“ARE we going to attend the party or not?” makailang ulit na itong tinanong ni Count kay Serenity ngunit hindi pa siya tinutugunan ng asawa. Palagi nitong sinasabi na pag-iisipan nito muna. “Serenity?” Lumapit siya rito. Ang babae ay kasalukuyang abala sa harap ng computer nito. Mayroon ilang dokumento na inaaral patungkol sa organisasyon. Humarap ito sa kaniya. “What?” Marahang hinilot ang sintido. Nananakit na ang ulo sa mahabang oras na nakatutok lamang sa harap ng screen at nagbabasa. “May sinabi ka ba? I’m sorry, hindi ko narinig. I’m working.” “Sorry,” aniya na nakunsensiya dahil tila ata naabala niya ang asawa. “Tinatanong ko kasi ulit kung magpupunta ba tayo sa party mamayang gabi? Napansin ko kasing hindi ka naghahanda at hindi mo rin nababanggit ang tungkol doon ilang araw na