Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov
Wala namang kakaiba sa babae pero hindi ko alam kung bakit hindi ko din maialis ang tingin sa kanya.
Bumuntong hininga ako at akma na sanang ibabalik ang atensyon kay Zhairy nang hindi sinasadyang maibaling ko ang tingin sa stop light at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng bigla itong mag-green light kahit nasa kalahati palang ang nalalakad ng babaeng iyon.
Mas naalarma ako ng makita ang isang rumragasang truck na dire-diretso ang takbo at posibleng masagasaan ang babaeng tinitingnan ko.
At hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang maisip ang posibleng mangyari kaya naman agad akong tumayo not minding anyone around me dahil nakatuon lang ang buong atensyon ko sa babaeng iyon.
Nang makalabas ako ng café ay agad akong tumakbo palapit sa babaeng kaya’t bago pa sya tuluyang masagasaan ay hinablot at niyakap ko na sya ng mahigpit dahilan para matumba kami sa gilid ng kalsada.
Binalingan ko ang truck na muntikang makasagasa sa kanya pero hindi man lang ito tumigil at dire-diretso lang palayo.
Damn it! Mukhang sadya ang pangyayaring ito at gusto talagang patayin ang babaeng ito.
Wala ding plate number ang saksakyan kaya imposibleng ma-trace. At hindi na din ako aasa na may makukuha akong footage mula sa mga cctv na nakakabit sa paligid dahil mukhang na-hack na din ang system ng mga iyon.
Dahan-dahan syang gumalaw at bumangon sa pagkakadapa. "A-anong nangyari?"
Bumangon din ako at pinagapagan ang damit ko tsaka ko sya tinulungang makatayo. "Muntik ang masagasaan ng truck."
Mukhang inaasahan nya ang bagay na yun dahil hindi man lang sya nabakasan ng gulat sa nalaman at umiling-iling nalang. "Hindi talaga sila titigil hangga’t hindi ako napapatay."
"So, may nagtatangka talaga sa buhay mo?"
Tumingin sya sa akin at bahagyang nabigla. "I-isa kang Mirchovich."
Tumangu-tango ako. I am Zhaiken Rhald X. Mirchovich, 22 years old at dahil sinusunod pa din ni Mommy ang rules ng pagiging Xermin, kami palang ni Zhairell ang ipinapakilala bilang mga anak nila habang tago pa din ang identity ni Zhairy.
Mabilis syang nag-bow sa harap ko. "Salamat sa paliligtas pero wala akong planong idamay ka sa gulo ko. Kalimutan mo na nagkita tayo." At mabilis syang tumakbo palayo sa'kin na hindi ko na nagawang habulin.
She’s weird. Para sa isang babaeng pinagtatangkaan ng buhay, masyado syang kalmado. Dapat nga, humingi na sya ng tulong sa akin gayong alam nyang galing ako sa pamilyang may malakas na koneksyon sa mga nakatataas pero mas pinili pa nyang hindi ako idamay sa problema nya.
Umiling-iling nalang ako tsaka naglakad pabalik sa café at naabutan kong nagkakagulo silang linisin ang part kung saan kami nakapwesto kanina at wala doon si Zhairy. Inilibot ko ang tingin sa buong café. Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon?
"Zhaiken Rhald!"
Napalingon ako kay Ciela na bakas ang galit habang papalapit sa akin kaya napakunot noo ako.
"Walang hiyang lalaki ka!"
"Teka! Wait lang!" pilit kong sinasangga ang mga kamao nya nang bigla nya akong paulanan ng suntok paglapit nya sa akin. "Hoy! Ano bang kalokohan ito!" Takte, akala ko ba kay Zhairy sya galit? Bakit pati ako, binubugbog nya?
"Dahil sa pagiging bayani mo sa labas, naaksidente naman yung waitress na nabangga mo sa sobrang pagmamadali mo!" sigaw nya at hindi ko na nagawang iwasan ang sipa nya na tumama sa kanang binti ko.
"s**t!" Iba kapag ang babae ang nananakit. Mabuti nalang masyado pang maaga kaya kakaunti palang ang customers dito at malayo pa ang pwesto nila sa amin kaya hindi kami nakakaistorbo kahit nagwawala si Ciela.
Napaupo nalang ako sa sahig habang hinihilot ang binti kong sinipa nya. Namana talaga nya ang pagiging brutal ni Tita Euren. Tsk.
"Okey sana kung yung mga dala lang ni Che ang bumagsak sa sahig, kaso sa lakas ng pagkakabangga mo, ayun! Malakas din ang lagapak nya sa sahig at hindi magawang makakilos ng ayos." Akma pa nya akong sisipain kung hindi pa dumating si Cielo para awatin sya.
"Hindi ko sinasadya, okey?" Damn it! Ang sakit talaga ng binti ko dahil sa sipa nya. "Alangan naman kasing hindi ko pansinin yung babaeng muntik maaksidente sa labas."
"We got your point, dude. Pero naging careless ka kasi eh." Ani Cielo tsaka iniharap sa akin ang isang resibo. "Bayaran mo. Hindi pa kasama dyan yung pampaospital ni Che maging ang mga gamot na kakailanganin nya. Hindi din sya makakapasok kaya kailangan mong sagutin ang sahod nya for the days na nagpapagaling sya. At dahil kulang sa tao ang Café, kailangan mo ding palitan si Che sa pagiging server dito."
"I don’t f*****g care about the money pero hindi mo ako mapagta-trabaho dito." Hindi ako kasing spoiled ni Zhairell pero kung pagta-trabahuhin lang naman ako, I’d rather choose Xermin’s Company. Not here kung saan masyadong maraming tao. I hate being exposed to public. Kaya nga ganito kami kaaga nagpunta dito.
Lumapit sa amin si Zhairy na kapapalit lang ng damit. "Ako nalang ang sasalo sa schedule nung Che."
"No way!" angal agad ni Ciela
"It’s your choice. Bahala kayong magkulang sa tao o hahayaan nyo si Ry na pumalit dun sa waitress dahil hindi nyo talaga ako mapipilit na magtrabaho dito." Tumayo ako at kinuha ang resibong hawak ni Cielo. "Yung tungkol sa waitress nyo, pakitawagan si Heila. Ibigay nyo sa kanya ang details ng babae para maasikaso nya."
Si Heila Aether V. Henderson ang unica hija nila Tito Heil at Tita Freya. At dahil sa parusa sa kanya ni Tita, kasalukuyan syang assistant ko. She’s a brat pero habang tumatagal ay maayos na ang attitude nya habang nagta-trabaho sa'kin. Well, hindi din uubra ang pagiging brat nya.
"Oh, anong nangyayari dito?" tanong ni Zhairell na kararating lang.
"Iyang mga magagaling mong kapatid. Perwisyo!" Tinalikuran na kami ni Ciela tsaka kami binalingan ni Zhairell at sinamaan ng tingin.
"Wag ka nang magsungit dyan, Rell." Inakbayan sya ni Zhairy bago pa makapagsalita tsaka tumingin sa akin. "Thanks to you, Kuya. Hindi ko na kailangang kunin ang shares ni Rell dito."
"You better not waste this chance para malaman mo kung bakit nagkakaganyan si Ciela." Tinapik ko sila sa balikat at hindi na pinansin ang masamang tingin ni Zhairell. Naglakad na ako palabas ng café
Mas mabuti pa yatang pumasok nalang ako sa company.