ALAM ni Count na mayroong mali kay Serenity hanggang sa makalabas sila ng grocery. Hindi na kasi ito umimik pa habang sila ay nakapila at hanggang sa matapos. Kanina naman ay nakakausap niya na ito nang maayos at hindi na rin ito tulad ng dati na palaging tahimik at walang kabalak-balak na kausapin siya. Ano nanaman kaya ang nangyari? Hindi kaya depende sa mood nito kung kakausapin siya o hindi? Napakahirap naman intindihin ng babaeng ito. “Is there something wrong?” hindi niya na nga napigilang magtanong habang naghihintay sila ng masasakyan. “Don’t get a cab,” tugon nito na hindi naman sinagot ang tanong niya. Inilabas ang telepono at tinawagan ang kanang kamay na si Gino. “Get us a car now. I will send you our location.” Kaagad namang tumalima ang tauhan mula sa kabilang linya. Ib