BITBIT ni Geanne ang naka-hanger na plansyadong coat na binigay sa kaniya ni Magda, isa sa mga maid ni Zach sa napakalaking mansion na ito.
Napabuntong-hininga siya habang naglalakad, "Nasaan kaya ang silid niya?" Napakamot sa batok ang dalaga nang mapansin niyang naliligaw na siya.
Kanina ay tinuro sa kaniya ni Magda ang eksaktong lokasyon ng silid ni Zach. Geanne trusted her brain, tiwalang-tiwala siya sa sarili niya na naisaulo niya ang lokasyon na binigay ni Magna, subalit hindi niya inaasahan na ang masion na ito ay may maraming pasikot-sikot.
Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kahit na hindi siya sigurado sa kaniyang patutunguhan. Tinitingnan niya rin nang maayos ang bawat pintuang nadadaanan niya, dahil ang sabi sa kaniya ni Magda, ang pintuan ng silid ni Zach ay may salamin. Accordingly, ang silid na iyon ay ang nag-iisang may salamin sa pintuan.
"Bakit ba kailangan pang mag-practice ni Jelly?" Nakangusong tanong ni Geanne sa sarili, "Edi sana sabay kaming naliligaw ngayon."
Si Jelly ay nasa clear field kasama si Miko. Inutusan ni Zach ang bodyguard nito na turuan ng self-defense si Jelly, at turuan na rin kung paano maging lady guard.
Si Zach naman ngayon ay kasalukuyang naglilinis ng katawan. Inutusan nito si Geanne na kunin sa maid 'yong coat na gagamitin nito para sa meeting mamaya, at dalhin ang coat sa loob ng silid nito, at ipatong daw nang maayos sa ibabaw ng kama. Subalit may problema si Geanne, iyon nga ay hindi niya mahanap ang silid ni Zach.
Panay lingon si Geanne sa mga pasikot-sikot, baka naroon lang ang silid na hinahanap niya. Ilang minuto pa ay nagsimula nang tumagaktak ang kaniyang pawis sa likuran at noo, ngunit hindi niya pa rin mahanap ang silid. Nagsimula na rin siyang kabahan dahil baka hinahanap na ni Zach ang coat na hawak niya.
"Ahh!"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Geanne nang mabitawan niya ang hanger ng coat, dahilan upang ito'y mahulog sa makintab na tiles. Dali-dali niya itong pinulot na may kaba sa kaniyang puso, nag-alala siya na baka nagkaroon ng gusot ang coat, o dumi, o kahit ano man lang. She was trying to make her work perfect this day, lalo na ngayong unang araw niya pa lang.
Mainam niyang sinuri ang coat at kaagad na nakahinga nang maayos nang makumpirmang malinis at maayos pa rin ito.
Sinamaan niya naman ng tingin ang lalakeng nakabangga sa kaniya. Ang lalakeng iyon ang dahilan kung bakit niya nabitawan ang hanger. Subalit nawala na parang powder sa tubig ang kaniyang masamang tingin nang mapansing makinis ang kutis ng lalake, at may hawig pa ito kay Zach.
"S-Sorry po!" Alam ni Geanne na hindi niya iyon kasalanan ngunit siya na lamang ang humingi ng tawad.
"You are a new face here, what's your name?" Tanong ng lalake sa mala-Adonis na tinig kasabay ng pagbuo ng kurba sa mapupulang labi nito, "Oh, how fool am I? Tatlong taon nga pala akong wala rito." Dagdag nito saka tinapik ang sariling mukha.
Si Geanne nama'y yumuko lamang, "Patawad po ulit!" Ito lamang ang lumabas sa kaniyang bibig dahil hindi niya alam kung paano sasagot sa huling sinabi ng lalake; she didn't know what he meant by that.
"Ayos lang," muling pumakawala ng matamis na ngiti ang lalake, "Anong pangalan mo? Dito ka ba nagtatrabaho?" Sunod-sunod na tanong nito.
Bahagyang napatingala si Geanne sa gwapong mukha ng lalake, "A-Ako po si Geanne, ahm... personal a-assistant ni Sir Zach," the pretty face of the man caused her to be stuttered. Hindi maipagkaila ni Geanne sa sarili na malakas ang charisma ng lalakeng ito, sa unang tingin pa lang ay naagaw na nito ang atensyon ng dalaga.
"Oh," tumango ang lalake, "Feeling artista na pala ngayon si Kuya," at ito ay natawa sa huling sinabi nito.
"K-Kuya?" nagtatakang itinanong ng dalaga.
"Hmmm," napahawak sa baba ang lalake at nanliit ang tingin nito kay Geanne subalit naroon pa rin ang kaniyang ngisi sa labi, "Bago ka lang, noh?" Tanong nito bagay na ikinatango lang ng dalaga, "Ako si Zen Sneddon, kapatid ng Sir mo." Bahagyang lumapad ang ngiti nito nang iabot nito ang kamay kay Geanne.
Nag-aalanganin pang tanggapin ng dalaga ang kamay nito dahil sa pagka-ilang. "N-Nice meeting you po," subalit naisip niyang mas nakakahiya kapag hindi niya iyon tinanggap.
"Para saan 'yang dala mo?" Tanong ni Zen na ngayon ay may kunot na sa noo, "Para kay Kuya ba iyan?" Dagdag nito.
"Opo, maari po bang magtanong sa inyo?"
Natawa nang mahina si Zen na para bang nakikiliti dahil sa tanong ng dalaga, "Oo naman, ano ba iyon?"
Ang mga mata ng dalaga ay nakatuon lamang sa magagandang mata ni Zen. Mahahaba ang pilik-mata nito, makapal ang kilay, at kulay tsokolate ang mga ito. Gwapong-gwapo si Geanne sa kaniya, ito ang unang pagkakataon na mamangha siya sa kagwapuhan ng isang lalake. In short, ngayon lang siya na-turn-on sa isang lalake nang dahil lang sa gwapong hitsura nito.
"May girlfriend ka ba?" Tulala at wala sa isip na itinanong ni Geanne. Ang utak niya'y parang lumilipad sa kawalan. Subalit kaagad naman niyang napagtanto ang kaniyang tanong. Napatakip siya ng bibig at nanlaki ang mga mata sa pagkabigla.
"Ha?" Natawa lamang si Zen sa narinig nito.
Pakiramdam ni Geanne sa mga oras na iyon ay lumiliyab ang kaniyang pisngi dahil sa hiya. Nais niyang gumulong, magwala, o magpakain na lamang sa lupa. Nais niyang bawiin ang mga salitang iyon, subalit ito ay impossible.
"I-I-I, I mean, saan po ang s-silid ni Sir Zach?" Nauutal niyang tanong, bagay na mas ikinatawa ni Zen.
"Lika, sasamahan na kita."
Yumuko si Geanne, "S-Salamat po!" Aniya.
Naunang naglakad si Zen nang nakapamulsa habang si Geanne ay nakasunod lamang sa likuran nito. Hindi maiwaglit ng dalaga sa kaniyang isipan ang kahihiyang lumabas sa kaniyang bibig. Hindi niya rin mawari kung bakit gano'n ang nangyari. It was a first time for her.
"Nandito na tayo," nakangiting huminto si Zen sa harap ng pintuang may salamin at saka humarap kay Geanne.
Iniwas ng dalaga ang tingin niya dahil kahihiyan pa rin ang naaalala niya. Sa oras na iyon ay sakto namang bumukas ang pintong may salamin, at si Zach ang iniluwa nito. Half-naked lamang ito, basa pa ang buhok, at towel lamang ang gamit pangtakip sa alaga nito.
Geanne just gasped upon seeing Zach, at kaagad na tumalikod.
"Kuya, may binibini tayo rito," kalmadong sabi ni Zen, "Magbihis ka muna." Utos nito sa nakatatandang kapatid.
"Zen?" Kunot-noong tanong ni Zach, "Kailan ka pa naka-uwi? Tsaka, bakit mo kasama ang assistant ko?" Sa halip na pagkagalak ang maramdaman ni Zach dahil after three years ay ngayon na lang ulit sila nagkita, pagka-inis ang nangibabaw sa puso nito.
"Nagkita kami sa lobby," mala-Adonis na sagot ni Zen, "Hinahanap niya ang silid mo, kaya sinamahan ko na lang siya patungo rito."
Mas lalong nakunot ang noo ni Zach nang malamang nagkasabay pa ang dalawa sa paglalakad, "Hoy, babae!" Pagtawag nito kay Geanne.
"P-Po?" Sumagot naman ang dalaga nang nakatalikod pa rin.
"Bakit ang tagal mo? Kailangan ko na ang coat na iyan! Akin na!" Iritado nitong utos.
Bumuntong-hininga si Zen dahil sa inasta ng nakatatandang kapatid nito. Naglakad na lamang ito palapit sa kinatatayuan ni Geanne at kinuha ang coat mula sa dalaga. Si Zen na ang nag-abot ng coat sa kuya nito dahil ayaw nitong humarap si Geanne nang ganoon ang hitsura ni Zach. Mataas ang respeto nito sa mga kababaihan.
"Heto," wika ni Zen nang i-abot niya ito sa nakatatanda niyang kapatid.
Mas lalong nainis si Zach sa kabutihang ipinakita ni Zen. Suplado nitong kinuha ang coat saka tinapunan ng matalim na tingin ang kapatid, "Makakaalis ka na," utos nito kay Zen, "At ikaw, Geanne, maghintay ka rito sa labas. Hintayin mo ako." Malamig nitong utos sa dalaga.
"Opo..."
"Sige, Kuya, I appreciate your welcome." Ngumiti si Zen nang puro at bahagyang yumuko sa harap ng kuya nito bago sinimulan ang paglalakad palayo. Subalit, nahinto ito sa paglalakad nang may maalala ito, "Anyway," muli itong humarap kay Geanne, "Wala akong girlfriend," wika nito kasabay ng pagtapon ng matapis na ngiti, at saka ipinagpatuloy na ang paglalakad hanggang sa nawala na ito sa paningin nila.
Ang dalagang si Geanne naman ay speechless lang. Hindi niya alam kung paano siya magre-react sa sinabi ni Zen. She didn't wish for him to answer that nonsense question. Napayuko na lamang siya nang maramdaman ang panginginit ng kaniyang pisngi. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa kahihiyan o... dahil sa kilig. Hindi siya nakatitiyak sa kaniyang nararamdaman.
"Anong pinagsasabi niya?" Iritadong tanong ni Zach.
"H-Ha?" Kaagad namang umayos sa pagkakatayo si Geanne kahit na nakatalikod siya kay Zach.
"Bakit niya sinasabing wala siyang girlfriend? Nagtanong ka ba?"
"Ha? W-W-Wala, ah!" Todo tanggi naman si Geanne.
Zach just clicked his tongue, "Tsk! Ayaw kong lumalapit ka sa kaniya." madiin nitong utos.
"P-Pero bakit—" pinutol ni Zach ang sana ay sasabihin ni Geanne.
"Wala ng maraming tanong! Basta ayaw kong lumalapit ka sa kaniya!"
"Okay p-po, Sir!"
"Sir?" Mahinang inulit ni Zach ang huling salitang binanggit ng dalaga. Then, a smirk was formed on the billionaire's lips. May naiisip na naman itong kalokohan.
Mabilis nitong hinawakan ang pulso ng dalaga, at pwersahang hinatak papasok ng silid. He slammed the door when Geanne's entirety was finally in. Mahina nitong tinulak ang dalaga sa pader, dahilan upang manlaki ang mga mata ni Geanne.
Hindi ni Geanne alam kung ano ang binabalak ni Zach, ang tanging alam niya lamang sa oras na iyon ay kinakailangan niyang sumigaw ng 'TULONG' any moment.
Kinulong ni Zach ang dalaga sa mga braso nito, "Call me master."
---