Chapter 5

1593 Words
Naghahanda na rin sa pag-uwi sina Chino at ang mga kaibigan niya, nang bigla siyang ipatawag sa kanilang adviser sa faculty office. Kunot-noong napatingin pa siya sa mga kaibigang naghihintay sa kaniya. Wala naman kasi siyang maisip na dahilan kung bakit siya ipinatatawag ng kanilang guro. “‘Tol, puntahan mo na, nang makauwi na rin tayo agad,” sabi ni Rex sa kaniya. “Oo nga. Sa court ka na lang namin hihintayin. Magsa-sight seeing muna kami roon ng mga chicka-babes!” nakangisi namang turan ni Marc. “Hmmmn! Puro ka talaga kalokohan!” Nahimas naman ni Marc ang kaniyang ulo nang batukan ito ni Jeffrey. “Ang sakit naman no’n!” reklamo pa nito sa kaibigan. “Tumigil na nga kayo. Tara na sa court nang makabalik agad itong si Chino.” Yaya naman ni Lester sa mga kaibigan. “Captain, hintayin ka na lang namin doon ha?” paalam pa nito sa kaniya, bago nagpatiuna nang maglakad palabas ng kanilang classroom. Tumango na lang siya sa mga ito saka binitbit ang bag at naglakad na ring patungo sa faculty room. Pagdating niya roon ay agad sinabi ng kanilang adviser kung bakit siya ipinatawag nito, at inutusang magpunta sa classroom ng section two. Agad naman siyang nagtungo roon at saglit na natigilan nang makita ang isang morena, makapal ang kilay na binagayan ng mga matang nangungusap, maliit na ilong, at makipot na bibig, na babae. “Oh, nandito na pala si Mr. Vicente. Come in hijo,” pukaw sa kaniya ni Mrs. Celis. “Good afternoon po, ma’am,” magalang na bati naman niya sa kanilang guro, saka naglakad palapit sa bakanteng upuang nasa tabi ni Althea. Hindi na siya nagtaka pa nang hindi man lang siya batiin ng dalaga. Malamang kasi na hindi pa rin ito nakaka-move on sa nangyaring banggaan nila kanina. Hindi na lang siya umimik sa tabi nito at nag-focus na sa kanilang review. Isang oras din silang magkakasama sa silid na iyon, at kagaya niya ay seryoso rin ang dalaga sa kaniyang tabi. Nang matapos ang kanilang unang araw ng pagre-review ay saka lang niya ito kinausap. “Kasama ka pala sa competition,” aniya sa dalaga, habang nag-aayos sila ng mga gamit nila. Nilingon naman siya nito at saka inirapan. Napakamot pa siya sa kaniyang batok sa ginawang iyon ng dalaga. Maya-maya pa ay naglakad na itong palayo sa kaniya, kung kaya’t lalo lang siyang napailing at nasundan na lang nang tingin ang dalaga. ‘Maganda nga sana, napakasuplada naman at ang taray!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. Nagpatiuna nang naglakad palabas si Althea sa kanilang classroom, dahil gusto niyang takasan si Chino. Hindi pa siya ready na makaharap muli ang binata after ng encounter nila kaninang umaga. Idagdag mo pang abot-abot ang kabang kaniyang nadarama nang mga oras na iyon, na hindi naman niya maintindihan. ‘Ano ba naman kasing nangyayari sa akin? Dati naman balewala naman sa akin kung makita ko si Chino. Bakit ngayon parang may kakaibang kaganapan sa katawan ko?’ bulong ni Althea sa kaniyang sarili, habang naglalakad siyang patungo sa campus gate. Dahil masyado siyang hulog sa malalim na pag-iisip, nabangga na naman siya ng kung sino. This time tumama ang kaniyang ilong sa matigas na dibdib ng kaniyang nakabanggaan at nawalan siya ng balanse. She was expecting to land on the floor, but it didn’t happen when someone caught her behind. Inalalayan siyang makatayo nito at humarap sa lalakeng nabangga niya. “Sorry,” hinging paumanhin niya sa lalake. Alam naman kasi niyang kasalanan niya kung bakit siya nabangga rito kanina. Ngunit sa pagkabigla niya, sinungitan lang siya nito. “Tingin-tingin din kasi sa dinaraanan mo, miss!” masungit na saad nang lalakeng nakabanggaan niya. Sasagot sana siya nang marahan siyang pisilin sa balikat ng kung sinomang sumalo sa kaniya kanina. Bahagya niyang nilingon ito at natigilan nang mapag-alamang si Chino pala iyon. Nginitian siya nito’t kinindatan bago muling humarap sa lalakeng nakatayo pa rin sa kanilang harapan. “Brad, nag-sorry na nga siya ‘di ba? Baka naman puwedeng huwag mo na siyang sungitan? Isa pa, muntik na nga siyang matumba sa lakas nang pagkakabangga niya sa iyo eh,” wika nito sa lalake. “Kung tumitingin siya sa dinaraanan niya, hindi siya mababangga sa akin!” masungit pa ring sagot ng lalake kay Chino. “Teka lang brad, kung nakatingin ka rin sa dinaraanan mo, hindi kayo magkakabanggaan. Tama ba?” kalmadong tanong ni Chino rito. “Yes, but—” Hindi na naituloy pa ng lalake ang mga sasabihin nang muling magsalita si Chino, “So, it means you’re not looking at your way too. Dapat pala, humingi ka rin ng paumanhin sa binibining ito,” maotoridad na saad ni Chino sa lalake. Nanlalaki naman ang mga mata ni Althea na napatingin kay Chino. Seryoso ang mukha nito, habang nakikipagtagisan nang titig sa binatang kaharap nito ngayon. Ayaw niyang lumikha sila ng isang iskandalo, kung kaya’t tumikhim siya upang kunin ang atensiyon ng dalawang binata. “Aherm! Huwag na kayong magtalo, okay lang naman ako eh. Ahm, halika na!” Binalingan pa niya si Chino, saka pilit itong hinihila palayo sa lalakeng nakabanggan niya kanina. Pinigilan naman siya nito at muling iniharap sa lalake. Sa totoo lang, kung hindi rin lang naman niya kasalanan kung bakit siya nabangga rito, ay kanina pa niya pinaulanan ng pagtataray ang lalakeng kaharap nila ngayon. Ang kaso nga, may pagkakamali rin siya, kaya hindi niya magawang magtaray rito. ‘Pero bakit kay Chino, nagsungit ka kanina?’ tanong ng kaniyang isip sa kaniya. Naipilig niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang naiisip niyang iyon. Well, kanina napahiya lang siya kaya siya nagtaray. Saka isa pa, may kakaiba kasi siyang naramdaman kanina no’ng kay Chino siya bumangga. “Mag-sorry ka.” Narinig niyang utos ni Chino sa lalake. Marahas na napabuga naman ng hangin ang lalake, at saka humingi ng paumanhin sa kaniya, “Sorry! But next time, watch where you are going!” masungit pa ring saad nito sa kaniya. “Aba’t antipatiko kang lalake ka! Sa susunod tumingin ka rin sa nilalakaran mo!” bulyaw na niya rito. Tuluyan nang napatid ang pagtitimpi niya kaya nabulyawan na niya ang lalake. Tila naman nagulat ito sa kaniyang ginawa at maging si Chino ay napatingin rin sa kaniya. Sinamantala naman niya ang pagkatameme ng mga ito, saka hinila si Chino palayo sa lalakeng nakabanggaan niyang lalake. Dire-diretso silang naglakad palayo sa lalake, hanggang sa makarating sila sa court. “Napakayabang talaga ng buwisit na iyon! Naku!” nanggigigil niyang sambit nang makalayo na sila rito. Napalingon pa siya kay Chino nang marinig niyang tila tumatawa ito sa kaniyang tabi. “Oh, wala akong sinasabi ah!” Nakataas pa ang mga kamay nito, habang nakangising nakatingin sa kaniya. “Salamat nga pala,” matipid na lang niya sabi sa binata. Well, hindi naman siya ganoon kasama para hindi magpasalamat sa taong nagtanggol sa kaniya kanina. Ibinaba na ni Chino ang mga kamay nito habang nakangiting nakatingin sa kaniya. “Chino nga pala.” Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan na kaniya lang tiningnan. Binawi tuloy nito ang kamay saka ikinamot sa batok nito. “Ahm, sige mauuna na ako,” paalam pa nito sa kaniya nang tila mapahiya ito sa kaniyang ginawa. Nakatalikod na ito nang makonsensiya naman siya sa kaniyang inasal. “Althea,” aniya rito na ikinalingon naman ng binata. “Ako si Althea. Salamat ulit kanina, bye!” sabi pa niya rito saka nagmamadaling naglakad palabas ng kanilang paaralan. Naiwan namang natitigilan si Chino habang nakamasid sa papalayong dalaga. Hinintay niyang mawala ito sa kaniyang paningin at saka nakangiting bumaling sa direksiyong patungo sa basketball court, kung saan alam niyang napanis na sa kahihintay sa kaniya, ang kaniyang mga kaibigan. “Hayyy, salamat! Dumating din po sa wakas ang aming kapitan!” sigaw ni Rex, na nakalahad ang mga kamay pataas habang nakatingala. Nagtayuan naman ang iba pa niyang mga kaibigan at sinalubong na siya ng mga ito. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo habang nakangising nakatingin sa mga kaibigan niya. “Ang tagal mo naman!” reklamo ni Marc nang makalapit na ang mga ito sa kaniya. Isa-isa niyang kinamayan ang mga kaibigan saka sila nag-umpisang maglakad palabas ng kanilang campus. “Ano bang ipinagawa sa iyo  ni Sir?” tanong ni Jeff sa kaniya. “Sorry naman mga ‘tol, natuloy sa review iyong pagtawag sa akin ni Sir eh. Kasali raw ako sa district competition,” paliwanag niya sa mga kaibigan. “Ayun! Kaya naman pala muntik na kaming amagin sa basketball court eh! Mabuti na lang at may magandang tanawin doon kanina. ‘Di ba ‘no Rex?” nakangising saad ni Marc sa kaibigan. “Ayan, diyan kayo magaling!” sabi naman ni Lester sa mga kaibigan na ikinatawa naman nila. “So Captain, araw-araw ka na namang busy sa pagre-review mo?” Baling sa kaniya ni Lester. “Oo eh, kaya pasensiya na mga ‘tol kung hindi ako makakasabay sa inyo tuwing uwian simula bukas,” agad niyang hingi ng pang-unawa sa kaniyang mga kaibigan. “Ayos lang iyon! Support ka namin diyan,” sagot naman ni Rex. Nagsitanguan naman ang iba pa niyang kaibigan, sabay tapik ng mga ito sa kaniyang balikat. Ngumiti siya sa mga ito at nagpasalamat. Mapalad siyang nakatagpo siya ng ganitong klase ng mga kaibigan. Kaibigang ang turingan ay parang magkakapatid. Sa kabilang banda, ano kaya ang susunod na mangyayari sa pagsasama nila ni Althea sa iisang school activity? Maging magkaibigan kaya sila ng dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD