"SIR, lima po sa eroplano natin ang kinakailangan nang ayusin." wika ng manager ng airline na pagmamay-ari ni Zach habang sinusundan nito ang mabibilis na yapak ni Zach.
Si Zach naman ay dali-daling inaayos ang butones ng kaniyang coat habang siya ay naglalakad patungong kotse niya. He was on a hurry, male-late na siya. "Do something about that, manager." bigkas niya sa malalimig at nakakatakot na tono saka pumasok sa magarbo niyang sasakyan nang siya ay maharap na rito.
"Ngunit, sir. Ano po ang aking gagawin? I need your command," wika ng manager. Tumatagaktak na ang pawis nito dahil sa init at kaba na baka pumalpak ang schedule ng mga flights sa araw na ito.
Bumuntong hininga si Zach, trying not to explode at what his manager had uttered, "Will I make you as the manager if I didn't see the potential in you? Mag-isip ka, manager. The flight must go on. Ayaw ko makarinig ng kahit anong palpak o reklamo." wika niya sa supladong tono, bagay na ikinalunok ng manager.
"S-Salamat po," ito lamang ang tanging naisagot ng manager.
Zach put on his shades, "Let's go, Miko." Utos niya sa bodyguard niya na instant driver din.
Zachary Sneddon is hard to get, literal na hard to get. Sa tuwing kasama niya ang mga barkada, chix, pamilya o mga taong malapit sa kaniya, ang ugali niya ay parang isang baliw na titira ng napakaraming biro. Ngunit kapag siya ay nahaharap sa usapang negosyo o sa mga taong hindi niya ka-close, ang ugali niya naman ay suplado, masama at demonyo. Siya nga ay isang antipatiko.
Takang-taka ang kaniyang ama na si Don Ramon kung paano niya napapatakbo ang mga kumpanya na hawak niya gayong isa siyang hamak na lasinggero at isip bata. Ang hindi alam ni Don Ramon, si Zach ay may maraming personalidad. Iba siya tuwing pamilya ang kasama niya, iba siya tuwing negosyo ang kaharap niya, at iba siya tuwing kaharap ang tropa at mga chix. Siguro nga ay, pati mismong mga magulang ni Zach ay hindi pa alam ang tunay niyang kalikasan.
Pinaharurot ni Miko ang magarbong sasakyan patungo sa isang bar na tatlong taon pa lamang nakatayo subalit nais nang ipasara ng may-ari. They will be there dahil may mahalagang pag-uusapan si Zach at 'yong may-ari ng bar. And, what do you expect? It's obviously about money.
Hindi na maayos ang takbo ng bar, hindi rin matansya ng may-ari kung bakit ganoon ang nangyayari. He is the manager of his own bar, wala naman siyang nakitang pagnanakaw o kakaiba sa bar, subalit hindi bumabalik ang kaniyang puhunan kahit na malakas naman ang takbo ng bar.
***
"Are you sure you are willing to sell your little bar?" nakangising tanong ni Zach sa malungkot na may-ari ng bar.
Bahagyang napayuko ang may-ari na para bang nabigo, "Y-Yes," sagot nito.
"Okay, Miko," pagtawag ni Zach sa bodyguard niya saka inabot ang kamay at ibinuka ang kaniyang palad. Si Miko naman ay dali-daling kinuha ang cheque ni Zach.
Si Miko ay hindi lang basta bodyguard, all around pa siya.
"Seven million, right?" muling tanong ni Zach sa may-ari ng bar. Tumango lamang ang may-ari kaya naman kaagad na niyang pinirmahan ang cheque, "Here, I want all of your stuff to be out by tomorrow. Got it?" he asked as he handed the cheque to the owner of the bar.
Kinuha ng may-ari 'yong chequeng binigay ni Zach, "Nagsisimula na kami sa pagliligpit ng mga gamit," sagot nito sabay turo sa mga tauhan niyang busy kakaligpit sa mga gamit ng bar.
Zach's gaze landed on to where the owner pointed his finger at kaagad siyang natigilan nang aksidentng madapo ang kaniyang tingin sa magandang dilag na pawis na pawis, may bitbit itong karton na malamang ay mga baso ang laman, ito ay naka-messy bun subalit ang ganda nito'y nangingibabaw pa rin.
Napakurap si Zach ng dalawang beses, making sure kung talaga nga bang maganda ang dilag, at hindi nga siya nagkakamali. Sobrang ganda nito!
Sinundan niya ito ng tingin habang ang panga ay nakalaglag, dahilan upang magtaka ang may-ari. The owner turned around to see what caught Zach's attention, at kusa na lamang itong napangiti nang malaman nitong isa pala sa mga tauhan niya ang tinititigan ni Zach.
"That is Geanne," nakangiting sambit nito kay Zach.
Ang mayamang si Zach ay kaagad na napakurap at napalunok nang bigla siyang gisingin ng may-ari ng bar mula sa pagpapantasya sa magandang dilag. "G-Geanne?" nauutal niyang ulit.
Tumango ito, "Uh-huh, maganda noh?" the manager asked as he gave a quick glance to her.
"Saan na siya mapupunta ngayon? Now that the bar has closed," mausisang tanong ni Zach.
Nagkibit ng balikat ang may-ari, "I don't know, magkakahiwa-hiwalay na kami ng landas, lahat ng mga tauhan ko," sagot nito..
"Hmm, I can offer her a job," suggestion ni Zach as he grabbed his chin. "Miko, come here," dali-dali niyang tinawag niya ang kaniyang bodyguard. Kaagad namang nilapit ni Miko ang mukha nito sa boss upang marinig ang mga sasabihin niya.
"Go and ask her if she'll go on a date with me. Tell her I'm a billionaire," nakakalokong utos niya kay Miko na ikinalaki ng mga mata ng may-ari ng bar.
Tumango lang si Miko at lumisan na kaagad. Umaandar na naman ang pagka-chix tirada ni Zach. Sa tuwing nakakakita siya ng maganda eh automatic tumatayo 'yong ano niya. 'Yong, alam niyo na.
Mga ilang segundo lang ang tinagal ng usapan ni Miko at ni Geanne. Ang kilay ng dalaga ay umalsa nang marinig ang sinabi ni Miko sa kaniya.
"I don't care if he's a millionaire, billionaire or zillionaire. Tell him I don't wanna have a date with him, specifically don't want his money." suplada nitong sagot saka nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa.
Tumango na lamang si Miko sa hiya at kaagad na bumalik sa boss nito, "She doesn't want to date you, boss." reporta nito sa kaniyang boss, bagay na ikinatawa ng may-ari ng bar subalit nahinto ito kaagad sa pagtawa nang tingnan ito nang masama ni Zach.
"Buy her body. Even if she costs millions of dollars," wika ni Zach sa seryosong tinig.
Isang kahihiyan ang pangyayaring ito para sa kaniya. Hindi niya ito matatanggap. Walang sinuman ang nakapag-reject na sa kaniya, and no one says no to him. Isang kahihiyan.
"Wait, I'll go tell her myself," dagdag niya saka tumayo mula sa pagkakaupo.
Palapit pa lang ang kaniyang presensya kay Geanne subalit inis na kaagad ang nararamdaman ng dalaga. Nang madapo ang tingin nito sa mayabang na si Zach, ang kilay nito ay kaagad na umalsa at ang kaniyang dalawang braso ay kaagad na nagkrus.
"Have a date with me. That's an order!" matapang na bigkas ni Zach nang siya ay maharap na sa dalaga. Medyo nakaramdam din siya ng inis dahil sa rejection nito sa kaniya.
"Excuse me?"
---