Mabilis na lumipas ang mga araw at sa wakas, dumating na rin ang araw ng kanilang pagtatapos. Labis-labis ang kasiyahang nadarama ni Chino dahil nagtapos siyang may karangalan. Bukod pa roon, sigurado na ang pag-aaral niya sa kolehiyo sa tulong ng ama ni Lester. Napakalaking tulong talaga ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Hindi lang siya kinupkop nito, pag-aaralin pa siya ng ama nito. Ngunit sa kabila ng kasiyahan at tagumpay na kaniyang tinatamasa, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Hanggang sa huli, hindi man lang siya pinuntahan ng kaniyang tiyang at tiyong para batiin. Simula kasi nang umalis siya sa poder ng mga ito, ni hindi man lang siya tinangkang hanapin ng mga ito. Nakalulungkot isiping ang sariling kapatid ng kaniyang ina ay wala man lang malasakit sa kaniya. Samantalang no