Thursday Palabas na kami ng canteen nang makita kong parating si Eljay. Nagpaiwan muna ako sa barkada. Nang makita nila si Eljay, tumango lang sila. Lalapit na sana ako nang mapansin kong nakatingin siya sa maingay na grupo sa canteen. s**t! Si Andrei pala ‘yon, katabi si Honey, classmate din namin. Alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya pero poker face pa rin siya. Bumili siya at dali-daling lumabas. Hinabol ko siya. Tinawag ko pa nga pero ni hindi siya lumingon. Habang nagka-klase pasulyap-sulyap ako sa kanya. Alam kong balisa siya at hindi maka-concentrate. 10-Minute Break Magpapaiwan na lang ako. Alam ko namang hindi rin siya lalabas ng room. Nakita kong dumaan si Andrei. Hindi nakaligtas sa akin kung paano niya tiningnan si Eljay. Tinitigan din siya nito ngunit noong mapans