SUNOD-SUNOD ang araw na bumabalik si Count sa lugar na tinawag ni Serenity na The Death Zone, at sa mga araw na iyon ay patuloy siyang nag-eensayo sa paggamit ng baril. Mabilis siyang matuto at talagang tinatiyaga siya ni Primo (isa sa mga tauhan ni Serenity) na hasain. Nakita niyang malaki ang kaniyang naging improvement at mas nais pa niyang madagdagan iyon, kaya naman kahit walang nagtuturo sa kaniya o nagbabantay ay itinutuloy niya ang pagpa-practice. He pulled the trigger and the bullet hit the target. Hinubad niya ang suot na salamin sa mga mata. “Bulls eye!” Pinasingkit ang mga mata upang tanawin kung saan tumama ang kaniyang itinirang bala. Napangiti siya nang makitang muntik na itong tumama sa gitna, kaunti na lamang. Napatingin siya sa likuran nang makarinig ng mga palakpak. “Ser