"Jen, retouch na. Magta-time na." Nagising ako sa pagmumuni-muni sa pagtawag sa akin ni Elvie. It’s been ten years since then. I am now a High School Teacher in one of the most exclusive school in our province. Limang taon na rin akong nagtuturo. At si Elvie ay co-teacher ko. Bakit ko nga ba naalala ang lahat? "Jen i-log out mo na ‘yan..." saad niya habang nakatunghay sa laptop ko. Close kami kaya akala mo principal kung makautos sa akin. "Ok, saglit lang!"sagot ko naman. I clicked confirm. Yes, nag-friend request si Andrei sa akin sa f*******:. Naalala niya ako. After all those years. I wrote on his wall: "Oi, kilala mo pa pala ako?" and then I logged out. *** Pagkatapos ng klase ko ng 3:00, vacant ko na. I logged in again. Pagtingin ko ng notifications nag-comment din siya sa