Two weeks ago
Lanie's Pov:
"Ma, hindi nga ako pwedeng mag-transfer. I am a capable college student na 'Ma at ayokong mag-adjust na naman. Lagi na lang akong nag-a-adjust."
Sinilip ko lang ang nag-aalburuto kong kapatid bago umakyat sa kwarto ko. Itinuloy ko ang pag-eempake ng gamit ko habang pinapakinggan ang fliptop battle nina Kuya at Mama.
"Jerico Segismundo, huwag mo akong hinuhugutan!" our mother exclaimed.
Muntik na akong mapahagalpak sa pagtawa nang marinig ang buong pangalan ni Kuya Sage.
"'Ma' naman!" Kuya again, threw a tantrum.
Sinalpakan ko na lang ng headphones ang mga tainga ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Alam ko naman kasing kahit abutin pa hanggang bukas ang diskusyon nina Mama ay mananalo pa rin si Kuya.
May point naman kasi ang magaling kong kapatid. Hindi maganda kung pati s'ya ay lilipat ng eskwelahan lalo pa't nasa huling taon na s'ya sa kolehiyo. Hassle talaga sa part n'ya iyon.
I sighed. Ganundin naman sa akin. Senior na ako at nasa kalagitnaan na ngayon ng second semester.
Nakakapagtaka pa ngang na-process agad ang transfer papers ko.
Sabagay, maimpluwensya ang parents ko. Isang Chemist si Mama at isa namang AI Specialist si Papa at kilala sila pareho sa mundo ng science at mga robots. At sapat na iyon para mas maging magaan ang buhay naming magkapatid. Lalo na't dinadala namin ang isa sa mga kilalang apelyido dito sa Vienna.
Iyon nga lang, siguradong magbabago na iyon. Pareho kasi silang magkakaroon ng assignment sa Russia kaya kailangan din naming lumipat sa Hespheria, ang bayang pinagmulan ni Mama at ang pinakamalayong bayan dito sa Vienna.
Someone removed my headphones. "Ibababa ko na ang mga gamit mo, Lanie. Ito na lang ba lahat?"
Napatingala ako kay Papa na nakangiti sa akin. "Yes 'Pa. How about Kuya Sage?"
Kumakamot sa ulong napaupo s'ya at problemadong tiningnan ako.
"Gustuhin ko mang isama ang kuya mo sa bahay natin doon para may makasama ka ay hindi naman pupwede. Magiging alanganin ang sitwasyon n'ya lalo na ngayon."
I held my father's hand. "Okay lang 'Pa. Kaya ko namang mag-isa. Saka hindi ba, weekly lang naman ako
mag-i-stay sa bahay? I heard that one of the school's policy is to stay at the dorms during weekdays."
"You already did your assignment, huh." He chuckled na ikinatawa ko rin.
Once every two years ay dumadalaw kami doon. Lalo na't nandoon ang bloodline ni Mama pero hindi kami nagtatagal kaya hindi pa rin ako pamilyar sa lugar.
Tandang-tanda ko pa na sa tuwing bibisita kami roon, hindi maitago ni Kuya Sage ang kanyang kasiyahan na tila ba nanalo s'ya sa lotto. At minsan pa nga ay nalalaman na lang namin na bumibisita s'ya roon kahit hindi bakasyon. But for the past three years, nakakapagtakang kahit minsan ay hindi s'ya tumapak roon.
Isang asensadong bayan ang Hespheria. At kilala bilang isa sa pinakamayamang bayan ng Vienna.
Even Saint Augustine, the elite school na lilipatan ko ay kilala rin dito sa Vienna. Base sa mga impormasyon na nakuha ko, foreign policy ang sinusunod ng eskwelahan. Kaya kahit gaano pa kalapit ang tirahan mo sa school, mandatory pa rin ang pagtigil sa dormitory tuwing araw na may pasok. Sa madaling salita, isa s'yang boarding school. Madami rin akong nalaman doon. Well, I have my ways and connections.
"I'll be okay, 'Pa." I assured him.
Tumango-tango naman s'ya at hinawakan ang dalawang maleta ko.
"I know. At nangako naman ang Kuya mo na bibisitahin ka n'ya roon during the weekends." Sabi pa n'ya at natigilan. Napatitig s'ya sa akin.
Sabay pa kaming napailing bago nagkatawanan.
"Kilala mo si Kuya, 'Pa. Puro kalokohan lang ang gagawin n'ya kung sakaling mag-i-stay s'ya doon!"
"Maelanie, masyado kang judgemental ah!" Sigaw nang bigla na lang sumulpot na spoiled kong kapatid.
Tinawanan lang namin s'ya ni Papa. Maya-maya pa'y sabay na rin silang bumaba dala ang mga gamit ko.
Masasabi kong sa kabila ng pagiging abala ng mga magulang namin ay lumaki pa rin kami ng maayos. Hindi rin kami katulad ng ibang mga bata na nagre-rebelde dahil sa kakulangan sa atensyon ng mga magulang.
Bata pa lang kami ay naintindihan na namin ang bigat ng trabaho nina Papa at Mama. Hindi rin namin naramdaman ang absence nila lalo na kung may mga projects at hindi maiwasang ma-deploy sila sa ibang lugar. Dahil sa tuwing nandito naman sila sa bahay ay pinupunan nila ang kakulangan nila at nagagawa nila ang mga responsibilidad nila bilang mga magulang namin. Hindi sila nagdadala ng trabaho rito at sinisigurado nilang updated pa rin sila sa mga nangyayari sa aming magkapatid.
Iyon nga lang, may pagka-spoiled pa rin si Kuya Sage. Iyon lang naman ang negatibong ugali ng nag-iisa kong kapatid. Matalino si Kuya, Dean Lister s'ya at hanga ako dahil sa kakaibang mindset na meron s'ya.
Graduating pa lang s'ya pero may sarili na s'yang stocks sa iba't ibang kompanya. Lingid kasi sa kaalaman nina Mama, may trabaho ang pilyo kong kapatid. Ang kinikita n'ya sa trabahong iyon ang ginagamit n'ya sa mga gastusin n'ya. At ang perang binibigay sa kanya ng magulang namin ay iniipon at ini-invest n'ya sa stockmarket.
At a young age, shareholder na s'ya ng ilang kompanya.
Minsan lang talaga, kakaiba ang takbo ng isip ni Kuya Sage.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinanggal ang mga isipin tungkol kay Kuya.
Napatitig pa ako sa pintuang nilabasan nila bago inilock iyon.
Inilabas ko ang dalawang laptop ko. Ang isa na ginagamit ko sa school at ang isa na nagtataglay ng pekeng IP Address. Ito ang ginagamit ko sa deepdiving.
Deepdiving is the term used for seeking the truth. Extracting facts and everything about a certain thing. Mga sekretong lingid sa kaalaman ng mga tao. Mga bagay-bagay na intensyunal na itinago sa publiko. Makikita lamang sa ang mga ito sa mga nakatagong websites at hindi basta basta mapapasok.
And yes, I'm a Deepdiver. Ito naman ang tawag sa mga katulad kong naghahanap ng mga sagot at katotohanan.
Pero hindi naman mga sensitibong websites ang pinapasok o hinahalungkat ko. Kumbaga, nasa first stage pa lang ako. Mga simpleng bagay lang ang hinahanap ko at mga mostly mga katanungan tungkol sa mga nangyayari sa bansa.
Ilang websites na rin ang napasok ko at may ilang mga sekreto na rin akong nalaman tungkol sa mga pulitiko. Pero mas minabuti kong iwasan ang ganoong mga bagay. Alam ko rin naman kasing pwede kong ikapahamak ang pagbubungkal ng mga kung ano- ano.
Nag-log in ako sa laptop na may pekeng IP address at binuksan ang group chat namin. Ang DWD o Deep Web Divers.
May isa at kalahating taon na rin akong miyembro ng grupong iyon. May anim na miyembro ang group chat namin at lahat sila ay katulad kong Deep Diver. Sila rin ang nagbibigay ng mga link o kaya ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay.
Napataas ang kilay ko nang may mensaheng lumabas.
Page:
"So.. This is your last day here in Vienna, my Little Pup?"
Napangiti ako nang mabasa ang palayaw sa akin ni Page. I typed and answered Yes.
Si Page o Primo Angelo Seo is the same age as me. Isa s'ya sa mga miyembrong kasundo ko sa grupo at ilang beses ko na ring nakausap sa personal. Magkaiba kami ng eskwelahan pero hindi ko maitago ang paghanga ko sa galing ng lalaki pagdating sa hacking.
Isa s'ya sa dalawang hacker ng grupo. S'ya din ang naglagay ng pekeng IP address ng laptop ko.
"Whoa! So I can meet you na, here?"
Napangiti ako sa bagong mensahe na dumating. Mula iyon kay Rona Lavega.
Anim ang miyembro ng grupo. Nakita't nakilala ko na ang apat dahil pare-pareho din namang sa Vienna kami nakabase. Si Rona at Page na lang ang hindi ko pa nakikita kahit minsan.
Sa Hespheria nakabase ang babae at kahit pa gustuhin n'yang makipagkita sa amin ay hindi n'ya magawa dahil sa layo.
Dito lang kasi kami sa groupchat naguusap-usap. Mas minabuti naming huwag magpalitan ng ibang social media accounts para na rin sa privacy ng bawat isa.
But not for Page. Sa galing n'yang mang-hack, wala akong nagawa nang malaman n'ya ang mga accounts ko at nagpadala ng friend requests. Kaya sa kanilang anim, s'ya ang pinakang kasundo ko.
"Mami-miss kita Lanie. I'll visit you there."
Napa-type ulit ako nang mabasa ang mensaheng mula naman kay Rhosean. S'ya ang huling babaeng miyembro ng grupo.
Hindi ko napigilang makipagkulitan sa kanila nang dumating din si Roleen, ang isa pang kasama namin sa DWD's.
Roleen:
"Looks like Master is not here."
Humiga ako sa kama at hinayaan ang sariling magbasa ng conversations ng apat. Hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Kaya hindi rin mawawala ang pagkukulitan.
Ganoon din ang curiosity lalo na pagdating sa founder ng grupo ng DWD's. Walang nakakakita o nakakakilala sa kanya. Isang napakalaking sekreto ang tungkol sa pagkatao n'ya at maging ang dahilan kung bakit itinatag n'ya ang grupo tungkol sa Deep Diving. Kilala lang namin s'ya sa pangalang Recoon.
Isang bagay lang ang ipinaalam n'ya sa amin. His gender. No more no less.
Page tried to track him pero kahit na gaano kagaling ang lalaki pagdating sa bagay na iyon ay hindi s'ya nagtatagumpay.
Minsan na ring nasabi n'ya sa akin na sa tuwing susubukan n'yang kilalanin ang lalaki ay parang nahihigop lang s'ya ng blackhole. Wala s'yang makita tungkol dito bukod pa roon ay paikot-ikot lang ang mga resulta ng paghahanap niya kaya't sinukuan na n'ya ito.
That's why we called him Master.
Kahit ako ay naku-curious sa katauhan ni Recoon. Sigurado rin akong hindi iyon ang tunay na pangalan ng lalaki.
Agad na napaupo ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko na siya namang ikinagulat ko.
"Kuya!" Inis na asik ko sa kanya nang bumungad s'ya sa pinto ng kwarto. Kahit anong lock ko sa kwarto ko ay nabubuksan pa din n'ya. Naghihinala na talaga ako na may lahing akyat-bahay ang kapatid kong ito.
"Dinner's ready Maelanie. Bumaba ka na. Huling dinner natin ito na magkakasama." And he just raised his eyebrow.
"Bababa na ako." Nakasimangot na sabi ko sa kanya at mabilis na nag-log out.
"Deepdiving again?"
Napatingin ako sa kanya. Katulad ng pagkakaalam ko sa sekreto n'yang pagbili ng mga stocks, alam din n'ya ang tungkol sa kakaiba kong libangan.
"Mind your own business, Kuya." Inirapan ko lang s'ya at inilagay na sa bag ang mga laptop.
Pinitik n'ya lang ako sa noo. "Basta know your limitation, Lil' Sis. Huwag kang magbubungkal ng ikakapahamak mo," Sabi n'ya at tinalikuran na ako.
That's his line. Paulit-ulit n'yang sinasabi sa akin iyon. Swerte ko na lang talaga na open-minded s'ya at naiintindihan n'ya ang kakaibang trip ko sa buhay.
❤