CHAPTER 1: Badass Billionaire

1050 Words
"KUNG alam ko lang na ikaw ang magiging anak ko, sana nag-condom na lang ako." Nakakabinging sermon ni Don Ramon sa anak nitong si Zach na kagigising lang. May babae kasing nagtungo sa mansyon nila, umagang tapat. Hinahanap si Zach dahil buntis daw ito at siya ang ama, nais nito na panagutan siya ni Zach. Bagay na ikinagalit ni Don Ramon. It is something that can ruin his name. Baka mapunta ang balitang ito sa radyo o newspaper, nagbabalak pa naman itong tumakbo bilang mayor. Napahawak sa kumikirot na ulo si Zach, "Dad, kanino ba ako magmamana?" Pilosopong tanong niya sabay lagok ng malamig na tubig. "You don't have to experience my experiences for you to learn. Matuto kang bata ka sa mga kamalian ko. You should not repeat the same mistake!" sermon ni Don Ramon sa nakapameywang na posisyon. Palihim tinawanan ni Zach ang kaniyang ama, "Alright, dad. Kalma ka lang, chill. Ayaw mo ba ng apo?" tanong niya saka pumakawala ng isang ngisi. Humugot ng malalim na hininga si Don Ramon kasabay ng pagkakaupo niya sa malambot na sofa, "Diyos miyo, Zach. Kasasabi ko lang na hindi mo dapat ulitin ang pagkakamali ko. Ewan ko sa 'yo," bigkas nito at napahawak sa sumisikip nitong dibdib. "I think heart attack will attack me because of your stupidity," dagdag nito na ikinatawa lang ng kaniyang anak. "Why, dad? Hindi naman mali ang pagkakaro'n ng anak ah," wika niya, trying to defend his side. "Mali iyon! Lalo na kapag hindi mo kilala ang ina ng magiging anak mo!" napabuntong hininga na lamang si Don Ramon dala ng pagkainis sa sutil niyang anak, "You're just like the old me," mahinang lumabas sa bibig nito, admitting the fact that Zach inherited his stubbornness from him. Muling natawa si Zach saka muling lumagok ng malamig na tubig upang mawala nang kaunti ang hangover niya, "Sabi ko sa 'yo eh, like father like son. Tsaka chill ka lang, Dad. Hindi ako ang ama no'ng dinadala no'ng babaeng iyon. I don't even know her. She was probably lying," wika niya. "See? Sa dinami-rami ba naman ng naikama mo, do you think matatandaan mo ang mga mukha o pangalan nila?" "Grabe ka naman sa akin, Dad. Hindi mo ba nakikita 'tong handsome face ko? Sa tingin mo papatol ako sa mga, you know, sa mga katulad no'ng babaeng iyon? Kahit ganito lang 'tong gwapong anak mo, pihikan din ako sa mga babae." He spoke in a proud tone as he stood up to get a lot of cold water. "Hindi ba, Miko? Oh, kahit tanungin mo pa si Miko, Dad," dagdag niya. "My duty is to ensure that whenever boss wakes up, the first thing he'll see is a beautiful lady," seryosong bigkas ni Miko na nasa gilid ng living area kung nasaan ang mag-ama. Kahit saan magpunta si Zach, kailangan ay nakabuntot ito sa kaniya. Zach leveled his palm on his shoulder as he turned his gaze to his father, "See, Dad? Naniniwala ka na ba na hindi ako ang ama no'ng dinadala no'ng babaeng iyon?" bumuntong hininga siya, "Ang swerte naman niya kung ikakama ko siya," dagdag niya. Napahawak na lamang sa ulo si Don Ramon saka marahang umiling, "Hay nako, Zach. Please grow up." sabi nito at lumisan na sa dakong iyon. Hindi na nito kaya pang habaan ang pag-uusap nila ng pilosopo niyang anak. Baka kasi talaga aatakihin na ito sa puso. Aasa na lamang ito na sana hindi talaga si Zach ang ama no'ng dinadala no'ng babaeng sumugod kanina sa mansyon. Minsan nang nagkamali si Don Ramon sa buhay niya no'ng binata pa siya, at hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya pa rin iyon. Nakabuntis siya, at hindi niya kilala ang babaeng iyon dahil pati siya ay lasing na no'ng may mangyari sa kanila. Isang araw ay nabalitaan na lamang niya na nakabuntis siya, at anak pala ng mayor ng lungsod na dinayuhan niya ang babaeng iyon. No'ng araw na nalaman ni Don Ramon ang balitang iyon, nagdadalang tao rin ang girlfriend niyang si Wilma, siya ang talagang iniibig ni Don Ramon. Kahit na chix tirada siya, may nag-iisang babae lang talaga sa puso niya. Labis na natakot si Don Ramon, baka iwan siya ni Wilma kapag nalaman nito na nakabuntis siya. Ang ginawa ni Don Ramon ay dinala niya si Wilma sa malayong lungsod kung saan malabong makarating ang balitang 'yon, at do'n ay pinadali niya ang kasal nila ni Wilma. Walong taon na si Zach no'ng malaman ni Wilma na may anak pala sa labas ang kaniyang asawa. Mahirap at masakit ngunit nagawa niya pa ring patawarin ang asawa niya. Ngayon ay matino na si Don Ramon at hindi na umulit pa sa pangchi-chix niya. He regretted what he did because Wilma's trust for him became lesser, at bukod do'n, nasira niya pa ang buhay ni Jasmin—ang babaeng nabuntis niya noon. He felt so bad about it, wala na siyang magagawa upang mabago ang nangyari. That's why ayaw niyang matulad sa kaniya si Zach dahil ayaw niyang umabot sa punto na labis din itong magsisisi. Ngayon pa lang ay nais niya nang gawing matino ang landas na tatahakin ng anak, subalit si Zach mismo ang hindi nagpapakatino. Gulong-gulo na si Don Ramon, hindi niya alam kung ano ang iba pang nararapat niyang gawin upang gawing matino ang takbo ng utak ni Zach. "Ganito pala ang naramdaman ni Papa noon. Sana nagpakatino na lang ako. Hindi na sana ako nakakarma ngayon," inis na kinakausap ni Don Ramon ang sarili habang humahakbang patungo sa silid nila ng asawa niya. Zach, on the other hand, just released a heavy laugh after his father's walkout, "Nakita mo 'yon, Miko? Proud si daddy sa akin!" Natatawa niyang sinabi kay Miko no'ng maisigurado niyang wala na ang kaniyang ama. There were tons of question marks popping on Miko's mind after hearing what his boss had said. Halata namang nakukunsumisyon sa kaniya si Don Ramon, eh bakit iba ang naiisip ng boss nito? Proud pa nga. "O-Oo nga po, proud na proud," pagsakay nito. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung hindi, baka mawala sa mood ang boss niya at baka tanggalin pa nito ang bonus niya. Sobrang laki pa naman ng bonus na binibigay ng boss niya sa kaniya, parang hindi lang nauubusan ng pera. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD