NAGTUNGO si Serenity sa palikuran. Walang katao-tao sa loob dahil abala sa maraming gawain at marami rin ang naturang palikuran dito pa lamang sa gusaling kanilang kinaroroonan. Pagkatapos pihitin ang toilet flash ay lumabas siya ng cubicle at humarap sa salamin sa labatory. Simula nang makilala niya si Count nagsimula siyang masanay na tignan ang sarili sa salamin. Wala siyang ideya kung bakit. She got curios about her looks every time, subalit wala naman siyang ginagawa at hindi rin naman niya binabago ang kasuotan o ang itim niyang makeup. Malalim siyang bumuntong hininga, inayos ang sarili at lumabas ng washroom. Bahagya pa siyang nagulat nang paglabas ay naabutan si Gino. Nakasandal ito sa pader habang magkaekis ang palad sa dibdib at tila may hinihintay roon. Wala naman siyang ibang