IRITABLE si Count nang tuluyang masuot ang isang wedding suit. Pakiramdam niya ay nasasakal siya sa kaniyang necktie, datapwat hindi naman ito ang unang beses na magsusuot siya ng ganito. Talagang iritable lamang siya, siguro ay dahil sa katotohanan na ngayon ay ikakasal na siya. Wala pa naman siyang kaplano-planong ikasal, kung meron man ay hindi sa katulad ng babaeng iyon. Masiyado nitong minamahal ang itim na kulay, simula sa kasuotan, sa labi nito, sa mga kasamang tauhan at maging sa mismong bahay nito. Pakiramdam niya ay napakadilim ng mundo ng babae. Hindi ang katulad niya ang mapapangasawa nito at titira sa ganito kadilim na bahay, kahit gaano pa ito kalaki at kaganda. He will get sick staying here for sure. Kung bakit ba naman kasi hindi niya ginamit ang isip nang mga oras na iyon, sana ay hindi siya napasok sa ganitong sitwasyon. Ngunit kung hindi siya nito iniligtas at binayaran ang lahat ng kaniyang pagkakautang, buhay pa kaya siya hanggang ngayon?
Dahil sa naging katanungan sa isip ay malalim siyang napabuntong hininga. Mayroon siyang utang na loob sa babae, subalit sapat na kaya iyon upang pakasalan niya ito? Hindi biro ang pagpapakasal at alam na alam niya ang bagay na iyan. Kaya nga ni minsan ay hindi niya plinano sa dami ng babaeng dumating sa kaniyang buhay. Ngunit sa isang iglap ay nangyari ang lahat ng kalokohang ito. “I wish I was just dreaming, but I am not.” Nalungkot siya. Ano na lamang kaya ang mangyayari sa buhay niya ngayon? He feels like dying… Paanong umabot sa ganito? He really had no idea.
Napatingin siya sa pintuan nang mayroong kumatok doon. “Who’s that?” Hindi sumagot ang kung sino man sa labas kaya naman inis siyang tumayo upang pagbuksan ito ng pintuan. “Hindi ba kayo marunong magsalit—” Napahinto siya sa nais sabihin nang makita ang dalawang matangkad na lalaki; parehong malalaki ang katawan at mayroong kaniya-kaniyang baril sa tagiliran.
“Kailangan mo nang bumaba, naghihintay na ang sasakyan,” wika ng isa na halatang-halata naman na hindi siya gusto. Parehong nakasuot nang pormal na damit ang mga ito at purong itim. Hinintay ng dalawa na mauna siyang maglakad at saka sumunod ang mga ito. Talagang sinisiguradong hindi siya tatakas.
Napapalunok na lamang siya ng laway sa iisiping may dalawang armadong lalaki ang nasa kaniyang likuran. Kahit sino naman ay hindi mapapalagay katulad niya. Ngunit sandali nga lamang, nasaan na ba ang babaeng iyon? Bakit hindi ito bumabalik sa kaniyang silid kanina pa? Eh ano naman kaya? Napailing siya sa pagtatalo ng kaniyang isip. Nang makarating sila sa staircase ng bahay ay wala ng katao-tao sa loob. Hindi naman na siya nagtanong pa at sumunod na lamang sa dalawang lalaki na kasama. Sumakay sila sa isang sasakyan at umalis. Tiyak na magtutungo na sila sa venue ng kasal. Totoo ba ito? Talaga bang ikakasal siya sa babaeng hindi niya naman gusto? Masisiraan siya ng ulo kapag nakasama ito. For God’s sake!
Hindi naman nagtagal ang kanilang byahe. Huminto ang sasakyan at pinababa siya ng dalawa niyang kasama. Nagpatiuna ang isa upang ituro sa kaniya ang daan papasok sa loob ng isang hotel, sa likurang bahagi sila dumaan. Then they reached the garden. Isang garden wedding pala ang nakahanda para sa kanilang kasal na hanggang ngayon ay nakikipagtalo pa rin ang kaniyang isip. Pagpasok nila sa bukana ng hardin ay ganoon na lamang ang pagkunot ng kaniyang noo nang ang lahat ng makasalubong niyang tao ay nakasuot ng itim. “May lamay ba rito? Mali yata tayo ng napuntahan,” aniya sa dalawang kasama at huminto sa paglalakad ngunit hindi nagsalita ang mga ito at itinulak siya upang bumalik sa paglalakad. “Damn,” mahinang boses niyang mura. Itinulak siya ng dalawang lalaki hanggang sa marating nila ang unahan at mauapo siya sa damuhan.
Masamang tinignan ni Serenity ang dalawang lalaki. Natakot naman ang mga ito at nagsimulang ihanda ang sarili para mamaya. “Get up.”
Narinig ni Count mula sa likuran ang pamilyar na boses na iyon kaya agad na humarap. Doon niya nakita ang babaeng kaniyang dapat na pakasalanan ngayong araw. Inaasahan niyang nakabistida ito ng puti, subalit itim ang kasuotan nito at hindi iyon bistida pangkasal. Isang pormal na suit katulad sa kaniya ngunit pambabae nga lamang iyon, pagkatapos ay may suot itong sombrero. Ang lahat ay itim at nananakit na ang kaniyang mga mata sa kulay na ito. He roamed his eyes around the garden and saw everyone wearing the same color and formal attire. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan. “Seriously? I thought it was a wedding—”
“Yes, it is,” Serenity cut him off.
“But you guys, are all wearing black.”
Hindi siya nito pinansin at humarap sa pari at sa isang abogado na nasa tabi nito.
“Shall we?” tanong ng pari na kaagad ikinatango ng babae.
Nagulat pa siya nang kumapit ito sa kaniyang braso at tumango sa naging tanong ng pari. “Yes.” Diretsong tumingin si Serenity sa harapan habang si Count naman itong nagsimula muling makaramdam ng matinding kaba at takot.
He wanted to run away but he cannot. Paano niya iyon gagawin kung napakaraming armadong lalaki ang nakapalibot sa kanila. Tila mas masukal pa ang nangyayari sa buhay niya kaysa sa dapat mangyari sa kamay ng mga tauhan ni Mr. Lax. He will regret marrying this woman for the rest of his life. Mariin siyang napapikit at sinubukang hindi pakinggan ang mga sinasabi ng pari na nasa kaniyang harapan. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay tapos na ang seremonya nito. His heart was beating so fast. Was it final?
“You may now kiss the bride.”
Kumunot ang kaniyang noo. “What?”
Namula ang magkabilang pisngi ni Serenity sa narinig. Hindi nito iyon naisip. “Let’s skip that part,” wika nito habang hiyang-hiya sa mga tauhan na nakapalibot sa kanilang paligid.
“But it’s part of the ceremony.”
Serenity had no idea what to do. Wala pang kung sino ang nakahahalik sa labi nito. Ang kung sino mang gumawa noon ay tiyak na hindi na dadatnan ng buhay kinabukasan. Masama nitong tinignan ang pari. “I said, let’s skip that part.” Dumilim ang mukha nito. She really does not want to do that but she wanted to get married this way.
At dahil inatake nanaman ng kapilyuhan si Count ay hinawakan niya ang babae sa palad nito. Wala siyang pinipiling babae para sa kapilyuhan, kahit papaano ay gusto niyang matikman ang labi ng babaeng ito na palagi na lamang nangingitim. “Hindi ba’t gusto mo ito, ang maikasal sa ‘kin? When you’re getting married, kasama talaga sa seremonya ng kasal ang halik. It is to seal their promises.”
“We’re not promising anything,” malamig na tugon nito.
Napakamot siya sa kaniyang batok. Kung bakit ba naman kasi wala silang naging wedding vow? Kasalan ba talaga ito? O isang lamay? He sighed so deep. “Bahala ka nga.” Hindi na lamang siya rito nakipagtalo. Mukha namang wala siyang ipapanalo sa babaeng ito.
Natakot din naman ang pari sa babaeng kaniyang kasama at tila walang kung sino man ang makakapilit dito, hindi kahit siya. Maya-maya ay naglabas ng pares ng singsing ang mga ito at iniabot sa katabi niyang babaeng mangkukulam. Tinanggap naman nito iyon at humarap sa kaniya. “Put this ring on my finger.”
Wala sana siyang balak sundin iyon kung hindi niya lamang nakita ang mga bodyguards nitong nasa kanilang gilid. He gulped again and put the ring on her finger. Pagkatapos ay ito naman ang kumuha sa kaniyang palad at isinuot ang singsing sa kaniya. Talaga bang ikinasal na siya? Bakit parang panaginip lamang ang lahat ng ito?
Natahimik na lamang siya hanggang sa natapos na lamang ang seremonya. Pumasok sila sa loob ng hotel para sa reception. Iilan lamang ang taong dumalo sa kanilang kasal, at halos ang mga ito ay nakaitim. Natatawa na lamang siya. Kung kanina ay labis-labis ang kabang kaniyang nararamdaman, ngayon ay halos tawanan niya na lamang ang nangyayari. Paano ba naman kasi ay parang hindi naman talaga siya ikinasal. Tila lamang sila naglalaro ng babaeng ito. Pinagmasdan niya ang babaeng katabi. Kanina pa ito abala sa hawak nitong cell phone habang ang mga taong nasa kanilang paligid ay nagsasaya. Napakaraming pagkain, ngunit hindi nagustuhan ni Count ang theme ng naturang kanilang kasal. Para itong Halloween party sa dilim. Nananakit ang kaniyang mga mata sa nakikita. “Is this how you wanted to get married?” hindi niya napigilang itanong.
Ang babae ay huminto sa ginagawa. “Does it matter?”
Nagkibit balikat na lamang siya. “Pupunta lang ako ng banyo.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad paalis ngunit napahinto nang maramdaman niyang sumunod ito sa kaniya. “Seriosly? Maghahanap lang ako ng banyo, hindi mo ako kailangang bantayan. Hindi ako tatakas.” Malalim ang kaniyang naging buntong hininga.
Hindi naman sumagot ang babae at nagpatiuna sa paglalakad.
Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Sa kanilang paglalakad ay napansin niyang walang katao-tao sa loob ng gusali kundi ang mga taong kasama lamang nila sa kasal. “Bakit walang katao-tao? Don’t tell me abandonado ang hotel na ‘to?” Natawa siya sa kalokohang naisip. Lahat na lang ng bagay na creepy ay nasa babaeng ito.
“I obviously owned this building, Mr.” Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kaniya. “Just like you, I owned you now.” Malademonyo itong ngumisi kasabay ng madilim nitong awra. Ngunit kaagad din iyong naglaho, bumalik sa blangko ang ekspresyon ng mukha nito. How could she do that?!
Napalunok siya ng sariling laway. Nakatatakot ang babaeng ito. Paano niya ito pakikisamahan sa iisang bubong? He is going to die very soon. Dali-dali siyang naglakad pabalik upang tuluyang magtungo sa palikuran. Kinikilabutan siya na hindi niya malamang dahilan. Paano kaya kung natuloy ang paghalik niya rito kanina? Baka managinip siya nang masama. Mukhang kailangan niya nang piliin ang taong papakitaan ng kaniyang kapilyuhan, o hindi naman kaya ay iwasan niya na lamang ang babaeng ito. Iyan ang mas maganda niyang magagawa. Hanggang sa makapasok siya sa loob ng comfort room ay nakasunod ito. Kunot noo siyang humarap sa babae. “What the heck?! Anong ginagawa mo?”
Isinara ni Serenity ang pintuan at doon isinandal ang likuran, saka pinag-ekis ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kaniya.
Napailing si Count, hindi makapaniwala sa kalokohang ginagawa ng babaeng ito sa kaniya. “You’re invading my privacy—”
“I’m your wife,” maiksing tugon nito at itinaas ang mga palad na mayroong suot na singsing.
Napakamot na lamang siya sa kaniyang batok at napahilamos ng palad sa kaniyang mukha. Masisiraan siya ng ulo kung ang babaeng ito ang kakausapin niya buong araw. Baka makita niya na lamang ang sarili na nakakulong sa isang puting silid at nagsasalita mag-isa. Damn this fvcking life!! Maigi na lamang at mayroong cubicle sa loob nito. Pumasok siya sa isa at doon nagbawas. Makailang ulit na siyang napabuntong hininga para sa araw na ito. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi niya namalayang pag-aari na siya ng babaeng kasama ngayon. Kailangan niya na yatang ihanda ang sarili para sa mas maraming pananakit ng ulo o kunsomisyon dahil sa babaeng ito. Habang nagbabawas ay mayroon siyang naalala. “You said, you are my wife but up until now hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. So, kailan ko malalaman?”
Hindi ito sumagot.
“Siguradong kasing dilim mo ang pangalan mo.”
Hindi nainsulto si Serenity, mas maiinsulto siguro ito kung malalaman ng lalaki ang buong pangalan. Tiyak na tatawa siya nang malakas. Walang nakakaalam sa buong pangalan nito. Tanging ang acronym lamang ng pangalan ang ginagamit. M for Maria, S for Serenity at O naman para sa Owa na siyang apelyido nito. Kaya naman tinawag itong MS. O o hindi naman kaya ay Lady O. Her name is like a curse for her but she does not want to change it. Dahil ito na lamang ang nagpapaalala sa mga magulang na matagal nang yumaon.
Mukhang walang balak na magsalita ang babae kaya naman mas minabuti niyang itikom na lamang ang bibig.