Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov
"Kheina."
Bumuntong hininga ako ng marinig ang boses ni Daddy. Ito na nga, masisintensyahan na ang shares ko sa Hell Clothing. Hindi man iyon tuluyang kukunin sa akin, ipapa-freeze lang naman ni Daddy ang lahat ng accounts ko na related dito.
Geez! Matatagalan pa bago ko ito maibalik.
Naupo si Daddy sa tabi nila Kuya Zhaiken at Zhairy tsaka diretsong tumingin sa akin. "You didn't forget our deal right?"
Tumango ako.
"Hell Clothing, ban ka sa weapon room for a year and a favor." sabi pa niya na muli kong tinanguan.
Naiintindihan ko kung bakit ganito kabigat ang parusa nila sa akin. Masyado talagang mahalaga ang mga katana'ng iyon. Ala-ala iyon ng buong angkan ng Cohen na pamilya ni Daddy, lalo na ni Lola Kenzie na namatay para ang protektahan iyon.
"And you already know what the favor is."
Muli akong bumuntong hininga.
Itong favor na sinasabi ni Daddy ang pinakamahirap pero sabi ko nga, wala akong choice. Kasalanan ko kaya kailangan gawin. Hindi porket ako ang nag-iisang babae sa'min ay kinukunsinti ng parents ko ang mga mali ko.
They punish me when I did something wrong just like what parents need to do to discipline their child. Medyo na-spoiled lang kami kay Lola Diamond na ibinibigay ang gusto namin kaya matigas din ang ulo namin.
"I'm counting on you."
"Pero, Dad. Ganoon ba talaga kalakas ang braso ni Rell to the point na wala ni isa sa sampung katana'ng iyon ang tumagal man lang sa kamay niya?" tanong ni Kuya Zhaiken. "Wala nga yata siyang isang oras sa labas tapos, uuwi nalang siyang two pieces na ang mga iyon."
"Oo nga naman, Dad." singit ni Zhairy. "Napag-aralan ko na ang content ng mga katana'ng ginawa ni Lola Kenzy at masasabi kong hindi biro ang mga materyales na iyon pero walang tumatagal kay Rell."
"Nakikita nyo naman kung gaano kalakas ang braso niya, di ba?" Itinuro ni Daddy ang mga braso kong nakadipa habang may nakapatong na sandamakmak na makakapal na libro.
Sumimangot ako. Oo na. Ako na ang amasona. Ako ba naman kasi ang laging napaparusahan ni Mommy dahil sa kalokohan ng pasaway na ito.
"Mas maganda nga yata kung magpapagawa ka na kay Ghem ng weapon na talagang kakayanin ang lakas mo para hindi ka na makasira."
"Dad, C2'z share kaya ang kapalit noon. Pumayag man ako, siguradong magwawala si Ciela kapag nalaman niyang ibinigay ko iyon." sabi ko. "Alam nyo naman kung gaano kainit ang dugo ng babaeng iyon kay Ry."
"Ano ba kasing problema ni Ciela? Lagi nalang mainit ang ulo niya sa tuwing makikita ako." ani Zhairy. "As far as I know, wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya."
Nagkibit balikat ako. Hindi ko din kasi alam kung bakit nga ba naging ganito silang dalawa samantalang dati eh, halos hindi sila mapaghiwalay.
"Itanong mo kaya kay Cielo kung anong sumapi sa kakambal niya. Siguradong alam niya ang dahilan dahil hindi naglilihiman ang kambal na yun." sabi ni Kuya Zhaiken na sinimulan na naman akong pagtripan. Pinipitik-pitik niya ang librong nasa pinakataas nitong mga hawak ko.
"Zhaiken Rhald Mirchovich!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at tinawanan ako. "Anak ng-Waahh! H'wag kang papansin! Kapag iyan, nahulog, sisiguraduhin kong tatama lahat iyan sa mukha mo!" Mas lalo niya akong tinawanan. "I'm not kidding kaya h'wag mo akong tawanan!"
"Iyon ang hinihintay ko, Rell. Pero bago mo magawa, madadagdagan ka pa ng kalahating set." At ipinagpatuloy na niya ang pagpitik kaya bumaling na ako kay Daddy at mangiyak-ngiyak siyang tiningnan.
Kahit sabihing malakas ang mga braso ko, nahihirapan at nangangalay din ako noh. Tapos gusto pa akong lalong pahirapan ng mga pasaway at baliw kong kapatid. Aaarrgg! Masasapak ko na talaga sila eh.
"Dad, si Kuya oh."
Agad lumayo si Kuya sa akin at naupong muli sa tabi ni Zhairy. Takot din naman kasi siya kapag nagsusumbong ako kay Daddy. Syempre, mas kakampihan pa din ako dahil ako ang only girl. Iyon nga lang, kapag talagang hindi ko na kayang pigilan si Kuya tsaka lang ako nagsusumbong sa kanya.
"Tama na iyan, Kheina." sabi ni Daddy tsaka inalis ang mga librong nasa kanang kamay ko."Magpahinga ka na at mag-ayos para makapunta ka doon ng mas maaga. You need to pursue him as soon as possible dahil malapit na ding matapos ang bakasyon nyo. Nagkakagulo na sa restaurant at marami na ding nahahanap sa kanya."
Ibinaba ko na ang mga librong nasa kaliwang kamay ko tsaka tumayo. Grabe talaga magparusa si Mommy, makaluma pero talagang nakakapagsisi ng kasalanan. Kahit ilang beses pa yata akong lumuhod sa munggo, hindi ako masasanay.
Ang sakit ng mga braso at tuhod ko. Ang hirap pang ilakad. Tsk.
"Oh, Rell. Kaya mo bang maglakad?" tanong ni Zhairy na ikinasimangot ko. Wala talaga silang balak tigilan ang pang-aasar sa akin ngayon.
Inirapan ko nalang silang dalawa tsaka ako tumakbo paakyat ng kwarto. Kailangan ko nang gawin ang favor ni Daddy para matapos na agad iyon. Hindi din naman kasi biro ang gagawin ko eh.
Hay.
*********
Rayzsel Garcia's Pov
"Sigurado ka na ba sa plano mo? Paano kung mahuli ka nila?" sabi nitong bestfriend kong mas kabado sa'kin nang malaman ang plano ko.
"Si Rachelle nga, nagawang makapasok doon nang hindi nahuhuli. Basta, makuha ko lang ang mga papers na kakailanganin ko, siguradong hindi na ako mahihirapan pa." Desidido na talaga akong makapasok sa school na iyon sa kahit na anong paraan. Iyon lang ang makakatulong sa akin para sa kinakaharap kong sitwasyon. At para makasama ko na din ang kapatid kong pumapasok na din doon.
"Kinakabahan talaga ako. Feel ko, may hindi tama sa school na iyan." sabi niya. "Pang-elite pero nagagawang makapasok ng mga estudyanteng nagpapanggap na mayaman. Wala ba silang background checking na ginagawa sa mga nag-eenroll?"
"Alam mo, hindi na mahalaga kung nagko-conduct sila ng background checking." sabi ko. "Ang mahalaga, nabibigyan ang mga tulad nating kapos sa buhay na makapag-aral sa isang elite school kahit pa dahil lang ito sa pagpapanggap na mayaman."
I am Rayzsel Garcia, 20 years old. Isang mahirap na naghahangad na makapag-aral sa exclusive and elite school sa Trost City kung kaya't sadya kong pineke ang papeles ko para magpanggap na anak mayaman.
Hindi kasi tumatanggap ang Royal University ng tulad kong mahirap. Para sa kanila, ang maaaring makapag-aral sa paaralang ito ay iyong mga tinatawag na royal bloods o mga nabibilang sa mayayamang angkan na nagmamay-ari ng malalaking kumpanya sa iba't-ibang panig ng mundo.
Malaki kasi talaga ang hatak ng isang RU graduate. Mataas ang credentials nito kaya kahit saang kumpanya pa ako mag-apply ng trabaho ay siguradong makakapasok ako ng walang hirap. Kaya nga kahit illegal ay talagang ginagawa ko para lang makapasok dito.
Ito lang ang tanging daan para maabot ko ang mga pangarap ko at ito lang din ang nag-iisang daan para makaalis ako sa impyernong kinasasadlakan ko nang dahil sa mga taong walang ibang alam gawin kundi saktan ako.
"Hayss. Kung talagang desidido ka na dyan, hindi na ako makikialam pa. Siguraduhin mo lang na kapag nakapasok ka na doon, kokontakin mo agad ako para malaman ko ang lagay mo." Niyakap niya ako.
"Huwag ka nang oa dyan. Sigurado akong walang mangyayaring hindi maganda sa akin dun."
"Mas mabuti nang sigurado." Kumalas na siya ng yakap sa akin. "Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo. Mukhang mainit ang ulo ng boss mo eh."
Napalingon ako sa side kung nasaan ang kambal kong boss na may-ari ng pinagta-trabahuhan ko at mukhang tama nga ang bestfriend ko. Nakakunot noo si Ma'am Ciela habang ina-assist ang barista sa counter.
"Aalis na din ako para makuha ko na iyon mga papers na kakailanganin mo." Tinapik niya ako sa balikat tsaka nagmadaling umalis kaya tumayo na din ako at naglakad papasok ng locker room.
Nabihis ako ng uniform tsaka muling lumabas para makapagsimula na.
Isa akong waitress sa C2'z Café at halos mag-iisang taon na din ang pagtratrabaho ko dito pero kakailanganin ko na ding mag-resign dahil isang boarding school ang RU. Iyong mga expenses sa loob ng school, babayaran namin iyon kapag graduate na kami kaya talagang makakatulong sa akin kapag nakapasok ako dun.
"Che, ikaw na ang mag-serve nito sa table nila Sir Ken." sambit ng isa sa kasamahan ko dito na ikinakunot ng noo ko.
"Sinong Sir Ken?"
"Ah! Hindi mo nga pala nakikilala iyong mga pinsan nila Ma'am." Itinuro niya ang dalawang lalaking nakaupo sa pinakagilid nitong café. "Ayon sila oh. Si Sir Zhaiken iyon nasa kaliwa tapos si Sir Zhairy iyong nasa kanan. Mga kapatid sila ni Ma'am Zhairell."
Tumangu-tango ako. Ito pa nga lang ang unang beses na nakita ko sila kahit pa kapatid sila ng isa pa sa boss namin na si Ma'am Zhairell.
"Oh, ikaw na ang bahala dito." Iniabot niya sa akin ang tray kung nasaan nakapatong ang order. "Beastmode na naman si Ma'am eh."
Hindi na ako nag-inarte pa. Siguradong mapapagalitan kami ni Ma'am Ciela kung hindi agad maaasikaso ang mga pinsan nila.
Inayos ko lang saglit ang mga nakapatong sa tray tsaka naglakad palapit sa kanila. "Here's your order, Sir." Isa-isa kong inilapag ang order nila sa mesa nang biglang tumayo si Sir Zhaiken at may pagmamadaling umalis kaya't nabangga niya ako.
At napapikit nalang ako nang mapaupo sa sahig kasabay ng pagbagsak ng mga dala ko.
"Che!"