Chapter 2

1086 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov   "The hell!" bulyaw sa akin ni Mommy matapos kong ipakita sa kanya ang isa sa favorite katana niya na naging two pieces na. "Sinabihan kita na kung hindi mo kayang ingatan ang katana'ng yan, eh h'wag mo nang gamitin."   "Sorry, Mom." Nanatili akong nakayuko habang nakaluhod sa madaming munggo'ng nakakalat sa sahig. Nakadipa ang magkabilang braso ko at may nakapatong na complete set ng encyclopedia sa bawat isang kamay.   "Another sorry from you, Kheina! Pang sampung beses mo nang sinasabi yan pero hindi ka natututo sa kahit na anong sabihin ko sayo. Lahat nalang yata ng katana sa weapon room natin, eh plano mong wasakin. Alam mong mahalaga iyan na galing pa sa Lola Kenzy mo."   "Sorry talaga, Mom. Hindi na po mauulit." Pilit kong pinipigilan ang hikbi ko. Alam ko kung gaano kahalaga ang mga katana'ng ginagamit ko dahil nga ang lahat ng iyon ay galing pa kay Lola Kenzy pero hindi ko naman sinasadyang masira ang mga iyon eh. Hindi ko din naman alam kung paano ipapaliwanag sa kanila.   "Tama na, Gem." dinig kong sabi ni Dad kaya nag-angat ako ng tingin.   Nakita kong ikinakalma niya si Mommy habang sinesenyasan akong umalis na pero bago pa ako makakilos eh bumaling sa akin si Mommy at sinamaan ako ng tingin.   "You'll stay there for an hour. At huwag mong susubukang tumakas dahil sisiguraduhin kong sa labas ka matutulog." banta niya na syempre, effective sa akin.   Kapag sinabi kasi nya talagang sa labas ako matutulog, literal na sa labas talaga. Walang mangangahas na tumulong sa akin dahil alam nila kung paano magalit si Mommy.   "Hindi ako ang Daddy mo para kunsintihin ang pagkakamali mo, so accept that punishment of yours." Umalis na agad siya kasama si Daddy kaya naiwan akong mag-isa dito sa sala.   "Kawawa naman ang baby sister ko." nakangising sambit ni Kuya Zhaiken nang maabutan ako sa kalagayan kong ito. Naupo siya sa sofa na nasa harap ko. "Nakasampu ka na?"   Hindi ako sumagot at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa lang niya.   "Hanggang ngayon ba, hindi mo pa din nagagawa iyong itinuro ko sayo?"   Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Makakasampu ba ako kung nagawa ko na?" balik tanong ko tsaka siya inirapan. "Tss. Umalis ka na nga lang. Wala ako sa mood makipag-asaran sayo ngayon."   "Oh."   Napangiwi ako ng marinig ang isa pang boses na palapit sa amin. s**t lang! Bakit ba kailangang pati si Zhairy ay makita ang kalagayan ko?   "Nakasampu ka na noh?" natatawang sambit nito nang makaupo sa tabi ni Kuya Zhaiken kaya sinamaan ko din siya ng tingin.   "Shut up!" singhal ko tsaka sila inirapan. Pang-inis talaga ang dalawang ito. Sarap sapakin kung hindi lang talaga ako nakaluhod dito. Tsk.   "Sinabi ko kasing gagawan nalang kita ng sariling katana'ng kakayanin ang lakas ng braso mo para hindi ka napaparusahan ni Mommy." aniya.   "Oh, tapos ang C2'z share naman ang magiging kapalit. That's f*****g no way!" matigas kong sabi. Matagal-tagal na din niyang pinag-iinteresanan ang share ko sa C2'z Café at hindi ko alam kung bakit nga ba. Ayaw naman niyang sabihin pero talagang mapilit siya.   Sadyang hindi lang ako pumapayag dahil personal money ko ang ginamit para lang makapag-invest ako doon.   "Then, i-ready mo nalang ang Hell Clothing." singit ni Kuya Zhaiken na nagpatigil sa akin. "Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang usapan nyo ni Daddy tungkol sa mga katana na nasisira mo."   Tuluyan akong nanlumo nang maalala ang deal namin ni Daddy. Dinaig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil dito.   Ang Hell Clothing kasi ang kauna-unahang business na itinayo ko kasama sina Samara at Francess kaya talagang mahalaga sa akin iyon.   Aish! Sa dami ng pwedeng makalimutan, iyong deal pa naming ni Daddy ang nawala sa isip ko.   "Isa lang ang ibig sabihin nyan." Mas lalong lumapad ang ngisi ng dalawang ito. "Kawawa naman this girl." At sinundan pa ng mapang-asar na tawa at wala akong magawa kundi ang samaan sila ng tingin.   Hindi naman kasi ako pwedeng basta gumalaw dahil oras na may mahulog na kahit isa sa librong nakapatong sa mga ito ay siguradong madadagdagan na naman ito ng kalahating set. Ganoon lang magparusa si Mommy. At sa kasamaang palad, ako ang laging napaparusahan.   Anyway, hindi ko pa napapakilala ang sarili ko yet, nakita nyo na ang kamalasang madalas mangyari sa akin.   I'm Zhairell Kheina X. Mirchovich, 21 years old. Nag-iisang anak na babae ng inyong White Queen na si Zaire Emerald at ng inyong Dark King na si McKenzie Henry.   Iyong panganay sa amin, si Zhaiken Rhald X. Mirchovich, 22 years old. Siya ang masasabi kong younger version ni Daddy pagdating sa pagiging cold. Yeah, he's that kind of guy. Pero kapag kaming mga kapatid at pinsan ang kasama niya, lumalabas din ang pagiging childish nya. May pagkapasaway at protective. Mahirap din siyang kalmahin kapag nagalit na. Namana niya ang talino at diskarte ni Mommy lalo na sa mga pagpaplano at sa car racing.   Ang bunso ay si Zhairy Ghem X. Mirchovich, 20 years old. And to tell you this, hindi ko alam kung paano ko nga ba ide-describe ang personality niya. Masyado kasing magulo ang ugaling ipinapakita nya sa lahat but most of the time, chill and relax lang siya sa kahit na anong sitwasyon. Never syang naubusan ng pasensya. Laging kalmado at in control sa sarili niyang emosyon. At kahit siya pa ang bunso sa aming magkakapatid, siya ang higit na nakakatulong sa lahat ng bagay. Pero syempre, lagi iyong may kapalit. Namana naman niya ang pagiging blacksmith ng mga Cohen at wala akong ideya kung marunong ba syang makipaglaban dahil never siyang sumama sa amin ni Kuya Zhaiken kapag nagte-training kami. Pa-mysterious kasi ang isang iyan pero ang isang bagay na gusto ko sa kanya ay pranka siya at sasabihin nya kung anong gusto niyang sabihin.   Namana ko naman ang lakas ng mga braso ni Mommy na nagiging dahilan kung bakit nakakaputol ako ng katana. Hindi kasi nito kayang i-handle ang pwersa sa mga braso ko kaya ang ending, nagiging two pieces ang mga katana. Namana ko din ang pagiging sharp shooter ni Daddy pero wala akong panama kung car racing ang pag-uusapan. Matagal ko nang itinigil iyon ng masangkot ako sa isang malaking aksidente na muntik tumapos sa buhay ko.   I'm still not ready to die. Well, not yet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD