganda ang pinagsasabi mo?" "Duh," inikot ni Jelly ang mga mata nito, "Sa tingin mo ba makakalimutan ko kung ilang beses ka nang inalok ng mga film staff at handlers? Pa-humble ka pa d'yan, eh." "Ha? Alok? Ano iyon?" Kunot-noong tanong ni Geanne. "Naku, kunwari ka pa. Syempre, inalok na mag-artista at mag-model!" Dali-daling tinakpan ni Geanne ang bibig ng kaniyang kaibigan, "Shhh! Kunwari lang iyon dahil dumaan si Richard. Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, baka may makarinig." Bulong niya rito. "Ugh!" Tinanggal naman ni Jelly ang kamay ni Geanne sa bibig nito, "Bakit ba kinakahiya mo? Hindi dapat ikinakahiya iyan, dapat pinagmamalaki." Diin nito. "Basta ayaw ko, manahimik ka na lang—" naputol ang pagsasalita ni Geanne nang biglang nagsalita si Richard, na kasamahan nila sa trabaho, mula sa kaniyang likuran. "Dalhin na raw sa multi-cab ang mga gamit," utos nito sa dalawang magaibigan at saka lumisan na. Nagturuan pa ang magkaibigan kung sino ang magtutulak ng trolley patungo sa multi-cab, sa huli ay napunta ito kay Jelly. Si Jelly ang magtutulak ng trolley at si Geanne naman ang magbubuhat ng isang kartong baso patungo sa multi-cab. Hindi na kasi magkasya sa trolley ang isang kartong iyon. Habang sila ay payapa at tahimik na naglalakad patungo sa multi-cab, bigla na lamang silang nilapitan ng isang hindi kilalang lalake, ito ay may malaking pangangatawan, suot mayaman, at matangkad. Nahinto ang magkaibigan sa paglalakad nang lapitan ng lalakeng iyon si Geanne. "Paumanhin, binibini." Bungad ng lalakeng iyon, "My boss wants to date you. Bilyonaryo ang aking boss." Wika nito sa aroganteng tono na siyang nagpataas ng mga kilay ni Geanne. "I don't care if he's a millionaire, billionaire or zillionaire. Tell him I don't wanna have a date with him, specifically don't want his money." Supladang bigkas ni Geanne. Nainis siya sa pamamaraan nito. Ano ba ang inaakala nila sa kaniya? Mukhang pera? Okay lang naman sana kung aalukin lang siya ng date, pero ibang usapan na 'yong pag-iinclude ng 'bilyonaryo ang aking boss', parang nagpaparinig kasi, eh. Hindi iyon nagustuhan ni Geanne dahil nagmukha siyang call girl sa pamamaraang iyon. Tumango lamang ang lalake at lumisan na kaagad. Sa hindi kalayuang dako ay nakita ni Geanne na patungo ang lalakeng iyon sa isang table kung nasaan ang kaniyang amo, at ang bilyonaryong bumili ng bar. Nakunot lamang ang noo niya nang mapagtanto na ang nag-aalok ng date sa kaniya ay 'yong bilyonaryong bumili ng bar pala. "Huy," sinikuhan siya ni Jelly, bagay na ikinagulat niya, "Bakit mo tinanggihan? Bilyonaryo iyon, bes!" Wika nito. "Ano ka ba?" Sinamaan niya lamang ito ng tingin, "Hindi ako bayaran. Tara na nga!" Nagpatuloy na si Geanne sa paglalakad, at ganoon din ang kaniyang kaibigan subalit sila ay muling nahinto nang makaramdam sila ng malalakas na yapak patungo sa kanilang direksyon. Napabuntong-hininga na lamang si Geanne sa inis nang makita ang bilyonaryong bumili ng bar na patungo sa kinaroroonan nila. Magpupumilit ba ang isang 'to? "Have a date with me. That's an order!" Utos nito sa diin at pagalit na tono. Mas lalo pang tumaas ang kilay ni Geanne dahil sa ginawa ng lalakeng ito, "Excuse me?" lakas loob niyang sinabi ito. "You will have a date with me!" "Aba! Sino ka ba?" Aroganteng tanong ni Geanne. "What?" Nabuo naman ang kunot sa noo ng lalake, "Ako si Zachary Sneddon, hindi mo ba ako kilala?" Tanong nito nang itapat nito ang hintuturo sa sarili. "Kilala kita, ikaw ang bilyonaryong bumili nitong bar," nilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng bar, "Pero, ano naman ngayon?" Matapos na sabihin ito ay pumakawala ng isang pekeng ngiti si Geanne. Nanlaki ang mga mata ni Zach sa sinabi ni Geanne. Magsasalita pa sana ito, bubuga pa sana ito ng salita subalit nakisawsaw na sa eksena si Jelly. "A-Ah, sorry, Sir!" Dali-dali itong pumagitna sa kanila, "Pagpasensyahan niyo na po ang kaibigan ko." Wika nito. "Jelly?!" Hindi makapaniwala si Geanne sa sinabi ng kaniyang kaibigan, "Bumalik na nga lang tayo sa trabaho, kaysa pag-aksayahan ng oras ang bossy na iyan." Suplada niyang bigkas at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa multi-cab. Samantalang si Jelly ay naiwan. "Sabihin mo sa kaibigan mo na mag-iingat siya sa mga sinasabi niya." Galit na utos ni Zach kay Jelly. Yumuko lamang si Jelly sa harap nito, "Pagpasensyahan niyo na po, siguro ay stress lang siya dahil mawawalan na naman kami ng trabaho." Wika nito. "Trabaho ba kamo?" Bahagyang binalik ni Jelly ang kaniyang tingin sa gwapong si Zach, "O-Opo, huling araw namin sa trabaho ngayon, eh." Sagot nito. "I will offer you a job," kahit na naiinis ay nagawa pa ring ngumiti ni Zach. Mayroon kasi itong naiisip na plano kaya kusa na lamang napangiti ang mapupulang labi nito. "P-Po? Seryoso ba kayo?" Hindi makapaniwala si Jelly. "Oo," Zach put his hands on his pockets, "Dodoblehin ko ang sahod mo, sa isang kondisyon." He smirked after saying this. Bahagyang nakunot ang noo ni Jelly nang dalawin siya ng pagtataka dahil sa ibinigkas ng labi ni Zach. Anong kondisyon naman kaya ito? Bakit may kondisyon pa? Sa oras na iyon ay may naramdaman si Jelly na hindi maganda. "A-Ano po iyon?" Tanong nito. "Isama mo siya," tinuro ni Zach si Geanne na ngayon ay nag-aayos na ng mga gamit sa loob ng multi-cab, "Dapat ay mapilit mo siyang magtrabaho sa akin. Titriplehin ko ang sahod mo." "Si Geanne..." napabulong si Jelly nang ibaling niya ang kaniyang tingin sa kaibigan niya, "Paniguradong tatanggapin niya ang trabahong iyon. Dahil katulad ko, naghahanap din siya ng trabaho, pero..." muli niyang tinitigan si Zach, "Sigurado ba kayong titriplehin niyo ang sahod ko para lang sa simpleng task na iyon?" "Bakit? Ayaw mo ba?" "Hindi po!" dali-daling umiling si Jelly, "Gustong-gusto ko iyon pero—" "Pero nagdududa ka na baka hindi kita mabayaran?" pinangunahan ni Zach ang nais na sabihin ni Jelly, at ito ay natawa. Napakamot na lamang sa batok si Jelly, "Hindi na nga lang po ako magsasalita, let's call it a deal." She said. "Good!" "Kailan po kami magsisimula?" "Bukas na bukas din." "Ano po pala ang aming magiging trabaho?" "Let's see kung saan ko kayo pwedeng ilagay," tumalikod si Zach, "I will tell my guard to give you my business number so you could beep me regarding to your update." Ito ang huli nitong sinabi bago nagsimulang maglakad pabalik sa table kung nasaan ang may-ari ng bar at ang bodyguard nito. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD