Zhairell Kheina X. Mircovich’s Pov
Hindi ko talaga alam kung anong trip ni Zhairy at gustong-gusto nyang nandito sya sa C2’z Café. Talaga nga namang pumayag syang maging waiter dito kahit simula palang ay inuutus-utusan lang sya ni Ciela.
Mukhang nag-eenjoy sa ginagawa at mas natutuwa kapag naiinis si Ciela. Ayos din sigurong may pinagkakaabalahan sya habang bakasyon. Masyado syang tutok sa pag-aaral kapag may klase at bihira mag-relax.
"Anong trip ng kapatid mo? Bakit sya nagpapaalila kay Trishelle?" tanong ni Samara Zein V. Moretz na kasama ko ngayon. Sya ang panganay na anak nila Tito Hunter at Tita Frey na isa sa mga bestfriends ko. Hindi naman siguro nakakapagtaka yun, di ba? Magbestfriend ang mommy namin kaya talagang magiging magbestfriend din kami.
"Nakaperwisyo sila ni Kuya Ken kanina kaya ayan, sya ang pumalit dun sa waitress na na-ospital."
Tumangu-tango sya. "Na sinamantala nyang si Ry para may reason sya sa pag-stay dito ng hindi kinukuha ang shares mo."
"Yup. Masdyado syang affected sa biglaang pagiging cold ni Trish." At hindi ko din talaga alam kung bakit ganito nalang sya ka-affected. Malihim si Zhairy kapag ganitong personal na nyang nararamdaman ang pinag-usapan kaya hindi ko din masabi kung bakit nga ba.
At hindi ko din maintindihan si Ciela dahil kung tratuhin nya si Zhairy ay parang may malaking kasalanan itong nagawa sa kanya. Ayaw nga nyang napapalapit sa kanya ito. Sadyang makulit lang si Zhairy.
Pero noon, halos lagi silang napagkakamalang may relasyon dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Kung hindi lang talaga namin sya second cousin, iyon din ang iisipin naming mga kaibigan nila.
Alam kong may alam si Cielo pero mas pinili nyang manahimik at wag makialam. Sa bagay, hindi namin problema iyan. Kung anuman ang pinag-aawayan nila, sana lang, matapos na dahil nakakairita silang tingnan. Tsk. Pinapakumplikado lang kasi nila ang issue nila.
"Hay nako. Kung hindi nyo lang talaga second cousin si Trishelle, iisipin kong may relasyon ang dalawang iyan at may lq lang." Nailing sya tsaka itinuon ang tingin sa cellphone. "Anyway, ano na palang balita?"
Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Balita saan?"
"Kay Mairon. Nabanggit ni Tito Henry na pinuntahan mo sya kanina para kumbinsihin syang pumasok na sa Gem’s Restaurant." Aniya. "Nakapag-usap naman ba kayo?"
Bumuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kanina tsaka umiling. "Ayaw pa din akong harapin. Ni hindi nya ako pinagbuksan at naghintay ako ng halos dalawang oras sa labas ng pintuan ng condo nya."
"The hell! Halos isang buwan na syang hindi lumalabas ng unit, huh." Napailing-iling sya. "Sa bagay pala, hindi ko naman sya masisisi. Masyado ka nyang mahal pero masyado mo syang nasaktan."
Napasimangot ako sa sinabi nya pero hindi na ako nag-react. Wala din naman kasi akong karapatang mag-react dahil totoo iyon. Sinaktan ko ng sobra si Mairon to the point na pati buhay nya ay talagang nasira ko kaya ako din ang dapat maghirap para makumbinsi syang lumabas ng unit nya at bumalik sa restaurant ni Daddy.
Sigurado din kasing hindi ko makukuha ang Hell Clothing hanggang hindi bumabalik ang number 1 chef ng Gem’s Restaurant.
Aish! Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari! Pero hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko. Mas importante pa din ang naging rason ko kung bakit ko nagawang iwan at saktan sya.
"Wag mo na munang isipin yang si Mairon. Malapit-lapit na din ang enrolment. Sa Hanley ka pa din ba?" tanong nya na inilingan ko.
"Plano kong lumipat ng school para matapos na ang issue. Siguradong hangga’t nandun ako, hindi titigil ng mga bitches na yun. At wala na din akong planong dagdagan ang parusa ko kina Mommy at Daddy. Mas mabuti nang umiwas nalang sa gulo." Bumuntong hininga ako tsaka inihiga ang ulo ko sa mesa. "Sana kaya kong maging tulad ng mga kapatid ko. Or kahit tulad ni Mommy na talagang kinatatakutan or in control sa mga bagay-bagay sa kahit anong sitwasyon. Siguro sa ganung paraan, hindi na ako magkakaroon ng ganitong problema."
"Kinatatakutan si Tita Zaire pero baka nakakalimutan mong mas malaki ang naging problema nila noon kaya mas okey na ding ganito lang ang problemang kinakaharap natin."Aniya. "Kahit kasi tinuruan nila tayo ng mga nalalaman nila ay nasisiguro ko na hindi natin kakayanin kung anuman ang pinagdaanan nila noon."
She’s right.
Naikwento na din ng mga magulang namin ang pagkakamali nila noon sa nakaraan. Na hindi sila naging mabuting tao at mga kinatatakutan silang demonyo na naninirahan sa ibabaw ng mundo. Ang Chess.
Ang grupo nila na syang nabuo para protektahan ang mga mahahalaga sa kanila at ang gupong nagpabagsak sa apat na pinakamalakas at pinakakinatatakutang mafia sa buong mundo.
Hinawakan nya ang ulo ko tsaka hinaplos ang buhok ko. "And you don’t have to be like them. May sarili kang kakayahan para matapos ang anumang problemang darating kaya magtiwala ka lang sa sarili mo."
"Masakit na sa ulo eh."
"Anong agenda natin ngayon?" bungad ni Francess nang makaupo sya sa tabi ni Samara at agad na nilantakan ang cake na inorder namin. "H'wag na kayong maghanap ng hi o hello. Hindi na uso iyon sa taong late."
"Pansin nga namin." Inangat ko ang ulo at tumingin sa kanya. "Bantay sarado ka na naman ni Kuya Shean?"
Tumangu-tango sya. "Adult na ako pero super protective pa din sya sa'kin at gusto nya na lagi syang kasama kapag lalabas ako ng bahay. Buti nalang talaga natakasan ko sya ngayon pero siguradong susunod din agad yun dito."
Sya si Francess Dominique A. Mirchovich. Bunsong anak nila Tito Xeric at Tita Shen. Maliban sa pinsan ko sya sa side ni Daddy, isa din sya sa bestfriend ko. At yung kuya nyang super over protective na si Xerem Shean A. Mirchovich.
"Ganyan din sa'kin si Zither kahit mas bata sya pero after syang sabihan ni Mommy, nabawas-bawasan ang pagka-praning nya." ani Samara.
"Sinabi ko na din kina Mom and Dad pero hindi nila ako inintindi. Ang sabi pa nila, intindihin ko nalang si Kuya dahil masyado lang nya akong mahal at sigurado daw na titigil din ito kapag nakita na nyang kaya ko nang alagaan ang sarili ko." kwento nya.
"Lakas kasi maka-brother’s complex ni Kuya Shean eh." Protective din naman sa'kin sina Kuya Zhaiken at Zhiary pero hindi naman tulad ni Kuya Xerem. Para sa kanila kasi, may mga bagay na kailangang ako mismo ang humaharap nang sa gayon ay matuto ako para sa sarili ko.
Pero hindi ko din naman masisisi si Kuya Xerem sa ginagawa nya kay Francess. May pagka-slow din kasi ang babaeng ito at mahirap nga namang iwanan itong mag-isa lalo na kung lalabas ng bahay.