NAPAHINTO si Count nang marinig ang sinabi ni Serenity. Did he really hear her saying I love you? O naghahalusinasyon lamang siya dahil matagal niya nang nais marinig iyon mula rito? Diretso siyang tumayo at humarap dito. Napalunok siya ng sariling laway. Hindi niya alam kung bakit ngunit tila napipe siya. Walang mga salita ang nagnais na kumawala sa kaniyang mga labi. Nanatiling nakatiklop ang bibig. Maging ang isip ay hindi makapag-isip nang tama. Matagal niya nang mahal siya ng babae, kaya nga halos ibigay na nito sa kaniya ang lahat. At sino ba naman ang babaeng magpapakasal sa isang lalaki kung hindi nito iyon gusto? He already knew her feelings ever since ngunit bakit ngayon ay tila bagong-bago iyon kay Count at wala siyang masabi? Ano nga ba kasi ang dapat niyang sabihin pabalik?