Episode 9 - Planning To Escape

2063 Words
NATAPOS ang buong araw na parang wala man lang nangyari sa buhay ni Count. Napakatahimik ng kaniyang paligid kahit na kasal ang okasyon na dinaluhan kanina, at sarili pa niyang kasal. Wala man lang kasigla-sila ang naturang okasyon kahit na may ilang programa naman sa reception hall na naganap. Siguro ay dahil wala roon ang kaniyang atensyon. Wala siya sa mood upang magsaya. Isa pa ay tila nahawa siya sa katabing babae na buong araw na walang imik. Tila ito pipe na hindi nagsasalita sa kaniyang tabi. Natuyo na lamang ang laway nito at hindi siya pinansin. Is this the marriage he wants? Halos hindi niya kilala ang napangasawa, kahit man lang ang pangalan nito. Hindi niya rin alam kung anong klaseng pagkatao ang mayroon ito. They never dated! Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. “Pauwi na ba tayo?” Tumango ang babae. Nauna ito sa paglalakad palabas ng hotel kaya naman sumunod siya. Tinungo nila ang parking kung saan nakaarada ang sasakyan nito. Napatingin si Count sa kanilang paligid habang naglalakad. Napansin niyang wala nang katao-tao sa paligid at ito ang unang pagkakataon na nakita niyang walang mga lalaking nakaitim ang nakasunod sa babaeng kasama. “Nasaan ang mga bodyguards mo?” takhang tanong niya at nilakihan ang mga hakbang upang maabutan ito. Bahagya kasi siyang nahuli sa paglalakad. “They are off today,” she simply replied him. Huminto ito sa paglalakad nang makita ang sasakyan at humarap sa kaniya. She tossed him the keys without even noticing him. Maigi na lamang at maagap siya, kaya naman kaagad iyong nasalo. Hindi na siya nagtanong pa. Halata namang siya ang gusto nitong magmaneho para sa kanila. Wala rin naman siyang balak tumanggi, mas gusto niyang siya ang nasa driver seat upang matansiya ang bilis ng takbo ng sasakyan. Naiinip din kasi siya kung nakaupo lamang sa loob. Baka makatulog pa siya kapag nagkataon. Maglalakad na sana siya upang magtungo sa kabilang gawi ng sasakyan kung nasaan ang driver seat nang hawakan ng babae ang kaniyang kuwelyo. “Ouch! Teka lang!” Masama siyang tumingin dito at pinagpag ang damit. “What?” inis niyang tanong habang nakabusangot ang mukha. “Open the door for me, stupid little idiot.” Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Wala ka bang kamay? Kayang-kaya mo naman,” reklamo niya ngunit sinunod naman ang utos nito. Padabog niyang isinara ang pintuan na ikinagulat ni Serenity sa loob. Namimilog ang mga mata ng babae. Huminga na lamang ito nang malalim. Katatapos lamang ng pangarap na kasal nito, kaya naman hindi nais magalit. Palalagpasin nito ang kalokohang ginawa niya. “Now drive,” utos nito pagkasakay na pagkasakay niya sa sasakyan. Hindi naman na nakipagtalo si Count at kaagad na nagmaneho. Maya-maya ay mayroong kalokohang pumasok sa kaniyang isip. Wala ang mga tauhan ng babae na siyang mga armado at nakakatakot. Ang maliit na babaeng ito lamang ang kaniyang kasama. Bigla niyang naisip na ito na ang tamang pagkakataon upang takasan ito. Napangiti siya sa naisip ngunit kaagad na itinago upang hindi nito iyon mahalata. Baka kasi mabulilyaso pa. Nagsimula siyang mag-isip ng paraan kung papaano ito tatakasan. Babae lamang ito at walang magagawa kung tatakbuhan niya, tiyak namang mas malakas siya rito nang ilang ulit. Kahit magbuno sila kung pipigilan siya nitong umalis ay wala itong magagawa. “Great,” bulong niya. “What?” Mabilis siyang umiling. “Wala, may naisip lang ako.” Kamuntik pa siyang mahuli. Talaga nga naman. Tumahimik na lamang siya at pinag-isipang mabuti ang kaniyang gagawin. Kung paano tatakas upang makalayo sa babaeng ito. Kahit na ano pang sabihin nito na kasal sila ay hindi niya gustong makasama ang babae. Marunong naman siyang tumanaw ng utang na loob, ngunit sobra-sobra naman yata kung siya mismo ang kabayaran? Hindi siya papayag. Aalis siya! “Huwag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo, Ashfort,” wika ng babae na tila nabasa ang kaniyang iniisip. Nangilabot siya at napalunok ng sariling laway. Paano nitong nalaman na mayroon siyang binabalak? “What do you mean? Wala naman akong iniisip na kung ano.” “Tsk!” Tumikhim ito at pinag-ekis ang mga palad sa dibdib. Tumingin na lamang sa labas ng sasakyan upang maaliw dahil bahagya nang inaantok. Halos ilang oras din silang tumagal sa reception dahil talagang nagsaya ang kanilang mga kasama. Habang nasa byahe at nakatingin sa labas si Serenity ay napansin ang isang sasakyan na nasa gawi nilang likuran. Kanina pa ito naroon at kahit nakailang liko na sila mula kanina sa hotel ay hindi ito naalis sa kanilang likuran. At dahil alerto ang babae at sanay na sa ganitong aksyon ng mga kalaban ay hindi ito nagpanik. Hindi na kasi bago rito kung mayroon mang magtangka sa buhay nito. “Turn left.” Kumunot ang noo ni Count at tinignan ang babaeng katabi. Nakatingin ito sa side mirror. “Okay,” tugon niya na hindi na nagtanong pa dahil tiyak namang hindi siya nito sasagutin. Ngunit napaisip lamang siya, hindi naman sa gawing ito ang ruta patungo sa tahanan nito. “Saan tayo pupunta?” Hindi niya na napigilang magtanong. “Park the car on the first road.” Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. “Teka, bakit? May pupuntahan ka pa ba—” Napahinto siya at namilog ang mga mata nang bumunot ng pistol ang babae mula sa baywang nito. Seriously?! Why does she have gun on her waist?! Tumaas ang mga balahibo ni Count at makailang ulit na napalunok. Ni minsan ay hindi pa siya nakakahawak ng baril, siguro ay dahil abala siya sa pagpapalago ng pera kahit noon pa man. Hindi niya kasi gustong lumaki nang umaasa sa magulang. Simula noon hanggang ngayon, kung ano man ang naabot ay mula iyon sa kaniyang pinagpaguran. Kaya nga lamang ay naglaho ang lahat dahil sa pagkakatalo niya sa sugal. Malaki ang kaniyang panghihinayang at talagang napakabigat nito sa dibdib. Ngayon niya pinagsisisihan ang lahat. Sana ay hindi siya nagsugal. Sana ay hindi siya nangutang. Sana ay hindi siya natutong magsugal. It really ruined his whole life, all his assets, properties and everything. Talagang nalulungkot siya ngunit huli na ang lahat para sa pagsisisi. Talaga nga namang nasa huli ito. Inihinto niya ang sasakyan kung saan tulad ng utos nito. “Labas!” mabilis na wika nito at kaagad na bumaba ng sasakyan. Tumalima naman si Count at sumunod sa babae. “Saan tayo pupunta?” Nagulat siya nang hawakan nito ang kaniyang palad at ayain siyang pasukin ang isang masukal at mapunong lugar mula sa unang kalsada na kanilang pinaghintuan. Labis-labis siyang nagtaka nang hindi ito sumagot at naglakad lamang ng napakabilis. Sumunod na lamang siya. They hid on the trunk of a big tree. Nakatalikod ito mula sa puno at siya naman ay nasa harapan nito. Nagkaroon siya ng pagkakataon upang masilayan ang babae. Bahagya nang madilim ang paligid ngunit may kaunti pang liwanag. Kulay asul na may halong itim ang kulay ng langit. He frowned staring at her. Ikinasa nito ang barel sa kaniyang harapan at saka ikinabit ang isang mahabang bagay. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong silencer. “What the fvck?! Anong meron—” Muli siyang natigilan sa pagsasalita nang takpan ng palad nito ang kaniyang mga labi. “Shut up! If you don’t want to die!” halos pabulong ngunit pagalit na wika nito sa kaniya. Masamang tumingin ang babae at diretsong tumayo. Pinakikinggan ang paligid. “Face down.” “Huh?” “I said dapa!” Nag-irap ito ng mga mata. Nagkibit balikat siya at dumapa. Saka niya lamang napagtantong mali ang ginawa dahil kumapit na sa kaniyang damit ang lahat ng dumi sa damuhan. “s**t! Ang kati—ah!” Tinapakan siya nito sa kaniyang balikat. “Tumahimik ka!” Malalim na lamang siyang napabuntong hininga. Nakakatakot naman ang babaeng ito. Pinakinggan ni Serenity ang buong paligid, maging ang mga yapak na naririnig mula sa damuhan. She’s counting every footsteps she can hear. “Come on, bastart...” she mouthed. Nakikinig lamang si Count. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Habang nakadapa ay sinubukan niyang iangat ang ulo upang makita kung ano ang ginagawa nito. Ilang segundo sila sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang lumakas ang tunog ng mga hakbang sa damuhan. Lumabas ang babae mula sa kanilang pinagtataguang malaking puno at itinutok ang baril mula sa isang lalaking dumaan. Hindi ito nagdalawang isip man lang at tila sanay na sanay na ito sa ginagawa. Ang balang pinakawalan nito nang walang ingay ay kaagad tumama sa balikat ng lalaking nakasuot ng hoodie jacket. Nabitawan nito ang baril din na hawak at napaluhod sa sahig. “Ah! s**t!” mura ng lalaki habang nakahawak sa balikat nitong duguan. Namilipit ito sa nananakit na balikat. Marahang naglakad papalapit si Serenity. “Are you alone?” she asked with authority. Inikot ang mga mata sa buong paligid at nang masiguradong wala itong kasama ay hinawakan sa hoodie jacket ang lalaki nang napakahigpit at tinutukan ng baril sa sintido. “I know who sent you, Hobo.” Inilapit pa ang mga labi sa tainga ng lalaki. “Hindi kita papatayin, but I want you to tell your boss how stupid he is.” Binitawan ang lalaki at diretsong tumayo. “I’ll give you five seconds to run away... one...” Namilog ang mga mata ng lalaki at dali-daling napatayo. “Tāng*na naman!” mura nito at tumakbo nang mabilis sa kabila ng duguan nitong braso. Kinalas ni Serenity ang silencer habang nagbibilang ng segundo. Pagkatapos ng limang bilang ay nagpaputok ito sa damuhan. Umalingawngaw ang ingay sa paligid. Nakatakbo naman nang malayo ang lalaking sugatan at nakabalik sa sinasakyan nito. Batid ng babae na ang amo na mismo nito ang kukuha sa buhay ng lalaki, kaya naman hindi na dinumihan pa ang mga palad. Napalunok si Count ng sariling laway at napatakip sa magkabilang tainga dahil sa ingay ng baril. “s**t! Damn this woman!” Kinilabutan siya sa nasaksihan. Talagang tumaas ang lahat ng buhok niya sa balat. Kanina ay nagbabalak siyang takasan ito at minaliit ang kakayahan ng babae kung sakaling sila ay magbuno subalit ngayon ay tila maiihi siya sa takot sa oras na balakin iyong muli. “Fvckkk!” Nanatili siya sa damuhan. Tila ayaw niya nang bumangon. Halimaw ang babaeng ito. Nakatatakot! Marahang naglakad pabalik ang babae. “Tumayo ka na,” mahinahong wika nito sa kaniya at isinuksok ang baril pabalik sa lagayan nitong nakasabit sa tagiliran. She gave him her hand. Lumunok muna ng sariling laway bago tinanggap ang palad ng babae. Dahan-dahan siyang tumayo. Pinagmamasdan ito. She does not look like a normal woman but definitely a creepy one and eerie. Subalit nang magtama ang kanilang mga mata ay may lungkot siyang nakita. Tama ba iyon? Did he really see her eyes with sorrow? Nag-iwas ito ng tingin at naglakad pabalik sa kanilang sasakyan. Malalim ang kaniyang naging buntong hininga bago sumunod dito. Hindi niya na kailan man babalaking tumakas, hindi niya kasi gustong magaya sa lalaking katapat nito kanina. Napangiwi ang kaniya labi sa naisip. Nadaanan pa niya ang damuhan na mayroong patay ng dugo ng lalaking nasugatan. He feel sorry for him. Ngunit kung alam niya lamang ang nangyayari ay tiyak na hindi siya maawa roon. They are all criminals, just like the mafia boss walking in front of him. Walang salita ang lumabas sa mga labi ni Count hanggang sa tuluyan silang makauwi sa bahay ng babae. Nagkahiwalay lamang sila nang pumasok na ito sa sariling silid at ganoon din siya. He took a bath and readied himself to sleep. Pabagsak siyang nahiga sa malambot na kama. Mas malaki pa itong silid na tinutuluyan ngayon kaysa sa kaniyang silid noon. Kumpleto rin sa kagamitan ngunit hindi niya gusto. Paano ay napakadilim. Black and white naman iyon at maganda ang kabuoang disenyo, ngunit iilan lamang ang ilaw na nagagamit. Tila nagtitipid ang may-ari ng bahay. Lahat na lang ng sulok ng bahay sa tuwing siya ay lalabas ng silid ay madilim. Kaya hindi niya maiwasang isipin na isa itong hunted house at ang mangkukulam na babaeng iyon ang nakatira. “Masiyadong minahal ng babaeng iyon ang kulay na itim. She’s absolutely a witch.” Bigla niyang naalala ang nangyari kanina. Kinilabutan siya rito ngunit sa kabilang banda ay napahanga rin. Ngayon lamang siya nakakita ng isang babae na ganoon kaastig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD