3rd Person's Pov
Takbo dito. Takbo doon.
Walang ibang ginawa ang isang babaeng luhaan kundi ang tumakbo palayo sa lugar na kanyang pinanggalingan.
Nababalot siya ng matinding takot at nakararamdam na din siya ng pagod ngunit pilit niya itong nilalabanan sa abot ng kanyang makakaya. Batid niya na walang maidudulot na mabuti sa kanya ang pagtigil sa gitna ng masukal na gubat na kanyang kinalalagyan. Kaya't hinahayaan niyang mangibabaw ang kanyang pagnanais na makalayo sa lugar na iyon.
Maliban pa dito, pilit din niyang iniinda ag matinding sakit na dulot ng dalawang malalalim na sugat na kanyang natamo sa kanang balikta at kanang tagiliran na patuloy na nagdurugo kahit nababalot na ito ng puting tela. Sa kanyang kanang pisngi naman ay may malaking nakaukit na eks na sariwa pa dahil sa pagtulo ng dugo nito sa kanyang pisngi.
Unti-unti na siyang nabubuhayan ng pag-asang makaalis sa lugar na iyon ng matanaw niya ang isang mataas na pulang pader. Kakailanganin nalang niya itong akyatin upang tuluyan na siyang maging ligtas ngunit natigilan siya at napahakbang paatras nang makita ang ilang grupo na animo'y nagbabantay sa nasabing pader.
Agad siyang sumandal sa katawan ng punong pinakamalapit sa kanya at nagsimulang magmasid sa paligid at ganun nalang ang kanyang pagkadismaya ng makitang wala siyang maaaring daanan para makarating sa pader na siyang magliligtas sa kanya. Mas lalo pang nawala ang pinanghahawakan niyang pag-asa ng mamataan ang ilang kabilang ng grupong iyon.
Hindi! Kailangan kong marating ang pulang pader! Kailangan kong makaalis sa impyernong ito!' Tinakpan niya ang sariling bibig upang maiwasang makagawa ng kahit na anong ingay dahil nagsimula na naman siyang maiyak.
Agad siyang lumihis ng daan upang maiwasan ang mga nag-aabang na grupo. Alam niyang oras na makita siya ng mga ito ay walang awa siya nitong papatayin tulad ng ginawa nito sa iba pa niyang kaibigan.
Ngunit sa kanyang kapabayaan, hindi niya nagawang mapansin ang isang trap na naging dahilan ng kanyang pagkakadapa.
Malakas syang dumaing dahil sa lakas ng pagkakatama ng kanyang tiyan sa malalaking ugat na nakausli sa lupa. Nakaramdam din siya ng matinding pagkirot sa kanyang kanang paa na mas lalong nagpaluha sa kanya. Dahan-dahan niya itong nilingon at bumungad sa kanya ang duguang paa na nakaipit sa bakal na trap na natapakan niya kanina.
Ang trap na ito ay may matatalas na ngipin na siyang nakabaon ng husto sa kanyang paa kung kaya't hindi na niya kinaya pa ang ikilos man lang ito. Lalo din itong nagdurugo sa tuwing susubukan nyang gumalaw kaya't nanatili nalang siya sa kanyang pagkakadapa.
"Nandito na pala ang target."
Nanigas ang kanyang buong katawan sa takot ng marinig ang pamilyar na boses na alam niyang palapit sa kanya. At dito siya tuluyang napaiyak lalo na ng makita niya ang dalawang pares ng paa na nakatayo sa bandang uluhan niya.
Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin at pakiramdam nya ay tinakasan na siya ng lakas ng masilayan ang mala-demonyong ngisi ng isa sa mga ito.
"Hindi mo ginalingan ang pagpapanggap." nailing na sambit ng lalaking nakangisi. Lumapit pa ito sa tabi niya at naupo . "Sinabihan naman kita tungkol sa mga taong hindi mo dapat pinagkatiwalaan pero hindi ka nakinig sa akin, Meryl."
"J-Jerson." mahina niyang sambit habang pilit nilalabanan ang kirot na kanyang nararamdaman ng dahil sa mga sugat niya. "Ma-maawa ka. H'wag mo akong patayin."
Ngumisi ang lalaking tinawag niyang Jerson at hinaplos siya sa pisngi. "Bakit kasi hindi ka nakinig sa akin. Hindi ka nakuntento sa proteksyong ibinibigay ko sayo. Naghangad ka ng higit sa kaligtasan mo kaya ito ang nangyari sayo. Pero h'wag kang mag-alala. Hindi naman kita papatayin."
Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng sabihin iyon ni Jerson. Alam niyang kapag sinabi nito ay talagang tinutupad nito. Ngayon sya nagsisisi dahil nagpalinlang siya sa ibang grupo at hindi na lamang nakuntento sa proteksyong ibinibigay ng lalaking ito.
"Pero hindi din kita bubuhayin."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at dito tuluyang nabasag ang pag-asang pinanghahawakan niya kanina.
"Hindi ako tanga para pagbigyan ka pang mabuhay, Meryl. Ikaw ang pumili ng kapalaran mo sa loob ng eskwelahang ito kaya magdusa ka." Tumayo ito at unti-unting naglakad palayo sa kanya.
At tuluyan na siyang binalot ng takot ng makita ang isang grupo ng lalaki na pawang mga nakangisi at may bitbit na kung anu-anong sandata.
"Kayo na ang bahala sa pinakamamahal ko. Siguraduhin nyong mag-eenjoy siya sa huling oras niya sa mundong ito." ani Jerson sa mga bagong dating na lalaki.
"Kami ang bahala sa kanya, Boss."
"H'wag! Jerson! Tulungan mo ako! Maawa ka sakin!" sigaw ni Meryl nang hawakan na siya ng isa sa mga lalaking iyon. Sinubukan pa nyang pumiglas ngunit wala na ding silbi dahil hirap na din siyang makagalaw nang dahil sa kalagayan niya. "Aaaahhh! Tulungan nyo ako!"
"Walang tutulong sa isang tulad mong black blood. Idagdag pa na isa ka ding taksil. I-enjoy mo nalang ang huling gabi mo." Tuluyan na itong lumayo sa kinalalagyan ni Meryl kasunod ang isa pang lalaki na kasama niya pa kanina.
"You're f*****g coward, Jerson." malamig na sambit ng lalaki.
Natigil sa paglalakad si Jerson at malamig na tiningnan ang lalaki. "Say whatever you want, Wren. Hindi nyan mababago ang lahat ng nangyayari ngayon."
"Yeah. But at least, let me do this." Isang suntok ang pinakawalan nito na tumama sa kanyang sikmura na naging dahilan kaya siya napaluhod. "Be a man, bro. Mas maaga kang mamamatay sa mga pinaggagagawa mo." Umalis din agad ito at iniwan siyang namimilipit sa sakit.
"You're wrong, Wren! You're f*****g wrong! Hindi ako mamamatay sa imyernong eskwelahang ito. Hindi dito because I am f*****g royal blood!" malakas niyang sigaw na sinundan ng malakas na sigaw ni Meryl.