Chapter 11

1843 Words
Lumipas pa ang mga araw at naging malapit na nga ng tuluyan sina Chino at Althea. Minsan pa nga ay nakakasabay nilang magkakaibigan ang mga ito sa panonood ng game ni Rex. Masaya naman si Chino sa kung anong mayroon sila ni Althea. Magkaibigan sila at malayang nakakasama ang dalaga ng walang ilangang nagaganap sa pagitan nila. Though sa totoo lang, habang tumatagal ang bawat araw ay lalong lumalalim ang pagtingin niya sa dalaga.  “‘Tol ano, hanggang tingin na lang ba tayo kay crush? Wala ka ba talagang balak ligawan iyan?” untag sa kaniya ni Marc. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Lester kung saan din siya nakatira ngayon at naglalaro ng billiards. Tumira muna siya bago hinarap ang kaniyang kaibigang playboy, na wala namang babae. “Paulit-ulit?” nakangisi niyang tanong dito. “‘Di ba nga, hindi pa ako puwedeng pumasok sa isang relasyon hangga’t hindi pa ako nagiging isang ganap na piloto?” aniya sa kaibigan. “Naku! Paano kapag may nanligaw ng iba riyan sa crush mo? Ang lakas pa naman ng karisma noon sa mga lalake,” gatong naman ni Rex. “Tumpak! Nakita ko pa naman siya noong isang araw na may kausap na lalake sa may science garden.”  Nilingon niya si Marc na ngayon ay tumitira na ng billiard. Kunot-noo pa niyang tinitigan ang kaibigan at tila naghihintay siya ng kasunod na sasabihin nito sa kaniya. Matapos itong tumira ay nakangisi pang humarap ito sa kaniya. “Oh, ano ka ngayon? Bakit ka natahimik diyan?” Nakakalokong ngumiti pa ito sa kaniya. “Alam mo kasi ‘tol, ang basic naman kasi ng problema mo eh. Puwede ka naman talagang mag-jowa ayaw mo lang. Bakit ‘pag nagjowa ka ba, mag-aasawa ka na agad? Hindi naman ganoon iyon eh,” sabi pa nito sa kaniya. “Uyyy, sino namang may sabi sa iyong pinoproblema ko ang tungkol kay Althea, ha?” defensive naman niyang tanong dito. “Hindi mo pa pinoproblema sa ngayon. Pero for sure magiging problema mo na soon,” nang-aasar pang tugon ni Marc sa kaniya. “Oy, oy, oy, tigilan mo na nga si Captain Chino, Marc. Ang lakas mong magpayo, eh sa lahat ng playboy na nakilala ko, ikaw lang ang walang babae!” saway naman ni Jeffrey na ikinatawa nilang lahat. Napakamot naman sa ulo si Marc saka muling hinarap ang pagbibilyar. Napasandal naman siya sa pasimano ng terrace habang hawak ang taco. Nilapitan naman siya nina Lester at Jeffrey, saka siya tinapik sa magkabilang balikat ng dalawa niyang kaibigan. “So, ano ba kasing plano mo talaga kay Althea? Crush, crush ganoon lang? Baka naman tumandang binata ka niyan? Sayang ang lahi,” saad ni Lester sa kaniya na ikinangiti niya. “Kaya nga ‘tol, may point naman si Marc eh. Hindi naman por que nagjowa ka or nanligaw ka, hindi mo na matutupad ang pangarap mo. In fact, makakatulong din sa iyo ang babae in some other ways,” segunda naman ni Jeffrey sa kaniya. Nilingon niya ito saka kunot-noong tinanong ang kaibigan, “Sa paanong paraan naman?”  “Inspirasyon! Tingnan mo ‘tol, kapag in love ka mas ginaganahan kang mag-aral nang mabuti. Tama ako ‘di ba?” sagot nito sa kaniya. “Uyyy, base on experience ba iyan Jeff?” nanunudyong tanong naman ni Lester dito. “Oo kaya huwag ka nang magulo riyan, hindi ako ang topic dito,” paiwas na sagot nito kay Lester. Tumawa naman sila ni Lester dahil saksi silang lahat kung paanong umibig at nasaktan ang kanilang kaibigan. Si Jeffrey na parang may allergy sa mga babae, napaamo ng isang transferee. But then, kinailangang umalis ng babae kung kaya’t bumalik sa pagiging grumpy guy si Jeff. “Oo na, si Chino ang topic,” naiiling na saad naman ni Lester sa kaibigan. “So, ‘tol, nasa iyo ang desisyon. No pressure, sinasabi lang namin sa iyo na puwede namang i-level up ang status ninyo ni Althea.” Baling pa nito sa kaniya. Nginisihan lang niya ang mga ito saka tumayo at lumapit sa dalawa nilang makulit na kaibigan. Mukhang nagdadayaan na naman kasi ang mga ito. Tungkol naman sa sinabi nina Lester at Jeffrey, hindi niya mapagdesisyunan ang tungkol doon. Wala kasi talaga sa plano niya ang manligaw o magkajowa man lang sa ngayon. Hahayaan na muna siguro niyang manatili silang magkaibigan ng dalaga. In that way, he won’t break his own rule. Besides, he’s happy and contented being friend with Althea for now. Kinabukasan maagang pumasok si Althea, gusto sana niyang magtungo sa kanilang library upang gawin ang huling project na kailangan niyang ipasa. Malapit na kasi ang deadline noon kaya naman balak niyang tapusin ang pagre-research, para wala na siyang iba pang aasikasuhin pagkatapos niyon.  Abala na siya sa pagbabasa at pagsusulat nang may maupo sa katapat niyang upuan. Dahil busy siya sa kaniyang ginagawa, ni hindi man lang niya sinulyapan ang naupong iyon sa kaniyang harapan. Isa pa library iyon, puwedeng maupo ang kahit na sino sa bakanteng upuan sa loob ng silid na iyon. “Aherm! Ang suplada naman.” Narinig niyang saad ng kung sino sa kaniyang harapan. Kunot-noo niya itong sinulyapan and to her surprise, ang nakangiting mukha ni Chino ang sumalubong sa kaniya.  Bigla ang pagbabago ng ekspresyon ng kaniyang mukha nang masilayan niya ang magandang ngiti ng binata. Tumahip pa nang mabilis ang kaniyang puso nang masilayan ang guwapong mukha nito sa kaniyang harapan. “Sorry, may hinahabol kasi akong research eh. Ano nga palang ginagawa mo rito?” pabulong na tanong niya rito. “Hmmm, magbabasa lang ng libro habang hinihintay ang oras ng klase namin,” diretsong sagot nito sa kaniya. “Ituloy mo lang iyang research mo, hindi kita iistorbohin. Promise!” sabi pa nito sa kaniya nang hindi siya makapagsalita agad. Ngumiti naman siya rito at saka itinuloy ang pagbabasa para sa kaniyang research. Kahit nahihirapan na siyang mag-concentrate ay itinuloy pa rin niya ang kaniyang naantalang gawain. Sobrang bilis pa rin ng pagtibok ng kaniyang puso at hindi siya makapag-focus sa kaniyang binabasa. Naco-concious kasi siya knowing na nasa malapit lang si Chino.  ‘Shocks naman oh! Kung kailan malapit na akong matapos saka naman ako hindi makapag-focus. Chino naman kasi eh!’ reklamo pa niya sa kaniyang sarili. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at saka huminto na sa pagsusulat. Hindi na talaga siya makapag-concentrate, baka kasi mamaya si Chino ang mailagay niya sa kaniyang research paper. Itiniklop na niya ang kaniyang notebook at librong ginamit at akmang tatayo nang pigilan siya ni Chino sa kaniyang kamay. “Tapos ka na?” kunot-noong tanong pa nito sa kaniya. Agad niyang nabawi ang kaniyang kamay at pamaang na napatingin sa binata. Hinawakan pa niya ang kaniyang kamay na hinawakan nito, at tila gulat na gulat sa kakaibang init na gumapang mula sa roon na mabilis namang kumalat sa buo niyang katawan. “Sorry,” nakataas pa ang kamay nitong saad sa kaniya.  “O-okay lang, nagulat lang ako. Mamaya ko na lang tatapusin itong research ko, may oras pa naman eh,” kinakabahang sagot niya rito saka pilit na ngumiti sa binata. “Bakit hindi mo pa tapusin ngayon mukhang malapit ka naman nang matapos eh,” wika pa nito sa kaniya. ‘Eh kasi nga nandiyan ka. Alam mo bang nawawala ako sa sarili kong katinuan kapag nasa malapit ka? Ha?’ sagot naman niya sa kaniyang sarili. “Ah, eh, ano kasi eh, basta mamaya ko na lang tatapusin,” tugon niya rito saka pilit na ngumiti sa binata. “Nahihirapan ka ba kasi nandito ako? Kung gusto mo, iiwan na lang kita rito para matapos mo na iyan,” nag-aalalang sabi pa nito sa kaniya. ‘Paano mo nalaman?’ tanong naman niya sa sarili. Nanlalaki naman ang mga mata niyang umiling-iling kay Chino, at sinabayan pa niya iyon ng kaniyang mga kamay.  “Naku hindi, hindi! Ano lang kasi, ahm, medyo nahihirapan lang ako ng very, very light. Ayun, ganoon nga, ehehehe,” mabilis niyang tugon dito. Ngumiti naman ito at saka kinuha mula sa kaniya ang kaniyang notebook at aklat saka iyon binuklat. Binasa nito ang mga nakalagay roon at bahagyang napakunot ang noo ni Chino, nang tila may mabasa itong kakaiba sa kaniyang notes. Tumingin ito sa kaniya ay sumilay ang nakalolokong ngiti mula rito, saka muling ipinagpatuloy ang binabasa nito. “Bakit ka ngumingiti riyan?” takang tanong pa niya rito. “Wala naman,” hindi tumitinging tugon nito sa kaniya. “Hmmm, tatapusin ko na lang itong research mo para mamaya makapagpahinga ka na, at hindi ka na maghahabol pa para rito,” sabi pa nito saka inumpisahang magsulat sa kaniyang notebook. Aawatin sana niya ang binata ngunit inilayo lang nito ang kaniyang notebook at aklat sa kaniya. Tinapik rin nito ang kaniyang kamay para pigilan siya sa pag-agaw ng kaniyang notebook. Natawa pa ito nang magulat siya sa ginawa nitong pagtapik sa kaniyang kamay.  “Huwag ka na kasing magulo pa riyan, para matapos na ito. Konti na lang naman ito eh,” saad pa nito sa kaniya, at saka ipinagpatuloy na nito ang pagsusulat sa kaniyang notebook. Dahil wala na siyang nagawa ay nangalumbaba na lang siya sa harapan nito, habang pinagmamasdan niya ang binata sa ginagawa nito. Napangiti na naman siya habang nakatunghay kay Chino, dahil naalala na naman niya ang kaniyang napanaginipan noon tungkol sa kanila nito.  That sweet torid kiss in her dream makes her feel hot. Marahas niyang ipinilig ang kaniyang ulo upang palisin ang kaniyang naisip na iyon. ‘Althea! Tigilan mo iyang kamunduhan mo, ang aga-aga pa girl!’ sita niya sa kaniyang sarili. “Okay ka lang ba?” tanong ni Chino na hindi niya namalayang nakatingin na pala sa kaniya. Bigla siyang parang nagising sa mahimbing na pagkakatulog kung kaya’t nadulas pa ang kaniyang kamay sa mesa. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit na dulot ng pagkakadulas ng kaniyang kamay sa mesa. Akma namang hahawakan siya ni Chino nang senyasan niya itong okay lang siya. “Ahm, okay lang ako, nadulas lang ‘yong kamay ko, pero okay naman ako,” atubiling sagot pa niya rito. “Ahm, tapos na ba iyan?”  tanong pa niya sa binata habang hinihimas ang nasaktang siko. “Konti na lang, pero sure ka bang okay ka lang talaga?” kunot noong tanong muli nito sa kaniya. “Oo, okay lang ako. Ituloy mo na lang iyan para matapos na iyan at makaalis na tayo rito. Baka mamaya sitahin na tayo ni Ma’am eh,” pabulong niya uling saad dito. Ngumisi naman ito saka ipinagpatuloy na ang pagsusulat nito sa kaniyang notebook. Huminga naman siya nang malalim saka muling pinagmasdan ito sa ginagawa nito.  ‘Hayst, bakit ba naman kasi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkakalapit tayo? Crush lang naman kita pero ang OA mag-react ng puso ko. Hindi kaya umiibig na ako sa iyo Mr. Vicente?’ Muli siyang napabuntong-hininga sa kaniyang naisip. Pinagsawa na lang niya ang kaniyang mga mata sa magandang tanawing nasa kaniyang harapan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD