Chapter 10

1613 Words
“Althea!” Napalingon si Althea upang hanapin kung sino ang tumawag sa kaniyang iyon. Bigla ang pagragasa ng kaba sa kaniyang dbdib nang makitang si Chino pala ang tumatawag na iyon sa kaniya. Napasinghap pa siya nang ngumiti ito sa kaniya’t kumaway. Kumaway rin siya rito at ginawa ang lahat ng makakaya upang makangiti nang maganda rito. Sa sobrang kaba kasing nadarama niya, hindi niya alam kung paano makakangiti sa binata ng hindi nahahalata nitong kinakabahan siya ng mga oras na iyon. “Hi!” matipid pa niyang bati rito nang makalapit na ito sa kaniya. “Kumusta?” bati naman nito sa kaniya. Looking at him right now, parang mas lalo naman yatang gumuwapo ito sa kaniyang paningin. Wala namang special sa suot nitong school uniform pero parang there’s something in him that makes him more attractive  today. Dahil kaya bagong ligo ang binata base sa medyo basa pa nitong buhok na naka-brush up? O ‘di kaya naman ay dahil sa bagong toothbrush ito, dahil amoy na amoy pa niya ang fresh mint breath nito? “Okay naman,” nakangiting sagot niya rito saka sila nagsimulang maglakad na muli. “Ikaw, kumusta? Bihira kitang makita ngayon sa school premises ah. Busy ba Mr. Validictorian?” pabiro pa niyang tanong rito. “Hindi naman sakto lang,” kakamot-kamot pa sa ulong sagot naman nito sa kaniya. Napangiti na lang si Althea habang patuloy na naglalakad patungo sa science garden. Maaga pa naman at tila tahimik pa ang paaralan nila, kaya roon muna niya balak magtungo habang hinihintay ang kanilang klase.  Nang makarating sila sa science garden ay magkatabi silang naupo sa bench na naroon. Tahimik silang pareho habang nakatingin sa kawalan. Hanggang sa maramdaman niya ang malambot na kamay ni Chino, na nakahawak sa kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang kandungan.  Muling lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib at dahan-dahang napalingon sa binata. Matamang nakatingin sa kaniya ito at tila nang-aakit ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahang dalhin ni Chino ang kaniyang kamay sa mga labi nito’t hagkan iyon. May maliliit na kuryente namang dumaloy sa kaniyang katawan, na nagbigay ng kakaibang kiliti sa kaniya. “C-Chino,” mahinang sambit niya sa pangalan ng binata saka lumunok. “Althea,” anas naman nito sa kaniya. Napalunok muli si Althea nang haplusin ni Chino ang kaniyang pisngi at hawakan ang kaniyang baba. Tila nanuyo pa ang kaniyang lalamunan kaya napalunok pa siya habang hinihintay ang susunod na gagawin nito. Matamang nakatitig ito sa kaniya particularly into her lips, kaya trumiple pa ang pagkabog ng kaniyang dibdib. “I like you Althea, I really do,” halos pabulong pa nitong sambit sa kaniya. Hindi niya alam ang kaniyang isasagot kaya nanahimik na lang siya at napapikit upang namnamin ang mabining paghaplos nito sa kaniyang pisngi. Para siyang ipinaghehele nang malambing na boses na iyon ni Chino. “Can I kiss you?” narinig pa niyang tanong nito sa kaniya. Dahil tila nasa ilalim siya ng isang mahika, tumango-tango na lang siya rito bilang tugon habang nakapikit. Ang sumunod na nangyari ay ang pagtama ng mabango nitong hininga sa kaniyang mukha, indikasyong malapit na mukha nila sa isa’t isa. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung gaano kalayo ang kanilang mga mukha sa isa’t isa.  “I want to kiss you, will you allow me?” paanas na tanong muli ni Chino sa kaniya. “Yes Chino, please kiss me,” sagot naman niya sa binata kasabay ng pagtango niya rito. With her permission, Chino slowly sank his lips into hers. She closed her eyes and savored the taste of Chino’s lips. His lips were so soft and sweet like marshmallow. Naramdaman niya ang magaang paggalaw ng mga labi ng binata sa kaniyang mga labi. Hanggang ang magang paghalik nito ay nauwi sa papalalim na paghalik. Tila naghahanap iyon ng katugon mula sa kaniya.  And so, even if she doesn’t know how to respond to that kiss, she still tries her very best to kiss him back with all her knowledge. Hanggang sa masanay na silang dalawa sa paghalik sa isa’t isa. Ikinawit pa niya ang mga braso sa leeg ng binata, habang hinapit naman siya nito palapit sa katawan nito.  Napapaungol pa siya sa sobrang sarap ng halik na pinagsasaluhan nila nang mga sandaling iyong. Halos pangapusan sila ng hininga nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi. Pinagdikit nila ang kanilang mga noo habang habol ang mga hiningang magkayakap pa rin.  “Your lips were so sweet. I want to kiss you more.” Iyon lang at muling inangkin nito ang kaniyang mga labi. Sa pangalawang pagkakataon, muli nilang pinagsaluhan ang walang kasing tamis na halik na kanilang pinagsasaluhan. Para silang mga uhaw na sabik na sabik sa labi ng isa’t isa. Ayaw na niyang matapos pa ang sandaling iyon dahil kakaibang saya ang dulot niyon sa kaniya. Ngunit kagaya nang nauna, muli silang pinangapusan ng hininga, kung kaya’t muling naghiwalay ang kanilang mga labi.  Sa pagkakataong ito, tila unti-unting naglalaho si Chino sa kaniyang paningin. Naramdaman rin niya na tila may pilit na humihila sa kaniya palayo kay Chino. Pilit niyang nilalabanan iyon ngunit napakalakas ng puwersang humihila sa kaniya, dahilan upang mapabitiw siya sa binata.  “No! Bitiwan mo ako!” aniya at pilit na nagpupumiglas mula sa may hawak sa kaniya. “Althea! Althea! Wake up!” wika ng kaniyang ina. ‘Wait tama ba ako? Si Mama ba ang gumigising sa akin? Ibig sabihin panaginip lang ang lahat?’bulong niya sa kaniyang sarili habang nakapikit pa ring nakahiga sa kaniyang kama. Bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata at pabalikwas na bumangon mula sa kaniyang higaan. Iniikot niya ang paningin sa loob ng silid na iyon, at saka nilingon ang kaniyang inang nakaupo sa isang panig ng kaniyang kama.  ‘Oh my! Panaginip lang pala, pero bakit parang totoong-totoo siya?’ tanong pa niya sa kaniyang sarili. “Anak, are you okay?” nag-aalalang tanong ng kaniyang ina sa kaniya, habang hinihimas-himas ang kaniyang likuran. Muli naman siyang tumingin dito at pilit ang ngiting tumango sa kaniyang ina. May panghihinayang sa kaniyang mukha nang malamang panaginip lang pala ang lahat ng iyon. “Are you sure na okay ka lang?” paniniyak pa nito sa kaniya. “Opo Ma,” sagot niya sa ina saka tiningnan ang oras sa orasang nakapatong sa kaniyang bed side table. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang oras na lang at mag-uumpisa na ang kaniyang klase!  “Ma, bakit hindi mo ako agad ginising?” tanong pa niya sa kaniyang ina habang nagmamadaling kinuha ang kaniyang gamit panligo. “Kanina pa kita ginigising hija, ikaw itong ungol lang nang ungol diyan. Ayaw mong gumising,” sagot naman ng kaniyang ina. Hindi na niya pinansin ang sinasabi ng kaniyang ina at nagmamadali na siyang nagtungo sa kanilang banyo upang maligo. Mabilis ang bawat pagkilos niya dahil may oras siyang hinahabol. ‘Kasalanan ito ni Chino eh!’ paninisi pa niya sa pobreng binata. ‘Lukaret! Wala namang ginagawa sa iyo iyong tao, ikaw itong nanaginip ‘no!’ kontra naman ng kabilang panig ng kaniyang utak. Ipinilig na niya ang kaniyang ulo saka nagpatuloy sa kaniyang paliligo. Pero hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang halik na pinagsaluhan  nila ni Chino sa kaniyang panaginip. Kahit panaginip lang ang lahat, parang totoong-totoong naganap iyon sa kanila ng binata. Napangiti pa siya habang kinakagat-kagat ang kaniyang labi habang binabalikan ang mainit na tagpong iyon sa kaniyang panaginip. ‘Eeeiii! Sana may continuation iyon mamaya!’ malandi pa niyang sambit sa kaniyang sarili. ‘Harot! Bilisan mo na nga riyan at baka ma-late ka pa sa klase!’ sermon naman ng kaniyang isip. Matapos maligo’t mag-ayos ng kaniyang sarili ay agad na ring umalis ng kanilang bahay si Althea. Malalaki ang mga hakbang niyang tinalunton ang daang patungo sa kanilang paaralan. Mabuti na lamang at malapit lang ang paaralang kaniyang pinapasukan mula sa kanilang bahay, kung kaya’t wala pang sampung minuto ay nakarating na siya roon.  Nasa gate na siya ng school nang may tumawag sa kaniya. “Althea!”  Nilingon niya ang tumawag na iyon sa kaniya. Napasinghap pa siya nang makita niyang si Chino ang tumawag na iyon sa kaniyang. Bigla rin ang paglakas ng kabog sa kaniyang dibdib habang papalapit ito sa kinaroroonan niya.  ‘Teka, parang pamilyar itong scene na ito,’ bulong niya sa kaniyang sarili. “Hi,” bati niya rito nang tuluyan nang makalapit ito sa kaniya. “Kumusta?” nakangiting tanong naman ni Chino sa kaniya. ‘Shocks! Deja vu! Mangyayari na ba ngayon ang totoong kiss namin?’ kinikilig niyang bulong sa kaniyang sarili. “Ahm, okay naman ako. Ikaw, kumusta ka na?” balik tanong naman niya rito, habang patuloy sa malakas na pagkabog ang kaniyang dibdib. “Okay lang din naman ako. Nagmamadali ka yata?” tanong pang muli ng binata sa kaniya. “Ah, eh, tinanghali kasi ako nang gising kanina eh. Kaya heto, nagmamadali nga ako at baka mahuli ako sa first subject namin,” nag-iinit ang mga pisnging sagot niya rito.  Napakagat labi pa siya nang maalala ang kaniyang panaginip kanina. Bigla ang pagkalat ng mainit na pakiramdam sa buo niyang katawan. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapapaypay sa sarili gamit ang kaniyang mga kamay. ‘Ano ba Althea, umayos ka nga!’ sermon pa niya sa kaniyang sarili. “Ahm, Chino, mauuna na ako sa iyo ha? See you around na lang!” paalam na niya sa binata, saka nagmamadaling maglakad patungo sa kaniyang classroom. Bago pa man makahalata si Chino ay iniwasan na niya ito. Baka kasi makita pa siya nitong namumula ang mga pisngi, nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD