Chapter 12

1573 Words
Napangisi si Chino nang kunin niya ang notebook na pinagsusulatan ng research ni Althea kanina. Nakita lang naman niyang puro pangalan niya ang nakasulat sa isang pahina ng notebook nito. Kaya siguro hindi nga ito makapag-concentrate dahil sa kakaisip nito sa kaniya. Natuwa naman ang kaniyang puso sa isiping iyon dahil ang ibig sabihin noon ay pareho sila nang nararamdaman ng dalaga.  Nang matapos na niya ang re-search paper na ginagawa ni Althea kanina ay muli niyang ibinalik sa dalaga ang notebook nito. Agad namang inabot iyon ni Althea at isinilid iyon sa bag nitong kulay pink saka nagpasalamat sa kaniya. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang kaniyang ginawa. Walang ka-ide-idea ito na may nabasa siya sa notebook nito.  Maya-maya ay nagyaya na itong umalis sa library, at magkapanabay na silang tinahak ang daang patungo sa kani-kanilang mga klase. Dahil mauuna ang classroom ni Althea sa classroom niya, inihatid na muna niya ito roon saka siya naglakad patungo naman sa kanilang klase. Hindi mawala sa kaniyang mga labi ang matamis niyang ngiti dahil sa natuklasang iyon sa notebook ng dalaga. ‘In time, in time,’ bulong pa niya sa kaniyang sarili na ang ibig niyang sabihin ay sa tamang panahon, popormahan niya si Althea. “Uyyy! Bakit kayo magkasama ni Chino?” usisa ni Grace kay Althea nang makapasok na siya sa kanilang classroom. Agad namang nag-init ang kaniyang mga pisngi sa tanong na iyon ng kaniyang kaibigan. Kagat labi pa siyang naupo sa kaniyang upuan saka tiningnan ang kaibigan. Nagniningning naman ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya, at tila naghihintay ng sagot mula sa kaniya. Napabungisngis naman siya saka sumagot dito. “Nagkita lang kami sa library, tinulungan niya ako sa research ko tapos ayun, hinatid niya ako rito,” banat na banat ang kaniyang mga labi sa pagkakangiting tugon niya sa kaibigan. “Eeeiii! Patingin nga ng research girl?” kinikilig pang saad ni Grace sa kaniya, saka nito hinablot ang kaniyang bag at binuksan iyon.  Wala na siyang nagawa nang mailabas na nito mula roon ang kaniyang notebook at buklatin iyon. Napapailing pa siya rito’t napasandal na lang sa arm rest ng kaniyang upuan habang nakatunghay sa kaibigan.  Napaka-tsismosa talaga nitong kaibigan niyang ito. Tinaasan niya ito ng kilay nang namimilog ang mga mata nitong sumulyap sa kaniya. Natutop pa nito ang sariling bibig habang papalit-palit itong tumingin sa kaniyang notebook at sa kaniya. “Bakit ganiyan ka makatingin?” sita niya sa kaibigan, nang hindi pa rin ito humihinto sa ginagawang pagtingin sa kaniya at sa notebook niya.  “Ano ba kasi ang mayroon diyan?” naiirita nang tanong niya rito saka inagaw mula sa kaibigan ang kaniyang notebook na tinitingnan nito. Bigla rin ang panlalaki ng kaniyang mga mata at pag-iinit ng kaniyang mga pisngi sa nakita niyang iyon sa kaniyang notebook. Napatingin siya kay Grace at sabay pa silang napatili nito. “Eeeiii! Shocks! Nakakahiya! Oh no!” bulalas niya sa kaibigan. “Afatay ka girl! Alam na ni Chino ang pinakaiingatan mong sekreto!” sabi naman ni Grace sa kaniya. Oh no! Paano pa siya haharap kay Chino ngayon? Imposibleng hindi nito nakita ang nakasulat na iyon sa kaniyang notebook dahil sa kasunod na page lang ito nag-umpisang magsulat kanina. Kaya pala nakangisi ito kanina nang abutin nito ang kaniyang notebook.  “Hala ka lagot ka ngayon, paano na iyan?” pananakot pa ni Grace sa kaniya sabay halakhak nito. “Heh! Tigilan mo ako! Eh, ano kung nakita niya iyan? Wala namang ibang nakalagay riyan ah!” kunwa’y saad niya sa kaibigan, pero deep inside kinakabahan na rin talaga siya.  Paano kung nabasa nga iyon ni Chino tapos tanungin siya nito? Anong isasagot niya? wala lang trip lang niyang isulat sa isang buong page ng notebook niya ang pangalan nito at may pa-heart, heart pa siyang nalalaman, ganurn? Bakit ba naman kasi nakalimutan niyang may nakasulat pala roon na puro pangalan ni Chino? Hayst! “Okay lang iyan girl, at least hindi ka na mahihirapang umamin sa kaniyang may crush ka nga sa kaniya,” wika ni Grace sa kaniya. “Hep! Huwag mo nang subukan pang mag-deny sa akin dahil buking ka na girl! Ayan na nga ang ebidensiya eh, oh!” awat pa nito sa kaniya nang akmang itatanggi niya iyon sa kaibigan. “Sabi ko nga eh,” tanging naisagot niya sa kaibigan saka siya nanahimik na lang sa tabi nito. “Teka, nasaan nga pala si Dianne?” Baling niyang muli kay Grace nang mapansing kanina pa wala si Dianne sa upuan nito. “Aba’y ma (short for malay ko)!” tipid na sagot naman nito sa kaniya sabay tingin sa mga daliri nito. Inirapan naman niya ito at saka muling nangalumbaba sa kaniyang arm rest.  Napalingon pa siya sa pintuan ng kanilang classroom nang nagdadabog na pumasok mula roon si Dianne. Nanlalaki ang butas ng ilong nito habang papalapit ito sa upuan nito. Umayos siya ng upo bago batiin ang kaibigan. “Anong nangyari sa iyo girl, bakit parang galing ka sa giyera?” tanong niya rito. “Ahhhhh!” namumula ang mukhang impit na sigaw naman nito sa halip na sumagot sa kaniya. “Luh, nababaliw na yata ito,” sabi naman ni Grace saka pabirong hinampas si Dianne sa braso nito. Kinalabit naman niya si Grace saka ito sinenyasang huwag maingay. “Girl, saan ka ba galing at parang galit na galit ka riyan?” tanong niya ulit dito. “Naku, naku, makikita ng Marc Gravador na iyan! Buwiset siya!” tanging saad nito sa kanila. Nagkatinginan naman sila ni Grace saka nagkangitian. Kilala niya si Marc dahil kilala ito sa kanilang campus bilang si Mr. Popular. Ito palagi ang nananalo bilang Mr. Campus kaya naman sikat na sikat ito sa kanilang school, at siyempre pa isa ito sa barkada ni Chino. Pero bakit naman kaya galit ang kaibigan niya sa binata? “Ah, eh, bakit ka nagagalit sa kaniya? May dapat ba kaming malaman?” tanong ni Grace rito. Humarap naman ito sa kanila at nagpupuyos pa rin ito sa galit. Naitakip pa nito ang mga palad sa mukha nito at muling tumili mula roon. Muli silang nagkatinginan ni Grace at nagtataka sa ikinikilos ng kanilang kaibigan. “Hoy, Dianne! Hala siya, ano ba kasing ikinaiinis mo riyan kay Marc? Anong ginawa niya sa iyo?” tanong muli ni Grace sa kaibigan.  Tinanggal naman ng kaibigan ang pagkakatakip nito sa mukha at saka nakalabing humarap sa kanila. Halos mangiyak-ngiyak rin itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Grace. “Hinalikan niya ako mga sis! Waaahhhhh!” panaghoy pa nito sa kanila habang ipinapadiyak ang mga paa sa sahig. Nanlaki naman ang kanilang mga mata saka iniusog ang upuan palapit kay Dianne. “Hinalikan ka niya as in? As in sa lips? Saan? Bakit? Paano?” naiintrigang tanong niya rito. Tinapunan naman sila ng tingin nito saka inirapan. “Bakit parang na-e-excite pa kayo riyan?” nakasimangot na tanong nito sa kanila. “Ay, ang arte! Magkuwento ka na lang kasi!” sabi naman ni Grace. Huminga muna ito nang malalim saka sumagot sa kanila, “Kasi may practice ng Mr. and Ms. SNA sa court kanina. Eh, na-late siya nang dating tinalakan ko siya, kasi lahat kami nadamay sa pagiging iresponsable niya! Tapos ang gagong iyon, bigla na lang hinawakan ang mukha ko at hinalikan niya ako sa mga labi ko, sa harapan ng maraming tao! Waaaahhhh!” Muli itong nagpapapadiyak mula sa upuan nito habang namumula ang mukha nito. Naghagikhikan naman sila ni Grace kaya tiningnan sila nang masama nito. Natutop naman nila ang mga labi nila saka nag-peace sign dito. Nang irapan sila nito ay muli silang humagikhik ni Grace, nakatikim tuloy sila ng hampas sa mga braso nila mula rito. “Aray! Kiss lang naman pala eh, bakit, hindi ba siya masarap humalik?” bumubungisngis na tanong ni Althea rito. Tiningnan siya nang masama nito saka nakasimangot na humalukipkip mula sa upuan nito. Muli silang nagtawanan ni Grace saka nag-appear. Ang sarap kasing asarin ni Dianne, dahil may pagkapikon ito. Mukhang hindi lang dahil sa kiss ang ipinag-si-sintir ng kanilang kaibigan. Habang sa klase nina Chino malapad ang pagkakangiti ni Marc na naupo sa upuan nito. Napataas naman ang isang kilay niya nang tila masayang-masaya ang kaibigan niya, habang hinihimas-himas pa nito ang sariling baba habang nakangiti.  Siniko pa niya ito at saka tinanong, “Bakit ang lapad nang pagkakangiti mo riyan?”  Lumingon naman si Marc sa kaniya na nakangiti pa rin at nagniningning ang mga mata. “Wala naman masaya lang akong nakapambuwiset ako ng isang napakadaldal na babae,” nakangisi pa nitong tugon sa kaniya. “At sino naman iyan aber?” tanong niyang muli rito. Makahulugan lang siyang tiningnan nito saka muling tumingin sa kawalan habang nakangiti. Tila may magandang pangyayaring naganap dito kaya masaya ang sira-ulo niyang kaibigan.  Napailing na lang siya saka muling binuklat ang librong kanina pa niya binabasa, pero wala naman siyang maintindihan sa nakasulat doon. Paano namang may maiintindihan siya roon eh hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang nakita niya sa notebook ng dalaga? Napangiti na lang siya saka huminga nang malalim.  ‘Nababaliw ka na Chino!’ sermon pa niya sa kaniyang sarili, saka ngingiti-ngiting ipinagpatuloy ang kunwa’y pagbabasang ginagawa niya.  Habang si Marc naman ay parang gago lang din sa kaniyang tabi habang nakangiti rin itong mag-isa. Napailing tuloy siya’t naisip na pareho sila nitong nawawala sa sariling katinuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD