Chapter 1

1216 Words
“Hoy, Chino, puro ka na lang aral. Puwede naman magpahinga boy!” Napaangat nang tingin si Chino sa nagsalita. Si Rex iyon, ang easy go lucky, at Mr. Popular sa kanilang magkakaibigan. Kasalukuyan kasi siyang nasa gym, at may tinatapos na assignment. Habang hinihintay ang mga itong matapos sa kanilang practice. Saglit siyang huminto sa pagsusulat at hinarap ang kaibigan. “Captain ball, tapos ka na bang mag-practice at nambubulabog ka na rito?” tanong niya sa kaibigan, na ngayon ay umupo na sa kaniyang tabi. “Hindi pa. Pero nagpa-sub ako, kanina pa naman ako sa loob ng court eh. Nasaan na nga pala iyong tatlo? Baka nambabae ang mga iyon ah,” sabi pa nito na ikinangisi niya. “Sira, kung may maraming babae rito, ikaw lang iyon ‘no!” naiiling niyang sabi rito. “Uyyy, hindi naman ‘no. Sadyang lapitin lang ako ang mga babes.” Hinawi pa nito ang buhok nitong medyo may kahabaan. “Hus, kunwari ka pa riyan. Oh, ayan na pala sila eh,” aniya nang makitang naglalakad ng palapit sa kanila ang tatlo pa nilang mga kaibigan. “‘Tol, kumusta?” Nag-appear pa sila bilang pagbati sa isa’t isa. “Ayos lang,” sagot ni Lester, ang pinaka-seryoso sa grupo nila. “Chill lang,” sagot naman ni Jeff, ang pinaka-suplado sa kanila. “Sakto lang,” ani Marc, ang pinaka-chill sa kanila. “Yown. Kompleto na tayo, so, tara?” Yaya ni Rex sa kanila sabay tayo mula sa kinauupuan nito. “Loko, hindi ka pa tapos sa practice mo ‘di ba?” agad niyang sabi sa kaibigan. “Ayyy, oo nga pala ‘no? Sige, saglit na lang naman ito eh. Hintayin niyo na ako. Saan ba tayo tatambay ngayon?” tanong pa nito sa kanila. “Saan pa? Eh, ‘di sa bahay nila Lester. For sure wala na namang kasama ito roon,” sagot ni Marc. “Ayos! Sige riyan lang kayo, watch me!” sigaw pa nito habang tumatakbo itong pabalik sa court. Muli niyang ibinaling ang kaniyang atensiyon sa kaniyang ginagawa. Habang ang tatlo naman niyang kaibigan, ay matiyagang nanonood ng practice game ni Rex. It’s funny how they’ve met each other, and ended up being friends. Somehow, may pagkakapare-pareho silang lima. Pare-pareho silang may mga pangarap, at problema sa pamilya. Ang isa’t isa ang naging sandalan nila. Kaya naman kahit anong problema pa mayroon sila, basta’t magkakasama sila ayos na. Natapos ang game ni Rex at ngayon nga’y, naglalakad na sila patungong sakayan ng jeep. Isang sakay lang naman mula sa kanilang paaralan, ang bahay nina Lester. Nang makarating sila sa bahay nina Lester, ay agad itong nagpahanda ng miryenda sa kanilang kasambahay. “Hanep ‘tol, ikaw na ang may maid. Yaman talaga!” sabi ni Marc habang nagtatanggal ng polo nito. “Palit tayo gusto mo?” tanong naman nito sa kaniya. “Ayaw ko nga! Okay na ako sa buhay namin. Hindi man kami mayaman kagaya mo, buo naman kami.” Agad niyang siniko si Marc. Foul kasi iyon, alam nilang lahat na broken family si Lester. Agad naman itong nagkamot sa ulo at tila nahiya. “Joke lang ‘tol!” kunwa’y sabi naman nito kay Lester, sabay peace sign. “Tsk! Okay lang, ano ba naman kayo? Sanay na ako sa ganiyan.” Tipid naman itong ngumiti sa mga kaibigan. “Ahm, ang mabuti pa, mag-movie marathon na lang tayo. Tingin niyo?” tanong ni Chino sa kanila para iligaw ang usapan. “Oo ayos iyan. Rom-com para masaya,” suhistiyon ni Rex saka ito naghanap sa laptop nito. “Baduy mo brad! Action na lang, nakakabading ang Rom-com eh,” tutol naman ni Marc. “Bawal marahas dito, ano ba kayo? Comedy na lang para nakakatawa,” sabi naman ni Jeff. “Hindi, ano ba naman kayo? Suspense, o kaya horror. Iyon ang maganda!” kontra naman niya sa mga kaibigan. Kani-kaniya namang reklamo naman ang mga kaibigan. Natatawa na lang siya dahil ayaw ng mga ito ang horror. Kaya naman binalingan niya si Lester na tahimik lang na nakikinig sa kanila. “Teka, bakit hindi natin tanungin iyong may-ari ng bahay? ‘Tol, ano sa tingin mo, maganda ang horror ‘di ba?” tanong pa niya rito. Tinapunan siya nang tingin ni Lester, saka kinuha ang laptop ni Rex. Kahit kailan talaga hindi ito masalita sa kanilang magkakaibigan. Nang ibalik nito ang laptop ni Rex, ay napakunot-noo siya, saka sila nagkatinginan ng mga kaibigan. “Iyan ang maganda. Action-comedy,” sagot nito sa kanila. At dahil ito naman ang may-ari ng bahay, wala na nga silang nagawa. Ilang saglit pa at dumating na ang kanilang miryenda. Natutok na rin ang atensiyon ng mga kaibigan sa panonood. Samantalang siya, ay pinagpapatuloy ang kanina pa naantalang assignment niya. Kilala na siya ng mga kaibigan. Alam ng mga itong hindi siya nagpapaawat sa kahit na kanino, pagdating sa kaniyang pag-aaral. Deans lister siya sa kanilang paaralan, at malaki ang tiyansang makakuha siya ng scholarship sa college, kapag nakatapos na sila ng highschool. Pinagsisikapan talaga niya iyon, dahil mahal ang kursong nais niyang kunin. Kaya naman hindi siya nagpapabaya sa kaniyang pag-aaral. Pati ang pagno-nobya ay wala sa kaniyang bokabolaryo. Pangarap kasi niyang maging isang piloto balang araw. Kaso hindi naman sila mayaman para makuha niya ang kursong iyon. Isa pa, wala naman na siyang mga magulang, na susuporta sa kaniya. Bata pa lang siya nang mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Kaya simula noon, ang tiyahin na niya ang kumopkop, at nagpalaki sa kaniya. Ang kaso wala itong balak na pag-aralin  pa siya sa kolehiyo. Ang gusto nito’y magtrabaho na siya agad pagka-graduate niya ng highschool. Para naman daw makatulong na siya sa kanila. Hindi siya makapapayag sa gustong mangyari ng mga ito sa kaniya. Kaya tanging sarili niya lang ang maaasahan niya sa mga oras na ito. Ipinangako niya sa sariling kahit na anong mangyari, magiging piloto siya balang araw. At walang sinoman ang makaha-hadlang sa pangarap niyang iyon. Kaya iisa lang ang motto niya sa buhay. Iyon ay ang; Aral muna, bago landi. “Uyyy, Captain Chino Vicente. Aba naman, natapos na ang movie lahat-lahat, tutok ka pa rin diyan sa libro at notebook mo,” untag sa kaniya ni Rex. Mukhang tapos na ang pinapanood ng mga ito. “Hayaan niyo na ako. Alam niyo namang hindi ko nagagawa ang mga ito, kapag nasa bahay na ako eh,” sagot naman niya rito. May kondisyon kasi ang kaniyang tiyahin sa kaniyang pagtira sa bahay ng mga ito. Iyon ay ang paggawa ng mga gawaing bahay, pagkagaling niya sa eskwelahan. Kaya naman wala siyang oras para gawin ang mga takdang aralin, at projects niya sa kanilang bahay. “Ayyy, oo nga pala sorry naman, nakalimutan kong may napakabait ka nga pa lang tiyahin,” nakangising saad ni Rex na ikinatawa naman nilang lahat. Ilang saglit pa at nagyaya nang umuwi si Jeffrey. Kaya naman nagsisunuran na rin sila. Pareho lang sila ng Barangay ni Lester, kaya ilang kanto lang ang kailangan niyang lakarin mula sa bahay nito. Habang ang tatlo naman ay sa karatig Barangay naman nakatira. Matapos magpaalamanan, ay nagkani-kaniya na sila nang uwi. Paniguradong magbubunganga na naman ang kaniyang tiyahin, pagdating niya sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD