MAAGANG nagising si Count kinaumagahan at kaagad nakaramdam ng gutom. Naligo muna siya bago tuluyang lumabas ng silid upang makakain. Bahagya niya nang nakabisado ang bahay kahit gaano ito kalaki. Hindi nga lamang siya sigurado kung saan banda ang silid ng babaeng mangkukulam na iyon. Isa pa ay wala naman siyang balak na alamin. “Good morning,” bati niya sa apat na kasambahay na naabutan niya sa kusina. “Anong pagkain?” Malasenyorito siyang naupo sa isang hinatay na upuan kaharap ng kitchen counter. Ang mga kasambahay na nakasuot ng itim na uniform ay nagpatuloy sa ginagawa. Abala ang mga ito sa iniluluto. “Mayroon na pong nakahandang agahan sa dining, Sir, naroon na rin po si Lady O,” wika naman ng isa na hindi huminto sa gawain. “Meron na?” Kumunot ang kaniyang noo. Diretsong tumayo