Master? Master? Master? Ilang ulit na naglaro sa isipan ni Geanne ang salitang ito. Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit master ang tawag na nais ni Zach. Sa pagkakaalam ng dalaga, ang master ay ginagamit lamang ng mga bata na naniniwala sa pantasya at kathang-isip na pangyayari. "Nasobrahan yata siya sa pantasya," bulong ng dalaga sa sarili habang iniisip ang bagay na ito. "May sinasabi ka ba, Alipin?" Nakangising tanong ni Zach nang ibaling nito ang tingin sa dalaga mula sa rear mirror. Silang apat ay kasalukuyang nasa loob ng Bugatti, patungo sa hotel ni Jason na kaibigan ni Zach upang um-attend sa isang meeting. Si Zach ay naka-upo sa front seat kasama si Miko, habang ang magkaibigan nama'y sa likod naka-upo. "Po?" Dali-daling umiling ang dalaga, "Wala po," sagot ni