NAPANGITI si Count nang masiguro niyang nagustuhan ni Serenity ang inihanda niyang pagkain. Tinikman muna kasi nito iyon sa isang kutsara at nang matikman ay kaagad itong nag-aya kumain. Magana ito at naging abala sa pagkain kaysa ayain siyang maupo at sumabay, ngunit hindi naman iyon isyu sa kaniya. He knew her. “How is it?” he asked. Kumuha na siya ng sariling plato at mga kubyertos. Maigi na lamang at kumpleto sa kagamitan sa kusina ang kanilang silid, mayroon pang over at kung ano-ano pa. May ilan ding pagkain sa loob ng refrigerator ngunit kung ano-ano lamang iyon, tulad ng tsokolate at inumin. They refilling it for every new customers. Natutuwa lamang dahil bukod sa maganda ang ambiance ay hindi mo kailangang mamroblema kung ikaw ay mahilig magluto ng pagkain. “It’s okay.” “Okay,