"Huy, ano ka ba? Bilyonaryo na iyon, he is more than a CEO!" Inalog ni Jelly ang kaibigan nitong si Geanne. Pinipilit nito ang kaibigan na makipag-date kay Zach, at todo tanggi naman si Geanne.
"Ayaw ko nga!" Sapilitan niyang tinanggal ang nakakapit na kamay ni Jelly sa kaniyang braso, "Halata namang manyak iyon, eh. Wala akong pakealam sa pera niya, kahit na hirap na hirap na ako, hinding-hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko para lang sa salapi!" Iritado niyang saad.
Kakauwi lang nila sa kanilang dormitory pagkatapos ng mahaba-haba at huling trabaho. Sila ay parehong naglinis na ng mga katawan at nagpalit na ng pambahay na damit.
"Aist!" Nabuo ang nguso ni Jelly, "Kung ako lang sana 'yong type niya, eh." Wika nito saka lumundag sa kama niyang dalawang pulgada lamang ang manta.
"Edi sa 'yo na," ikot-matang humiga si Geanne sa kama saka inayos ang kumot sa katawan niya, "Deal ako sa trabahong ino-offer niya, pero 'yong date?" Umiling-iling siya, "No deal," aniya.
"Ikaw na, girl," sarkastikong bigkas ng kaibigan niya, "Ang haba ng hair mo."
"Gupitin mo kaya."
"Alam mo, Geanne——"
"Hindi pa," tinakpan ni Geanne ang kaniyang bibig nang pumakawala siya ng tawa dahil sa kaniyang ginawang pagputol sa sasabihin ng kaibigan.
"Epal ka rin, noh?" Bumuntong-hininga si Jelly kasabay ng pag-ikot ng mga mata nito, "Hindi bale na nga lang," nagtatampong binalot ang buong katawan gamit ang manipis nitong kumot.
Mabagal na lumakas ang tawang binubuga ng bunganga ni Geanne, "Nagbibiro lang naman, ano ba iyon?" Tanong niya. Nais niyang hilain ang kumot na nakabalot sa katawan kaibigan subalit siya ay kumportable na sa higaan niya, ayaw na niyang galawin pa ang mga paa niya. In short, tinatamad na siya.
"Hindi na. Epal ka, eh."
"Biro lang naman, hindi ka naman mabiro, parang 'di ka na nasanay." Kinuha niya ang paborito niyang maliit na unan at binato ito sa direksyon ng kaniyang kaibigan.
Ang malambot na unan na iyon ay tumama sa pwetan ni Jelly, dahilan upang ilabas nito ang sarili sa manipis na kumot na nakabalot sa kabuuan nito. Dinampon nito ang maliit na unan at dali-daling binato pabalik sa mukha ni Geanne. Hindi naman nagpatalo si Geanne. Kinuha niya ang unan at muling ibinato sa kaibigan. Hanggang nauwi ang dalawa sa pillow fighting.
Pawisan silang huminto, ang paggalaw ng kanilang dibdib ay mabilis dahil kapwa sila naghahabol ng hininga dala ng pagod. Minsan ay isip bata rin ang dalawang magkaibigan na ito. Para silang magkapatid na ipinanganak ng dalawang magkaibang ina. Close na close sila sa isa't-isa. Kung nagkakatampuhan man, nauuwi pa rin ito sa pakikipag-ayos.
Sa ganoong paraan tumatakbo ang kanilang pagkakaibigan.
"Okay, ito ang sasabihin ko," hinihingal na bigkas ni Jelly habang hawak nito ang kaniyang dibdib, "Kung ako lang talaga 'yong napunta sa posisyon mo, siguro matagal na akong mayaman." Anito na siyang nagpa-urong sa mukha ni Geanne paatras.
"Ngih?" Taas-kilay siyang sumagot, "Hindi mo masasabi 'yan, dahil kung ikaw ang nasa posisyon ko, maiintindihan mo ako."
Jelly clicked her tongue, "Magpahinga na nga lang tayo, hahaba na naman ang ating usapan dahil sigurado akong hindi ka magpapatalo." Bigkas ng labi nito saka inayos ang pagkakaharap ng electricfan sa kaniya, "Magkakaiba talaga ang takbo ng utak nating lahat. Gaya na lamang ng ating pagkatao, iba-iba rin." dagdag nito.
"Ayan na naman si Jelly," sarkastikong sabi ni Geanne, "Umaandar na naman ang kaniyang pagka-holy," panunukso niya.
Palibhasa si Jelly ay weather-weather lang. Minsan ay baliw kung mag-isip, minsan naman ay matured na halos magmumukha na siyang reincarnated person dahil sa kakaibang talinghagang ginagamit niya.
"Ay, ewan ko sa 'yo, Geanne! Puro ka naman kabaliwan, eh!" Napakamot ito sa ulo dahil sa pagsasarkastiko ni Geanne. "Sa mga bata ko na lang 'to sasabihin at baka maintindihan pa nila ang nais kong ipahatid." Dagdag nito saka humiga na no'ng maramdaman niyang kumalma na ang takbo ng kaniyang mga pintig.
"Napakaseryoso mo naman ngayon, Jelly. So weird!" Natatawang humiga si Geanne at napagdesisyonan na ring matulog.
***
Pagkagat ng ala-singko sa umaga, ang mga mata ng dalagang si Geanne ay marahan na bumukas. Wala siyang alarm clock, ngunit alam ng kaniyang katawan kung anong oras siya dapat gumising. Body clock, ika nga. Uminat-inat siya upang mawala ang antok. Pagkatapos ay binaling niya ang kaniyang tingin sa kaibigan na mahimbing na natutulog. Siya ay walang ganang bumangon sa kama dahil lubha pa siyang niyayakap ng antok.
Kada segundo ay paisa-isa lamang ang kaniyang hakbang patungo sa kama ng kaibigan niyang tulog-mantika, "Jelly..." mahina niyang inalog ang katawan nito, "Jelly..." inalog nang inalog, "Jelly..." subalit ayaw talaga magising.
Napagdesisyonan na lamang niya na mag-init na ng tubig upang makapagkape na siya. Naglalaro pa rin kasi sa utak niya ang antok, kailangan niya ng pampagising. At pagkatapos no'n ay saka na lamang niya gigisingin ang kaibigan.
Maaga siyang nagising ngayon dahil ito ang unang araw nila sa bago nilang trabaho. She was left with no choice, kahit na ayaw niyang magtrabaho sa mayabang na bilyonaryong iyon, eh wala siyang magagawa. Wala na siyang trabaho, mauubos ang pera niya kapag mananatili siyang walang trabaho. Paano niya mapapadalhan ang mga magulang niya kung ganoon?
*2 hours later*
"Pagmamay-ari niya ba itong restaurant?" Mausisang tanong ni Geanne kay Jelly na katabi niya lang.
Silang dalawa ay kasalukuyang nasa loob ng mamahaling restaurant sa bayan. Ang bilin no'ng bodyguard ni Zach sa kanila ay dito sila magkikita upang pag-usapan ang kanilang magiging trabaho. Sabi no'ng bodyguard sa kanila ay banggitin lamang sa receptionist ng restaurant ang pangalang Zach, at 'yon naman ang ginawa ng magkaibigan. Binanggit nila ang pangalang Zach sa receptionist at sila ay kaagad na dinala sa VIP table na kasalukuyan nilang inuupuan ngayon.
"Hindi ko alam, pero sa tingin ko, oo." Nilibot nito ang tingin sa paligid ng restaurant, "Napansin mo ba kung paano tayo inasikaso no'ng receptionist kanina? Daig pa natin 'yong mga mayayaman. Napaka-VIP ng treatment nila sa atin." Kinikilig nitong dagdag.
Mahinang natawa si Geanne sabay takip ng kaniyang bibig upang hindi umalingawngaw ang kaniyang tawa sa loob ng restaurant, "Ang hindi nila alam ay workers lang tayo!" bigkas niya.
"Tapos kunwari ka pa kanina, eh. Kala mo 'di ko mapapansin 'yong lakad mo," natatawang bulong ni Jelly.
"Ha?" Natigil sa pagtawa si Geanne, kasabay no'n ang pagtaas ng kaniyang kilay, "Anong meron sa lakad ko?"
"Lakad mayaman ka, girl." Muling bumulong si Jelly, "Kaya mas napagkamalan tuloy tayong mayaman!" At muli na namang natawa.
"Ay, iyon ba?" Muli ring natawa si Geanne nang maalala ang kaniyang ginawa, "Formal na lakad ang tawag do'n, hindi pangmayaman, ano ka ba?"
Kalauna'y pareho silang nahinto sa pagtawa nang bigla na lamang bumungad sa kanilang harapan si Zach at ang bodyguard nito nang hindi man lang nila napapansin. Ang magkaibigan ay kaagad na umayos sa pagkaka-upo.
Zach cleared his throat at pagkatapos ay nginitian niya si Geanne subalit hindi ngumiti pabalik ang dalaga, "Hali na kayo sa kotse, I will show you what your work would be." Wika ni Zach sa arogante at machong tinig saka naglakad palabas ng restaurant.
Sumunod naman kaagad ang magkaibigan. Palingon-lingon si Geanne sa VIP table na hindi man lang nila nagamit. Napatanong tuloy siya sa kaniyang sarili, 'hindi man lang ba kami kakain dito?'
Halos malaglag ang panga ng magkaibigan nang makitang Bugatti ang sasakyan ng bago nilang amo. First time nilang makakasakay sa ganoong klaseng sasakyan kaya excited ang dalawa na makasakay rito.
"Ladies?" Wika ng bodyguard ni Zach nang buksan nito ang pinto sa likod ng kotse para sa mga dalagita. Samantalang si Zach ay nakasandal lamang sa kotse at nakapamulsa pa.
"M-Mauuna ba kami?" Nauutal na tanong ni Jelly sabay turo sa sarili nito. Inaasahan kasi nito na mauuna ang kanilang bagong amo sa loob.
Tumango lamang si Miko—bodyguard ni Zach.
Nagkatinginan ang magkaibigan at hawak-kamay na pumasok sa loob. Pagkatapos ay sumunod na rin si Zach, ang panghuling pumasok sa kotse ay si Miko.
Nagtagal sila sa gitna ng daan, halos abutin na rin ng isang oras dahil sa bigat ng traffic. Sa loob ng halos isang oras na iyon ay binging-bingi ang lahat, nabingi dahil sa katahimikang namuo. Wala maski isa sa kanila ang may nais na magsalita dahil lahat ay nahihiya bukod na lamang kay Zach na walang balak na ibuka ang kaniyang bibig dahil marami siyang iniisip.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa dakong patutunguhan nila. No'ng sumilip ang magkaibigan sa labas, kaagad na nalaglag ang kanilang panga nang makita ang isang higanteng gate na unti-unti nang bumubukas para sa Bugatti na kanilang sakay.
Ang loob ng higanteng gate na iyon ay may napakalaking mansion, ito na yata ang pinakamalaking bahay na nakita ng magkaibigan sa balat ng lupa.
"Whooaa!" Hindi na nga napigilan ni Jelly ang sarili na mamangha sa laki ng mansion.
"Qualified ba kayo para sa kahit anong trabaho?" Pagbasag ni Zach sa katahimikan no'ng matagumpay nang nai-park ang kotse sa loob. Subalit nasa loob pa rin sila ng kotse.
"Ay, opo, Sir!" Kaagad na sumagot si Jelly gamit ang energized na tinig upang i-impress ang bago nilang boss.
Zach just smirked at that, "Anong pangalan mo?" Tanong nito kay Jelly nang sulyapan niya ito mula sa rear mirror.
"Jelly po, Sir. May dala kaming bio data dahil alam naming kailangan niyo ito," sagot ng dalaga.
"Hmm," napahawak si Zach sa baba nito, "Ikaw Jelly ay magiging lady guard ko. Makakasama mo si Miko at ako, araw-araw." wika nito.
"P-Po?" Nabigla si Jelly doon dahil wala naman siyang karanasan sa pagga-guard. "S-Sige po!" Subalit kaagad naman nitong binawi ang nasabi nito dahil baka bawiin pa ni Zach ang deal nito sa kaniya—iyon ay titriplehin ang kaniyang sahod.
"Mabuti," sambit ng boss saka ibinaling naman niya ang tingin sa babaeng nang-reject sa kaniya mula sa rear mirror, "At ikaw, Geanne," nabuo ang ngiti sa mapupulang labi ni Zach, "Magiging personal assistant kita, at makakasama mo rin ako araw-araw. Maaari ring gabi-gabi."
"Po?!"
----