Zhaiken Rhald X. Mirchovich’s Pov
Matapos ang pambu-bwiset namin sa nag-iisang prinsesa ng pamilya ay nagpasya kaming pumunta ng C2’z Café na pag-aari ng 2nd cousin naming sina Cielo at Ciela. Actuatly, may shares din dito si Zhairell na nanganganib mawala dahil na din sa pag-iinteres ni Zhairy sa hindi malamang dahilan.
"Anong ginagawa nyong magkapatid dito?" masungit na salubong sa amin ni Ciela Trishelle L. Lewis. Unica hija nila Tita Euren at Tito Tristan. Kasunod niya ang kakambal na si Cielo Trein L. Lewis na tinanguan kami.
"Dito namin hihintayin si Rell since dito yun didiretso kapag natapos na niya ang ipinapagawa ni Daddy." Sabi ko. Itinuon ko ang tigin sa menu para makapili ng makakain. Baka matagalan si Zhairel dahil hindi din biro ang deal nila ni Daddy. Mas mabuti ng busog ang tiyan namin nang hindi mainip.
"At may gusto din akong malaman." Dagdag ni Zhairy.
"Ano naman iyon?"
"May galit ka ba sa akin?" diretso nitong tanong kaya ibinaling ko ang tingin kay Ciela na hindi yata inaasahan iyon. "Kasi sa tuwing pupunta ako dito, kung hindi mo ako sinusungitan, pinapaharang mo ako sa mga guard nyo. So tell me, may nagawa ba ako mali na ikinagalit mo?"
"Wala ka na dun!" Napatakip nalang kami ng tenga sa lakas ng sigaw ni Ciela at sinabayan pa ng matinding walk out.
Geez! Ano ba talagang problema ng isang iyon? Ganun ba talaga kapag babae? Mahirap intindihin?
"Pagpasensyahan nyo na si Trish." Naupo sa tabi namin si Cielo.
"Ikaw ba, dude. Alam mo ba kung bakit ganun sa akin ang kakambal mo?" Hinablot sa akin ni Zhairy ang menu at namili ng oorderin niya habang ako ay isinulat na sa order slip na narito ang order ko.
Ganito kasi sa C2’z Café. May order slip na nakalagay sa bawat table at ang mga customers na ang magsusulat ng bawat order nila para iwas pagkakamali. Tsaka lang tatawag ng waiter para ibigay ang slip. Mas convenient ang ganung service para sa parehong side.
"May alam ako. Kambal kami ni Trish kaya open kami sa isa’t-isa at walang inililihim pero wala akong planong makialam" Cielo said. "I know it doesn’t bother you and you’re just curious dahil sobrang close nyo noon then biglang magkakaganito kaya itinatanong mo iyan."
"It is bothering me, dude." Ibinaba ni Zhairy ang menu at seryosong tumingin kay Cielo. Ow, seryoso nga talaga si bunso. "Sobrang close kami dati to the point na halos ako pa ang pinagkakamalang kakambal nya tapos biglang one day, magkakaganyan na sya nang hindi ko man lang nalalaman ang dahilan. It really bothers me kaya gusto kong malaman. Baka may nagawa akong mali sa kanya. Baka nasaktan ko sya ng hindi ko nalalaman. Of all people, you’re the one who really knew how much I care for your twin."
Binalingan ko si Cielo na umiwas agad ng tingin. "H'wag ako ang ipitin nyo sa problema nyo. And don’t say things like that." Hinablot nya ang mga order slip namin tsaka tumayo. "Baka makalimutan ko bigla ang pangako ko sa kanya." At dun sya umalis at pumasok ng kusina.
Hindi ko sya masisisi kapag bigla nalang nyang sabihin ang dahilan ni Ciela. Minsan lang kasi naming makitang ganito ka-seryoso itong si Zhairy. Madalas, kalmado o yung palaging relax side nya ang ipinapakita sa amin. Yung tipong magdadalawang isip pa kami kung apektado nga ba sya sa mga nangyayari o hindi. Napakahirap nyang basahin at kapag ganitong nagseseryoso sya, wala kang choice kundi maniwala dahil kahit na anong sabihin nya, siguradong 100%, totoo.
Bumaling ako kay Zhairy. "You tell me, bro. Bakit ba gusto mong makuha kay Zhairell ang shares nya dito sa C2’z?"
"Para may rason ako sa palaging pagpunta ko dito at hindi na magawang makaiwas sa akin ni Ciela." Diretso nyang sabi. "Mas lalo syang naging mailap this past few days at talagang nakakabaliw na ang pag-iisip sa kung bakit nga ba sya biglang nagkakaganyan."
Tumangu-tango ako. Mula kasi ng makabalik galing Canada ang kambal na iyon ay mas madalas silang magkasama ni Ciela. Sila din ang madalas magkasama sa school at talagang hindi mapagiwalay. "Sure ka bang wala kang nagawa na ikinagalit nya?"
"Wala akong maisip. Halos hinukay ko na ang utak ko pero malinaw talaga sa alaala ko na wala akong nagawa na tingin ko ay mali para magalit sya ng ganyan." He said. "Kaya nga gusto kong malaman sa kanya dahil iba ang perspective ng babae. May mga bagay na tingin nating mga lalaki na tama pero para sa tingin nilang mga babae ay mali. Pero paano ko malalaman iyon kung hindi nya sinasabi sa akin." Inis nyang ginulo ang buhok. "Hindi ako mind reader para malaman ang iniisip nya. Tsk."
"Anong exact situation nyo before sya umiwas at magalit sayo?"
"Just like what we usually do. Hanging out sa mall, shopping, food trip tapos nanonood ng sine." Kung hindi namin kamag-anak si Ciela, iisipin kong kaya ganun sila kalapit ay dahil may relasyon sila. They always hang-out na para couple. Sobra-sobra din ang pagiging protective ni Zhairy na dinaig pa si Cielo. Protective din naman sya kay Zhairell pero hindi tulad ng ginagawa nya kapag si Ciela na ang pinag-uusapan.
"Wala nga akong makitang reason kung bakit sya biglang nagalit sayo." Bumuntong hininga ako at sumandal sa kinauupuan ko.
"See. Kahit ikaw, walang makitang rason." Bumuntong hininga din sya. "Sya lang talaga ang makakapagsabi kung bakit sya nagkakaganyan."
"Para kayong couple na may LQ. Tapos ikaw naman itong boyfriend na sinusuyo ang girlfriend." Hindi ko na napigilang sabihin. Masyado na kasi talaga nilang pinapalaki ang sitwasyon nilang ito.
"Kung pwede nga lang, bakit hindi." Ibinaling nya ang tingin kay Ciela na nasa counter at nag-aassist ng mga barista nila dun. "Kung tutuusin, masasabi kong sya na ang pinaka-the best na babaeng nakilala ko."
Ibinaling ko nalang ang tingin sa labas. Salamin ang nagsisilbi nitong pader kaya nakikita ko ang lahat nang nangyayari sa labas. At nakuha ng isang babae ang atensyon ko.
Mag-isa itong patawid sa pedestrian lane. Wala namang kakaiba sa paglalakad nya at mukhang aware sya sa paligid pero hindi ko alam kung bakit parang may maling mangyayari.