Chapter 1- Aronzagas

1765 Words
Lanie’s Pov: “Baby, ready?” Papa knocks.  “Coming!” agad na sagot ko at inilagay ang tablet sa shoulder bag ko.  Mabilisang in-inspeksyon ko ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto ko.  We just arrived in Hespheria. Tinapos pa kasi namin ang mga kailangang tapusin sa Vienna. Katulad ng napag-usapan, naiwan sa Vienna si Kuya Sage sa kondisyong every available time n’ya ay bibisitahin n’ya ako dito.  Wala pang tatlong oras mula nang makarating kami rito pero naimbitahan na agad kami ng kasalukuyang Mayor ng bayan.  Childhood friend ni Papa si Mayor kaya updated ang huli sa nangyayari sa buhay ng pamilya namin. Bukas na rin ang flight nina Papa papuntang Russia kaya hindi na sila nakatanggi pa. Isa pa, simpleng dinner lang naman ang hinihiling ng kaibigan n’ya.  At ako naman, bukas na rin ako lilipat sa dormitory ng Saint Augustine.  “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang kasama ako.” Nakangusong reklamo ko pa pagkababa ng hagdan.  Marahang tinapik ni Papa ang balikat ko. “Hindi makakasama ang kuya mo kaya kailangan kahit isa sa inyo ay makasama namin. Isa pa, gusto kang makilala ni Florante. Kasing edad mo kasi ang anak n’yang nag-aaral din sa Saint Augustine.” Sabi pa n’ya bago ako pinagbuksan ng pinto sa backseat.  Hinintay din n’ya munang makapasok si Mama sa sasakyan bago s’ya pumuwesto sa harap ng manibela.  Nangalumbabang tinanaw ko na lang ang ancestral mansion nila Mama habang papalayo kami roon.  Luma pero nanatiling elegante pa rin ang disenyo ng bahay na itinayo ilang henerasyon na ang nakakaraan. Isa lang ang mansyon ng mga Inocencio sa malalaking bahay dito sa Hemisphere Village.  Napag-alaman ko ring dito rin lang sa elite village na ito nakatayo ang mansyon ng kaibigan ni Papa. May kalayuan nga lang iyon dahil nasa bukana iyon ng village samantalang nasa may dulo ang sa amin. Hindi pa nakatulong na napakalaki at napakalawak ng buong village.  May sampung minuto rin yata kaming nasa byahe bago itinigil ni Papa ang kotse sa harap ng napakalaking mansyon.  “Aronzaga.” Mahinang binasa ko ang kulay gintong pangalang nakaukit sa isang tablet stone na malapit sa pinaka-main gate ng bahay.  Mabilis na nagbukas ang malaking gate at bahagya pang yumukod ang mga guwardiya roon nang makita ang sasakyan namin. Muling nagpatuloy si Papa sa pagmamaneho papasok doon.  “Andito na tayo.” Pagbibigay-alam ni Papa sa amin pagka-park n’ya sa harap ng mansyon.  May isang naka-unipormeng lalaki ang sumalubong sa amin at kinuha ang susi ng sasakyan kay Papa.  Personal valet.  Nauna na akong bumaba ng sasakyan at kahit hindi ko tingalain ang mansyon ay parang nakaramdam ako ng pangangawit ng leeg.  Kinusot ko pa ang mga mata ko para malaman kung tama nga ba ang nakikita ko. Malaki at mataas ang mansyon. Triple ang laki noon sa ancestral mansion nina Mama, pero may ilang minuto pa yata ang lalakarin mula sa main gate papunta sa engrandeng staircase ng mansyon.  Kakaiba lamang iyon dahil napakalawak ng lupaing sinasakop niyon kahit pa nasa loob iyon ng isang village.  May malaking fountain din sa harap ng grand staircase at makulay ang paligid dahil sa napakalaking garden. Hindi ko rin maipagkakailang napakaganda ng landscape ng hardin.  “Come on.” Inalalayan kami ni Papa paakyat sa mansyon.  Kung marangya na ang labas, nakaka-speechless naman ang loob ng mansyon. Mula sa disenyo ng loob ng tahanan hanggang sa mga mamahaling muwebles ng mansyon.  It shouts nothing but wealth.  “Leandro!” A muscular man in his forties with a sophisticated woman beside him approached my parents.  “Florante, man!” Ganting bati ni Papa at niyakap din ang lalaki.  Napangiti ako nang makitang magkasundong-magkasundo sila. Pati si Mama at ang sopistikadang babaeng kasama ni Mayor na panigurado akong asawa n’ya.  Nilapitan ako ni Papa at marahang hinila palapit sa mag-asawa. “Here’s Maelanie, my unica hija.” May pagmamalaking pakilala n’ya sa akin. “Anak, he’s the Mayor of this town, Florante. And this is his wife, Laura Aronzaga.”  “Such a beautiful young lady. Just call me Tita Lau, hija.” Mrs. Aronzaga excitedly held my hands.  “Sayang nga lamang at nasa labas si Yshmael. Mabuti sana kung magkakakilala kayo.” Nakangiting dagdag pa ni Mayor.  Kiming tango lang ang isinukli ko sa papuri ng mag-asawa. Despite their aura of power and authority, komportable ako sa presensya nila. At kahit na unang beses pa lamang na nakaharap ko sila, alam kong mabuti silang tao.  May kalahating oras din yatang nagkwentuhan sila bago nagyaya si Mayor na maghapunan.  Nanatili lamang ako sa buong durasyon ng pagkain. Hindi rin naman ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila.  Eksaktong natapos akong kumain nang marinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko.   "Excuse me po,” paalam ko sa kanila.  “Go on. Have a tour here. Kaysa naman ma-boring ka sa pakikinig ng usapan ng mga matatanda.” Nakangiting pagtataboy sa akin ni Tita Laura.  Muli akong yumukod sa kanila bago lumabas ng dining. Muntik pa akong maligaw mahanap lang ang palabas ng mansyon.  Agad na bumaba ako ng hagdan at sumandal sa haliging nasa pinaka- ibaba niyon.  “What took you so long, Lil Pup?” agad na tanong sa akin ng nasa kabilang linya.  “What is it Page? Anong problema mo?” ganting tanong ko sa kanya.  “Wala akong makulit. Where are you?” simpleng sagot n’ya at dinig ko pa ang pagtipa ng mga kamay n’ya sa keyboard. Sigurado akong may pinapasok na naman na system ang lalaki.  “Neighbor,” maikling sagot ko at naglakad-lakad. Lumapit ako sa fountain at pinanood ang mapagmataas na tubig na inilalabas niyon.  “Do you have your tablet with you?” I heard excitement in his voice.  Mabilis na kinuha ko ang headset ko at isinaksak sa cellphone ko. Inilagay ko ang cellphone sa bag at kinuha ang tablet.  I know this. May ibibigay na naman na link o mga impormasyon ang lalaki. Dahil katulad ng isa kong laptop, ang tablet na hawak ko ay alternative ko sa deepdiving. Inayos na rin ni Page ang tablet ko kaya wala akong dapat na ikatakot kung sakali mang sensitive ang impormasyong ipapadala n’ya.  “I just sent it. Take a look.” Kung kanina ay excited, ngayon ay parang kinakabahan na ang boses n’ya.  “May problema ba?” tanong ko.  Nakakapagtaka rin kasi na tinawagan n’ya ako. Sabagay, sa DWD’s, s’ya lang naman ang binigyan ko ng numero ko.  I heard him sighed. “I’m curious at the same time worried. What I sent you is about Hespheria, Lanie.”  Natigil ang tangka kong pagpindot sa link na ipinadala n’ya nang marinig ang sinabi n’ya.  “What do you mean?”  Muli kong narinig ang paghinga n’ya ng malalim bago sumagot. “Isa sa pinakatahimik na bayan ang Hespheria. Ni kahit minsan ay hindi ito nasangkot sa kahit anong krimen pero iba ang sinasabi ng article na iyan.”  Napakunot ang noo ko at tuluyang binuksan ang link na ibinigay n’ya.  Dalawa iyon. At halos kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang title pa lamang ng article.  The fake and cruel town of Hespheria.  Wilemna Salazar: The missing heiress.  “Where did you get this Primo?” tanong ko sa lalaki. Katulad n’ya, tinatawag ko lamang s’ya sa pangalan n’ya kapag seryoso na ang usapan namin.  Pamilyar din sa akin ang pangalang nabanggit sa title ng article. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko narinig iyon.  Hindi s’ya sumagot. Kilala ko na si Page, kapag sensitibo ang paksa, hindi s’ya sasagot. Mananahimik lang talaga s’ya at kahit pigain ko s’ya, wala akong makukuhang sagot sa kanya.   “Page...”  “Don’t ask me the details Maelanie. Read that article. Binigay ko sa’yo iyan dahil naisip kong kailangan mong malaman ang tungkol dyan. But, walang makakapagpatunay sa impormasyong nandyan kaya maaaring hindi iyan totoo at pawang paninirang puri lamang. Just read it. And do nothing.” Pinal sa sabi n’ya at binabaan na ako.  “This jerk.” Inis na sabi ko na lang.  Itinuon ko ang atensyon ko sa tablet ko. Ngayon ko rin lang napansin na nanginginig ang kamay ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at muling tinitigan ang dalawang pamagat ng article.  Hindi iyon katulad ng mga ordinaryong link na pag pinindot ay magkasamang lalabas ang title at nilalaman noon. Paniguradong may ginawa na naman si Page para maihiwalay ang content ng article sa title nito.  Page is somewhat brusque, but I know that he cares. Kaya nga ganito ang ginawa n’ya para kahit paano ay maihanda ko ang sarili ko sa maaaring mabasa ko.  At ginagawa n’ya lamang ito kapag sensitibo ang mga impormasyong ibinibigay n’ya.  “Who are you?”  Natigil ang tangkang pagpindot ko sa naka-highlight na title nang bigla na lang may lalaking lumitaw sa harap ko.  “Oh! Damn it!” Hindi ko napigilang mura nang mahulog sa fountain ang tablet.  “Who are you?” muling tanong ng matangkad na lalaki.  Salubong na salubong ang kilay n’ya at malamig ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi s’ya tingalain dahil sa tangkad n’ya, hanggang balikat n’ya nga lang yata ako.  Inismiran ko na lang s’ya at sinubukang kunin ang tablet kong nag-swimming sa fountain. Iyon nga lang, ni kahit anong abot ko ay hindi ko makuha iyon. Malalim kasi ang tubig at mababasa na ang manggas ng damit ko.  I heard him chuckled.  Naramdaman ko na lang ang paghila n’ya sa akin palayo sa fountain. Nagtatakang napatingin ako sa kanya nang itupi n’ya ang long sleeve nya.  Dumako ulit sa akin ang mga malamig n’yang mata bago walang imik na inabot ang tablet.  “Stop wandering in my place. Such a klutz," malamig na sabi n’ya at basta na lang iniabot sa akin ang basang tablet.  Napamaang na lang ako sa sinabi n’ya. Hindi ko na rin s’ya nasagot dahil kaagad na tinalikuran n’ya ako at umakyat sa mansyon ng mga Aronzaga.   ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD