DISMAYADO si Count nang makabalik sila sa mansion. Hindi kasi siya masiyadong nakapagpakitang gilas sa asawa sa ganoong pagkakataon. Sayang naman at hindi niya naipakita rito ang naging bunga ng kaniyang pagsasanay. Ngunit ganoon pa man ay ihahanda niya nang mabuti ang sarili para sa mga susunod na pag-atake ng mga kalaban gaya ng sabi ni Serenity. Kung warning pa lamang iyon ay wala siyang pakialam, he will protect his wife and their soon-to-be child no matter what. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” Pinagmasdan niya ito nang mabuti habang nagmamaneho. “Kapag nagkaharap kami ulit ng lalaking ‘yon, talagang malilintikan siya sa ‘kin.” Natawa ang babae sa kaniyang sinabi. “I’m okay, hindi naman ako nasaktan,” tugon nito upang pagaanin ang kaniyang loob. “Don’t worry, magkikita at magki