HINDI NA lamang si Count ang nagdaramdam ngayon kundi na rin si Serenity. Nanikip ang kaniyang dibdib nang makita kung gaano natakot si Count nang malaman kung sino at ano nga ba talaga ang isang Maria Serenity Owa. Halos hindi ito makaalis sa kinatatayuan. His eyes were fearful, and it is because of her confession to him. Nalungkot siyang talaga dahil maging ang asawa ay natakot sa kung ano siya. Tiyak na lalo itong lalayo sa kaniya, ngunit anong magagawa niya kung ganoon nga ang mangyayari? Hindi pa nga niya nakukuha nang buo ang loob ng lalaki ay nagsisimula nanaman itong lumayo sa kaniya. Ngunit sa kabila ng nangyari ay totoong wala siyang balak itago kay Count ang katotohanan kung anong klaseng tao siya. Sa una ay oo, wala talaga siyang balak na itago. Ngunit bakit ngayon na nakakas