Chapter 2- Yshmael Marco

1763 Words
Lanie’s Pov: “Are you sure, you’re okay here?” for the ninth time ay tanong ni Mama sa akin. Nandito na kami sa Saint Augustine. Inihatid nila ako hanggang dito sa dormitory ng eskwelahan. Ngayon kasi ang unang araw ko kaya naman maaga kaming pumunta rito para ayusin ang mga gamit ko at siguraduhing walang naging problema sa transfer papers ko. “Hon, don’t worry. Malaki na ang anak natin. Kaya na ni Lanie ang mga ganitong bagay,” nangingiting sabi ni Papa at tinapik ang balikat ni Mama. “Baka ma-late na kayo sa flight n’yo, ‘Ma,” segunda ko kay Papa. Mahirap na baka mag-drama rin ako rito. Ilang bilin pa ang mga sinabi nila bago nagdesisyong umalis. Hinintay ko lang silang makaalis nang tuluyan bago muling pumasok sa kwarto namin. Malaki ang kwarto rito sa dorm dahil na rin sa apat ang estudyante sa bawat kwarto. Nakilala ko na ang dalawa sa kanila kaninang umaga at nalaman ko rin na lahat sila ay pawang taga-rito. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka ako nagpalit ng uniform. Maging ang istilo ng uniform dito ay base rin sa foreign policy nila. Puting long sleeved polo ang panloob ko na tinernuhan ng kulay cream na blazer. Maging ang above the knee na palda ay kulay cream ganundin ng ribbon. Hindi ko rin maiwasang hindi purihin ang kapal ng tela ng palda. Matapos ayusin ang mga gamit ay nagdesisyon na akong lumabas. Maaga pa naman kaya mas mabuti kung magiging familiar ako sa paligid. Malaki ang Saint Augustine, nasa kanang bahagi ang tatlong malalaking gusali na may tig-pitong palapag bawat isa. Ang dalawa sa tatlong building na iyon ang ginagamit para magklase. Sa isa naman ay para sa mga clubs ng school. Sa bahagi ring iyon matatagpuan ang building na para naman sa opisina ng principal at mga professor. Mayroon naman iyong apat na palapag. Ang kabuuan ng unang palapag ay ang school cafeteria. At sa likod naman ng building na ‘yon ang malaking auditorium. Sa kaliwang bahagi naman makikita ang napakalaking dormitory. Nakaka-amaze pa nga dahil hindi lang basta dorm iyon, may ilang common areas na pwedeng pareho ang babae't lalaki samantalang ang mga silid ng babae at lalaki ay nasa magkabilang wing ng building. Right wing ang sa amin, left wing naman ang sa mga lalaki. Katabi ng dorm namin ang isang malaking clinic at ang malawak na library. May malawak na soccer field sa harapan ng dorm namin. May kani-kaniyang court ang bawat sports club, at mayroon ding malaking gymnasium na nasa likod naman ng dorm. Malawak ang Saint Augustine at kompleto talaga sa mga amenities. May mga parks and gardens din na nakakalat sa paligid. Ganoon din ang malaking parking lot ng eskwelahan. Sabagay, this is known as one of the elite schools. Para na nga iyong malaking university sa ganda at lawak. At kahit na nag-research ako, pakiramdam ko ay kulang pa ang mga nakuha kong impormasyon sa bago kong eskwelahan. Inilagay ko sa bag ang pamphlet na hawak ko. Nagtaka pa ako nang may basang bagay akong nakapa sa pinakailalim ng gamit ko. “Shoot!” Napatampal ako sa noo nang makita ang basa pa ring tablet. Hindi na naman iyon masyadong basa pero kaunting alog lang doon ay may lumalabas na butil ng tubig. Sinubukan kong buksan iyon pero katulad kagabi ay nabigo ako. “Iyong article!” Lalo akong nataranta nang maalala ang tungkol doon. Nawala na kasi iyon sa isip ko dahil sa nangyari kagabi. Matapos kasi ang encounter namin ng supladong lalaking nakilala ko sa mansyon ng mga Aronzaga ay nagdesisyon na ring umuwi sina Papa. Kaya hindi ko na nalaman kung ano ang koneksyon ng lalaking iyon kina Mayor. Worst, hindi ko agad napatuyo ang tablet ko. “Hays. Maghahanap na lang siguro ako ng repair shop this weekend.” Napabuntong hininga na lang ako. Muli akong naglibot hanggang sa napadpad ako sa cafeteria. Katulad ng iba pang pag-aari ng eskwelahan, kakaiba rin at halatang pinag-isipan ang disenyo ng cafeteria. Kumuha ako ng tray at tinungo ang food counter. Western breakfast ang naka-serve ngayong umaga. Umupo agad ako sa pinakamalapit na upuan nang makakuha ng pagkain at utensils. Ramdam ko ang mga matang nag-oobserba sa kilos ko. Siguradong nagtataka sila kung bakit may bagong mukha kung kailan ay patapos na ang semester. Hindi ko na lang sila pinansin at tahimik na lang akong kumain. Unti-unting nagsidatingan ang mga estudyante para mag-almusal. Napalitan ng ingay at tawanan ang kanina ay tahimik na cafeteria. “Hey! Nandito ka lang pala.” “Oo nga. Kanina ka pa namin hinahanap.” The other girl added. Isang kiming ngiti ang ibinigay ko kina Lovely at Jasleene, ang dalawa sa roommate ko. “Lanie!” Halos mabingi ako sa tinis ng boses na iyon. Natahimik din ang buong cafeteria. Isang maputing babae na may kulay brown na hanggang balikat na buhok ang nasa may pintuan ng cafeteria. Hinihingal pa s'ya habang nakatutok sa akin ang kanyang mga mata. “At last! Nandito ka na rin!” malakas na sabi pa n’ya at mabilis na lumapit sa amin. “Magkakilala kayo?” Jasleene asked. “Huh?” takang balik tanong ko sa kanya at tiningnan ang papalapit na babae. Hindi ko talaga s’ya natatandaan. “S’ya ang isa pa nating roommate,” Lovely added. Napatango na lang ako at hinintay na makalapit sa amin ang babae. Nakangiting inilahad n’ya sa akin ang kamay n’ya nang makalapit. “Grabe ka. Hindi mo man lang ipinaalam na ngayon ang first day mo rito. Mabuti na lamang at tinawagan ako ni Page.” Nanlaki ang mga matang napatingin ako sa kanya nang marinig ang pangalan ng lalaki. “Rona?” Napapalakpak pa s’ya at kaagad na yumakap sa braso ko. “Yie! Akala ko kailangan ko pang ipaalala sa ’yo ang history natin para maalala mo ako!” “Hey, Rona girl. Magkakilala kayo?” nakataas ang kilay na tanong ni Lovely.  Nagkatinginan naman kaming dalawa. Isa sa policy ng DWD’s ay ang pagiging sekreto ng grupo.  “Oo, Lovely girl. Nakilala ko s’ya nang minsang magbakasyon ako sa Vienna.”  Kung hindi ko lang s’ya kilala ay baka pati ako ay naniwala na sa alibi n’ya.  “Ah. So galing ka sa Vienna?” Jasleene asked.  Tumango lang ako at pasimpleng kinindatan si Rona.  “Teka, kayo? Bakit n’yo kasama si Lanie?” ganting tanong ni Rona sa dalawa. “Roommate natin sya girl,” Jasleene answered. “Whoa. Destiny.” Napahagikhik pa si Rona bago hiningi ang schedule slip ko. Nawala lang ang ngiti n’ya nang makitang sa iisang klase lang kami magkaklase. Ganundin sina Lovely at Jasleene, sa ilang subject ko lang sila kaklase. "Too bad,” malungkot na komento pa ni Rona at nangalumbaba. Natatawang tinapik ko na lang ang balikat n’ya. “Okay lang ‘yan. Magkasama naman tayo sa kwarto.” “Yshmael!” “My love so sweet!” Muntik ko nang matakpan ang mga tainga ko nang magtilian ang mga babaeng estudyante. May pagkalampag pa ng lamesa silang nalalaman. “Oh. Ganito na naman sila,” naiiling na sabi ni Jasleene at ipinagpatuloy ang pagkain. Napalingon ako sa dahilan ng pagwawala ng mga estudyante. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ang pamilyar na lalaki. Ang lalaking dahilan ng pagkakahulog ng tablet ko sa fountain kagabi. At base sa uniporme n’ya na katulad ng mga estudyanteng lalaki rito, estudyante rin s’ya rito. “Yshmael Marco Aronzaga,” Rona uttered. Takang napatingin ako sa kanya. Itinuro ng tinidor n’ya ang lalaki na kasalukuyang namimili ng pagkain. “Ang bunsong anak ng Mayor dito. At literal na nagmamay-ari ng eskwelahan natin.” “Hindi lang iyon. Prinsipe s***h tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya n’ya. Kung susumahin ang mga assets ng pamilya n’ya, kalahati ng Hespheria ang magiging pag-aari n’ya,” dagdag ni Lovely na mabilisan pang nagkwenta. Kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa mga sinabi nila. Kagabi, alam kong mayaman ang mga Aronzaga pero hindi ko akalain na may ganoon silang kalaking assets. Malaki at malawak ang Hespheria. Bukod dito, tunay na maunlad at asensado ito kahit pa nanatili lang itong probinsya. And owning half of Hespheria, mapapa-wow ka na lang. Agad na inalis ko kay Yshmael ang tingin ko nang tinungo n’ya ang direksyon namin. Nilampasan n’ya ang lamesa naming apat at naupo, may dalawang mesa ang layo mula sa amin. Tahimik lang s’yang kumain at tila walang pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na s’ya ng mga babaeng malapit sa kanya. “Matalino, gwapo, mayaman,” muling sabi ni Lovely. “Pero kilala rin ‘yan na cold as ice. Hindi s’ya basta-basta nakikisalamuha o nakikipag-usap kung kani-kanino.” Agad namang tumigil sa pagkain si Jasleene at sinang-ayunan ang kaibigan. “He’s Mr. Number One. Nangunguna sa buong school. Sports maniac din ang taong ‘yan at isa pa, s’ya ang Editor-in-chief ng school paper at president ng Journalism Club dito pero hindi mo naman s’ya malalapitan. It’s like he owns the world, girl!” Gusto kong mapangiwi sa mga naririnig ko tungkol sa lalaki. Wala sa sariling natitigan ko ang likod n’ya. Naramdaman n’ya yata ang pagtitig ko kaya nilingon n’ya ako. Ni hindi ko na nagawang magbawi ng tingin. Nangunot ang noo n’ya bago ibinalik sa pagkain ang atensyon. “Jerk.” Nasabi ko na lang sa isip. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko pero dala ng curiosity ay pasimple ko pa rin s’yang tinitingnan. Ilang minuto rin ang lumipas bago may dalawang lalaking lumapit at sinaluhan siya sa pagkain. Agad na lumapit si Rona sa akin at pasimpleng itinuro ang dalawang lalaking kasama ni Yshmael. “That blonde guy is Greyson. Iyong kasama naman n’ya ay si Kalvin. Silang dalawa lang ang kaibigan ni Yshmael dito. Well, pare-pareho silang mga tagapagmana. Well, lahat naman ng estudyante dito ay may mga sinasabi sa buhay ang pamilya. Connections and background,” kibit-balikat na sabi pa n’ya. Tinanguan ko na lang s’ya at tinapos na ang pagkain ko.   ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD