ILANG ULIT na pinagmasdan ni Count ang asawa habang nagmamaneho ito upang makasiguro na ayos lamang at hindi nasaktan nang bigla na lamang mawala sa kaniyang paningin kanina upang hanapin ang taong nagtangkang patayin sila. Hindi niya alam kung ano ang nangyari nang mawala si Serenity sa harapan niya kanina, pagbalik nito ay hindi na rin naulit ang putukan ng baril. Inantok siya sa byahe at hindi napansin na nakatulog. Nagising na lamang siya nang maramdaman niya ang malakas na pagpreno ng sasakyan at kamuntik nang lumabas ang kaniyang puso habang siya ay nahihimbing. “What happened?!” mabilis niyang tanong at inilibot ang paningin sa paligid. Nang walang mapansing mali ay tumingin sa asawa. Nakatitig din ito sa kaniya. “Anong nangyari? Bakit ka prumeno nang ganoon at nasaan tayo?” P